Chapter Five

38.2K 1.3K 185
                                    

"Babe, are you okay?" Nag-aalalang bulong ni Travis nang maupo ito sakanyang tabi.

Umangat ang kamay nito sa sandalan ng kanyang upuan, he leaned closer to her at naamoy niya ang alak na iniinom nito. Ang mainit nitong hininga ay tumamang kaagad sakanyang tenga nang muli itong mag-salita.

"Don't be sad, please?"

Malambing na malambing ang tinig nito na tila ba siya bata na inaamo nito upang tumahan. Napangiti siya bago ito balingan. Lalo pa itong nag-pa-cute sakanya, he pouted cutely as he wrinkled his nose in the most adorable way possible.

"Please?" Ulit nito bago halikan ang kaniyang balikat ng hindi inaalis ang tingin sakanyang mga mata.

Tumango siya. "Sige na, Travis. Go and enjoy your party, I will be fine here."

Hindi ito nag-salita, ang mga mata nito ay nanatiling nakatitig sakanya na tila ba nanunuot sa bawat himaymay ng kaniyang katawan ang tingin nito. He's about to open his mouth to say a word, ngunit isa sa mga kaibigan nito ang tumawag ng atensyon nito mula sa likod.

Kumiling ang kaniyang ulo upang silipin kung sino iyon, it was Aquish who's giving her an annoying grin.

"Come on, man. Kung mabubulok ka lang pala dyan sa tabi ni Gift sana nag-date nalang kayo." Dagdag pa nito na binuntutan ng mapang-inis na tawa.

Nang balingan niya si Travis ay salubong ang mga kilay nito, his lips were in thin line. Ganoon parin at malalim ang paraan ng pagtitig nito sakanya. Nakita niya kung paano lumigid ang labis na pag-aalala sa mga mata nito. Muli niya itong nginitian at hinaplos ang isang bahagi ng pisngi nito, then she leaned closer to give his lips a quick peck. Narinig niya ang mapang-asar na hiyaw ni Aquish sa di kalayuan dahil sa ginawa niya.

Agad sana siyang lalayo nang pigilan ni Travis ang bewang niya at mas na idinikit siya rito, he kissed her cheek and whispered.

"I don't want you sad."

His words touched her heart. A heart. Na hindi niya na alam na meron pa pala siya, why all her life parang wala naman nagkaroon ng pakialam sa mararamdaman niya. Why everybody sees her as the rudest most cruel person in the room, na ang tingin ng lahat ay wala na siyang nararamdaman, na hindi na siya nasasaktan.

"Sige na, Trav. Go and enjoy your party, tatayo rin ako mamaya at makikihalubilo. Siguro ubusin ko lang to." Inangat niya ang kaniyang wine glass na may lamang tequila sunrise.

"Travis, hindi naman mawawala si Gift. Kumawala ka naman ng konti, man." Muling sigaw ni Aquish na ngayo'y nilapitan na ng isang babae.

Agad siyang sumimangot at binalingan si Travis na nakamasid parin sakanya na para bang siya lang ang nakikita nito. "Wag kang didikit sa mga babae, Travis ha!"

Unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi nito. "Dito nalang kasi ako sa tabi mo, wag mo na ko itaboy."

"Travis, this is your party. You should entertain your guests!"

"They can entertain themselves." Ngumisi ito at nagkibit ng mga balikat.

Hindi na nakatiis pa si Aquish at nilapitan na sila bago tahasang hinila patayo si Travis. "Pahiram muna kay birthday boy, Gift ha? May gagawin lang kami."

"Ang kulit mo!" Inis nitong hinawi ang kapit ni Aquish.

"Wala kasi si Cholo, Trav kaya clingy si Aquish sayo." Natatawang sabi ni Atticus habang nag-lalakad papalapit sa kinaroroonan nila.

Sukat doon ay mas na lalong dumilim ang anyo ni Travis, mabilis nitong nilingon si Atticus at hinarang sa akmang gagawin nitong pag-lapit pang lalo. Tinalikuran siya nito at hinarap ang mga kaibigan.

ZWCS#7: Back To DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon