CP 16

800 15 2
                                    

Krystal's POV

We're here ngayon sa dorm pa. Nag-aayos na kami ni Karen. Pauwi na raw kami.


Like err! Dapat lang noh! Hindi naman namin dito na-enjoy. Puro nalang patayan patayan patayan. Like nakakahaggard!


Tapos Karen called me. Mukhang tapos na sya. Early bird ha!



"Dalian mo diyan. Let's go na."sabi niya na mukhang nagmamadali talaga. Syempre inirapan ko. Bwisit sya.


"Tsk. Una ka nalang. You hintay sa van nalang. Tell them na hintayin rin ako ha? Baka iwan niyo ako!"sabi ko with a joke. Medyo grabe ang hangin eh. It feels weird.



She laughed. "Buti nga sayo kung ganon."sabi niya at binigyan ko siya ng isang death glare. "Joke lang! Una na ako."she said at tsaka nagwave sabay alis.



Napabuntong hininga ako. Mas lalong malamig ang pakiramdam ko ngayon na mag-isa. Sirado naman yung bintana. Weird talaga!



Hindi ko nalang pinansin at minadalian ang ginagawa para matapos na.



Inayos ko na rin yung room ng konti. Syempre! Kaderder naman kung hindi noh.


Inayos ko yung hair ko at pumunta ng cr. Nagwash lang ng mukha at naglagay ng konting make up. Light lang ngayon. Natural beauty ako eh!

Kinuha ko na ang mga gamit ko. I'm almost on my way out nung hindi ko mabukas ang pinto. Shit!


Hindi naman ako siguro pina-prank ni Karen kasi ako yung sumirado nung pinto unless....



F*ck!



Parang maiiyak na ako. Ayoko ko pang mamatay! Hindi ko pa nakikita ang future husband ko! Ahh!



Hindi ko pa nakikita yung killer pero ramdam ko na nandito na sya. Advance kasi ako mag-isip.


"Helpppppp!"pilit ko na sigaw at may mga luha na na umaagos sa mga mata ko. Shit!




Ayaw talaga itong bumukas. Naramdaman ko nalang ulit ang malamig na simoy ng hangin. Lihim akong dumasal kahit hindi ako banal.


"Krystal...."bulong niya sa aking tenga at may maliit na tawa pa. Tumindig talaga ang balahibo ko at halos mag mental breakdown.



Naramdaman ko nalang na may kutsilyo na pala sa tiyan ko at bumulwak ang maraming dugo.



Shit! Hindi ako makapalag. Ramdam ko na lalaki sya. Sa bosea niya palang at tindig. Malakas rin sya kaya sigurado akong lalaki siya. Hindi ko lang mawari kung sino siya.



I tried na makawala pero shit! Sinipa niya ako sa tiyan. Napasigaw ako sa wala sa oras at mas naramdaman ko ang sakit ng akin katawan.



Ramdam ko na katapusan ko na habang lumalapit siya sakin habang may malaking ngiti sa kanyang labi.



Napahikbi nalang ako dahil wala man lang ako nagawa. Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Karen. Siya lang ang tinuturing kong pamilya.



Isinaksak niya ako ulit ng kutsilyo at napasigaw ulit ako sa sakit. Napapikit nalang ako. Goodbye.....


***
3rd Person's POV

"Ang tagal naman ni Krystal! Iwan nalang natin."sabi Athena sabay tawa. Binatukan naman siya ni Kelsey.


"Manahimik ka diyan."babala sa kanya ng dalaga habang nakatuon ang mata sa binabasang libro. Hindi ito pinansin ng isa at tumalak ng tumalak hanggang nag-away sila.



Himala namang hindi sumabat si Karen dahil basta't si Krystal ang pinag-uusapan,pinagtatanggol niya ito.


Tahimik lang ito at hindi mapakali. Ramdam niya na parang may masamang nangyari sa dalaga.



"Hindi natin siya hihintayin kung wala pa siya ng ilang minuto. Babalikan nalang natin kasi parang may nangyaring masama sa kanya."sabi ni Francisco kaya natahimik ang iba.




Umangal naman agad ang tahimik na si Karen kanina-nina lang. "No! Let's wait for her. Sure ako na walang nangyari masama sa kanya."sabi niya at pahikbi na. First time nilang nakita ganito ang dalaga dahil palagi itong mataray at maldita kung tawagin.



"Bahala ka."sambit naman sa kanya ni Francisco at bumalik sa pwesto.

Para mawala ang stress at kaba sa kaibigan,kumuha nalang siya ng strawberry juice na inihanda niya kanina sa kwarto nila.


Pagkainom niya,bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Medyo lumabo bigla ang kanyang paningin sa paligid at parang masusuka ang pakiramdam niya.



"T-tulong...."huling sabi niya at bumulwak na mula sa bibig niya ang maraming dugo.



Napatingin sa kanya ang mga kaklase at nandiri agad. Humingi ng tulong agad ang nagpapanic na si Ma'am Anette.




Ramdam ni Karen ang sobrang sakit ng buong katawan. Food poisoning. Giit niya sa sarili. Alam niya na ang killer lang ang gumawa nito.




Hindi niya na kaya. Pinikit niya na ang kanyang mga mata at nawalan ng malay.




Dumating na ang guro na may kasama na staff pala ng camp.




"Ma'am....may nahanap rin po kami na patay sa loob ng isa sa mga kwarto. Sa pagkakaalam namin si Krystal Smith po yun. Condolence po..."



At tuluyang napahikbi ang lahat. Paalis na sana sila pero hindi talaga nila mapipigilan ang laro ng kamatayan.




At hindi pa iyon nagtatapos.





*****

A/N:

Sarcasmsss! I'm finally back after a hiatus. Hope you enjoy this update. Love yah all~ This story is almost ending. Thank you for all the love and support! 18.5k is enough to cherish ^^ -sarcasticallyyy

The Class Picture 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon