CP 12

1.1K 18 16
                                        

3rd Person's POV

Kasulukuyang umuupo sa ilalim ng puno si Benj. Naguguluhan na ito sa mga nangyayari sa paligid.


Maraming namamatay...

Nasasaktan...


Napapahamak...


Gulong-gulo na siya. Napahinga sya ng maluwag at aalis na sana ng may-- "HMPPP!!--"


May hindi nakikilalang tao ang tumakip ng bunganga este bibig niya.




Sinuntok ito ng malakas sa tiyan kaya napabagsak ito sa sahig at nawalan ng malay


"S-sorry,Benj. Kailangan ko lang 'to gawin. Para sa ikaka-proud ng magulang ko. Kayo nalang palagi ni Kelsey ang nangunguna sa klase."


"Hindi ako mahal nina mommy at daddy kasi hindi daw ako Top 1 sa klase. K-kaya ko ito nagawa.....sana mapatawad mo ako."dagdag pa nito at iginuyod na ang walang malay na katawan ni Benj.

***

"Kain naaaaa!"


Nakaahin na ang mga pagkain. Ang iba ay walang ganang kumain dulot ng nangyari kahapon.



Hindi pa rin nila masikmura ang sunog na walang buhay na katawan ni Gabbi.


'Di pa rin matukoy ng mga pulis kung sino talaga ang may gawa ng sunog.



Medyo matatagalan rin sila dito. 'Di nila alam pero ito ang utos ng punong guro.


"Guys,kain na tayo."


"Wait! Saan na si Benj?"biglang tanong ni Saint.


"Sa Earth. Duh?"walang modong sagot ni Athena.


"Wag na nga kayong mag-away! Ito na nga ang nangyayari sa atin tapos ganyan pa kayo!?"saway sa kanila ni Justin.



Biglang bumukas ang pinto at dumating ang hingal na hingal na si Jessica.


"San ka galing?"


"N-nakita ko si....B-benj."hingal na hingal na sabi pa rin nito.


"Wait wut?"

"Anong nangyari sa kanya?!"


Marami na rin tila gusto malaman ang sinasabi ni Jessica.


"Nakita ko sya.....nakasabit sa puno."

Part 1!!!!!!~~SHORT UPDATE ONLY HEHEHE xD -sarcasticallyy

The Class Picture 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon