Chapter Fourteen

41.9K 1.5K 227
                                    

She killed her engine and stopped her car in front of a pastel green-colored house, not knowing the exact reason why she's there at eight in the morning.

The mistress of the house is standing at the balcony, wearing a confused frown. Maybe, she also didn't expect to see her there.

Ilang malalim na pag-hinga ang kaniyang pinakawalan bago siya nakakuha ng sapat na lakas upang buksan ang pinto ng kaniyang sasakyan at bumaba roon.

Nakita niyang agad na nawala ang babae sa balkonahe sa ikalawang palapag, the gate opened and a uniformed maid came out.

"Good morning po, ma'am. Tuloy po kayo, pababa na po si ma'am Rosas." Magalang nitong salubong sakanya.

Her eyes wandered around when she stepped in. The ambiance of the house is simple yet cozy, so much to describe how Rosas is.

Pinag-buksan siya ng kasambahay ng katamtamang laking double door made from fine mahogany. Marble floor and soft-colored wallpapers, ang mga kasangkapan sa paligid ay yaon lamang may sapat na silbi at dahilan kung bakit naroroon. Nothing in the place looks extravagant and flashy, instead it seems perfect.

"Gift..." Ang malambing na tinig ni Rosas mula sa puno ng hagdan ang siyang nagpalingon sakanya.

Generose's eyes seems weary and concerned. Ang malambot na ekspresyon ng mukha nito ay sinamahan ng isang magaang na ngiti.

"I'm pleased to see you here, come in." Tuluyan itong lumakad papalapit sakanya at hinalikan siya sakanyang pisngi. "Kumain ka na ba? May gusto ka bang kainin?"

Tanging iling lamang ang naging sagot niya sa tanong nito.

Tumango naman ito habang ang mga labi ay nakaporma parin ng ngiti. "Halika, doon tayo sa balcony para mas presko ang hangin."

Nagpatangay siya dito paakyat sa balkonaheng kaninang kinaroroonan nito. Nagpasuyo pa ito ng inumin sa isa sakanilang kasambahay.

"Pasensya ka na ha, medyo magulo ang ibang bahagi ng bahay." Nahihiya itong natawa habang tinutukoy ang ilang malalaking kahon na naka-kalat sa paanan ng hagdan. "Minsan lang naman kasi kami nalalagi dito ni Arki sa Manila, kapag lang may okasyon na dadaluhan. Alam mo naman ang asawa ko, hindi kakayaning mawalay sa rancho. Tila ba isda sa tubig."

"And you're okay with that?" Wala sa sarili niyang tanong, naupo siya sa isang silyang ratan, ito nama'y pumwesto sa kaharap niya habang isang parisukat na center table naman ang pumapagitan sakanila. Kita niyang kumunot ang noo nito tila ba pasimpleng winawari ang kaniyang tanong. "What I mean is, you were born and raised in the city. You're used to living a city life. Then you'll be jailed into someplace where hays and horses are the main thing."

Sukat doon ay malakas itong natawa, siya naman ang pinangunutan ng noo. "Oh, Gift. I understand, even I never pictured myself spending the rest of my life in a ranch with hays and horses you say. Well not until I meet my husband."

The twinkle in her eyes can't hide the love she has for her better half. Hindi muna ito nag-salita nang dumating ang kasambahay upang ilagay sa center table ang dalawang baso ng orange juice at platito ng madeleine cookies.

"Alam mo kasi, Gift you'll reach a point in life where all you ever wanted is to be with the one you love. Where you'll learn to love everything he loves, yung mga akala mong mahirap dati o mga akala mong hinding hindi mo magagawa... magagawa mo. And that's what Archimedes did to me, he made me love him in the most irrevocable way."

That's pretty obvious in her eyes at hindi na niya kailangan pang hulaan kung gaano din ito itinatangi ng asawa nito. Why they seemed to be madly in love with each other.

ZWCS#7: Back To DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon