CP 17

616 18 3
                                        

3rd Person's POV

Pinatuloy na nila ang pag-uwi galing sa camp. Lahat ay pagod,walang gana at kagagaling lang sa pag-iyak.

Pagkatapos ng dalawang magkasunod na patayan sa dalawang magkapatid,walang imik ang lahat hanggang makarating sa unibersidad.

"Tara na."sabi ni Ma'am Anette at alam mo sa boses niya na wala siyang gana katulad ng mga estudyante niya at kagagaling lang rin sa paghikbi.

Sumunod lang rin ang mga estudyante at lumabas na ng van. Sinalubong naman iyon ng mga dating estudyante. Sina Yazmin yun.

Agad lumapit ang magkakaibigan kay Kelsey. "Anong nangyari sa camp? Ba't ang tamlay nyo? At hmm..parang ang dami nyo naman nung umalis ngayos tas ngayon...don't tell me.." nagugulumihan na sabi Yazmin sa kamag-anak.

Tumango lang ito ng matamlay. "Omygosh!"react naman ni Danica.

"OA ha!"sabi sa kanya ni Danielle pero halatang natakot rin at nagulat na parang nauulit ang nangyari noon sa kanila.

Ayaw na nila itong mangyari. Lalo na sa mga estudyante na wala namang kinalaman dito at inosente sa mga nangyayari.

Inirapan lang siya ni Danica at tumingin ulit sa mga matamlay na kakadating na estudyante.

Habang si Marven naman ay pa-chillchill lang kasama si Kian at si Lyz na tahimik na nag-oobserba ng paligid.

"Sorry,cous. Hindi kami nakatulong sa inyo. Gusto namin talaga kayong puntahan pero indi ko alam kung bakit hindi kita ma-contact." nag-aalalang sabi ni Danica.

"Oo nga. Tatanungin kita sana kung saan yun dahil malay naman namin kung saan. Wala naman kaming tiwala sa head principal niyo,mahirap na."paliwanag ni Yazmin at nagu-guilty pa rin na hindi sila nakatulong.

Tinapik naman sya sa balikat ng kasintahan. "Ok lang yan. Hindi mo naman kasalanan,babe."pagpapagaan ng loob na sabi sa kanya ni Kian.

Napabuntong hininga nalang sya ng may natanggap na text si Athena.

"Shit."sabi nito ng nabasa ang text.

"Bakit? Anong sabi?"sa wakas at parang bumalik na ang lahat sa dati at nakuha ang atensyon nila sa text na natanggap ni Kelsey

"May nagtext sa akin!" tugon niya.

"Duh? Ano sabi? Joke lang, tuloy mo na." sabat ni Athena at nagpeace sign sa kaibigan.

"Pinapapunta tayo isang location. Ito oh." sabi niya at pinakita ang sinend na location ng kung sino.

"Batangas pa ito ha? Layo naman!" singit ni Marven na nakisilip na rin pala.

"Tamad ka lang magdrive!" sagot ni Daneille sa kanya at umirap pa. Napanguso nalang sa kanya si Marven. Hay nako talaga.

"Tara na. Tapusin na natin ang laro ng letseng killer na yan. Nung last year pa yan ha! Walang tigil!" parang gigil na sabi ni Kian sa mga kasama na sinang-ayunan ni Icy.


"Tama!" at nag thumbs up pa. Ito talaga ang cutie sa barkada.

"Oo nga. Unli na siya. Nakakainis na. Sobra na!" dugtong pa ni Jincent. Hmm himala at hindi siya suplado ngayon.

"Oh sya! Alis na tayo para hindi tayo gabihin sa daan. Mas mahihirapan tayo niyan." giit ni Yazmin sa mga kasama at pumunta na ng sasakyan.

"Marven, ikaw magdrive ha?" pahabol naman ni Daneille at sumunod sa sasakyan.


Napailing nalang si Marven. "Ano pa bang magagawa ko? Tara na." sabi niya sa iba at sa kina Kelsey rin.

*****

"We're here!" tila excited pa na sabi ni Danica at dali-daling lumabas ng van.

Tumigil sila sa isang lumang warehouse. Konti ang bahay sa paligid dahil medyo malayo-layo na ito sa maraming tao. Ramdam nila ang malamig na simoy ng hangin.

Ito kasi ang sinabi sa location na binigay eh. Sinunod lang nila. At tila talagang naplanado ito ng mabuti.


"So... Dapat may plano muna tayo." pagsisimula ni Yazmin.


"Uhmm ate, dapat sigurong may maiiwan dito para makahingi ng tulong. Incase." suggest ni Kelsey.

"Tama yun." at tumango-tango pa ito. "Ginawa rin namin yan noon!"singit ni Kian. Papansin. Charot.

"Kami po sana." volunteer ni Saint at Samuel.

"Okay. Isama niyo sina Ate Icy, Ate Lyz, Kuya Jincent at Kuya Marven niyo. Siya marunong magdrive eh." tugon ni Daneille na sinang-ayunan nilang dalawa.

"A-ako po sasama sa loob. Sasama si Kelsey po eh." nahihiyang tugon nito.

"Ako rin po. Ayokong mapahamak si Kelsey." singit niya at sumulyap pa sa dalaga.

Nagkatinginan naman ng makahulugan si Kian at Yazmin.

"Love triangle?" at napalo siya ni Yazmin. "Aray naman, babe!"

"Shut up."

"Okay. Kelsey, Athena, Brittney, Jessica, Francisco, Justin at Nathan." tawag niya sa mga ito.


"Tara na sa loob."



*****

Hi sarcasms! Sorry at ngayon lang ako naka-update :< atleast diba? hehe. Hope you enjoyed it! Thank you sa suporta sa story na 'to at medyo malungkot ako namatatapos na ito. Pero once a story ended, may bago na naman so stay tuned! 1 more chapter to go :) -sarcasticallyyy

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Class Picture 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon