3rd Person's POV
"It's almost sunset. Ba't wala pa rin si Kassandra?"nag-aalala ng sabi ni Athena sa kwarto nila habang paikot-ikot.
"Tigilan mo nga yang kakaikot! Nahihilo ako sa'yo at tsaka malay ko ba. Try mo na i-text. Palagi naman yun sa phone niya."halatang nabwisit na sagot sa kanya ni Kelsey.
Yan kasi. Wag na wag kang nangingistorbo ng mga nagbabasa!
Napakamot naman ng ulo si Athena. "Sorry naman. Tsk. I tried texting and calling her kanina pa but she's not respond--*toot toot*"bigla siyang napatigil sa pagsasalita ng bigla tumunog ang phone nya. Which means,may text o ano.
Biglang lumaki ang mata niya. "Kelsey!"ta-wag niya sa kaibigan.
"What?"irritated pa rin na sabi Kelsey habang nasa libro pa rin na binabasa ang mga mata.
"Kassandra replied na! Sa wakas!"she 'screamed' excitedly.
Doon na nakuha ni Athena ang atensyon ni Kelsey. Binaba na nito ang libro na hawak at tinanggal ang reading glasses sabay tayo. "Ano sabi?"at sumilip sa phone na hawak nung isa.
Kumunot ang noo niya sa nabasa. 'Hi. Meet me at forest. I want you just the both of you. ASAP.'
Tumaas ang kilay ni Kelsey habang nakatingin lang sa phone si Athena na parang nag-iisip.
"I do trust Kassandra but hindi ba delikado na dalawa lang tayo,Athena? And no offense,hindi ganyan mag-reply si kass."sabi ni Kelsey.
Sumang-ayon naman si Athena. "Tama ka naman. What if...."may itutuloy pa sya sana pero parang naiiyak na sya at hindi masabi yun.
Kelsey suddenly conforted her. "Uy...bakit? What if ano?"nag-aalalang sabi ni Kelsey sa kaibigan na malapit na magbreakdown.
"W-what if...y-yung k-killer pala y-yun?"nauutal na sabi nito at tumulo na ang luha.
Pilit naman sya na tinatahan ng kaibigan. "We won't let that. Kaya tahan kana....I will just call Maam Anette then pupunta tayo dun. If nasa killer nga talaga si Kass,we'll save her,okay?"tahan sa kanya ni Kelsey sabay labas ng phone para matawagan ang kanilang guro.
Tumango naman si Athena habang pinupunasan ang luha at nanahimik na.
****
Dumating na si Maam Anette kasama ang mga pupunta din doon para tumulong hanapin si Kassandra.
Pinakita nila ang text kay Maam Anette at sinasabi rin niya na parang may hinala rin siya sa text na yun.
Sinama niya sina Harry,Justin,Nathan at Samuel.
Napatigil naman si Athena ng nakita si Samuel. "What?! Maam naman! Ba't siya ang sinama mo?"nakasimangot na reklamo ni Athena.
"Wag na magreklamo,Athena. He is one of the best choice right now."sagot ng guro at nagpogi sign naman si Samuel.
Napawat-da-heck-face nalang si Athena at pilit na hindi itinuon ang atensyon kay Samuel.
"Eh kayong tatlo?"nakataas-kilay na sabi ni Athena. Pilit naman sya na pinapatigil ng isa at binubulungan ng, 'Pasalamat ka nalang na may sasama satin sa gubat!'
Naparoll-eyes ang isa at hindi pinansin ang kaibigan. "Hoy sumagot kayo."balin niya ng tingin sa tatlong lalaki sabay death glare 'daw.'
"Wala lang. Bored."calm at walang-paki na sagot ni Harry.
"Uhmm...ayaw ko kasi na mapahamak si uhmm...K-kelsey."nahihiyang sambit ni Nathan.
Bigla namang tumingin sa kanya si Kelsey at namula ang mukha. "H-ha? A-ako? B-bakit naman?"nahihiyang tanong ng dalaga.
"Kasi....pano ba 'to...Uhm...I like you."sabi nito sa dalaga. Namula naman lalo ang mukha ng dalaga at hindi makasagot.
"Ako rin..."bigla namang singit ni Justin at lalong namula si Kelsey at hindi makapag-salita ng bigla siyang kinurot ng kaibigan habang kilig na kilig.
"Mamili ka na bes! Nagkakandarapa ang dalawang boylets sa'yo oh. Haba ng hair! Anong shampoo mo?"pang-aasar ng kaibigan at binatukan siya ni Kelsey.
"Tara na nga!"palusot ni Kelsey para machange topic. Sus!
Sumunod naman sila at pumasok na sa kagubatan dala ang kani-kanilang flashlights.
"Ayun!"medyo bulong na turo ni Athena sa puno na may kwarto. Mahirap na. Baka marinig pa sila kung nandiyan ang killer.
"Oh? Anong meron diyan?"bulong na tanong ni Kelsey at napatingin din dun ang iba.
"Napunta kami kasi dito Kassandra kahapon. Sabi niya dito niya daw kasi balak na pumunta. Medyo malayo kasi sa camp site at malayo sa ingay."bulong niya pabalik.
Napatango naman ang mga kasama nila. "So feeling mo,posibleng nandiyan si Kassandra?"sabi ni Samuel at tumango si Athena bilang sagot.
Dahan-dahan nilang tinungo ang kwarto. Ramdam naman nila na wala ng ibang tao dun. May masangsang nga lang na amoy silang naaamoy.
"Ano ba yun? Ang baho!"bulong na reklamo ni Athena.
"Manahimik ka nga diyan."saway ni Kelsey. "Oo nga."sabay naman na sabi ni Nathan at Justin.
"Sabay talaga ha."sabi ni Athena na nakangisi at naparoll-eyes lang sa kanya si Kelsey.
"In the count of 1,2 and 3. Sabay natin bubuksan ang kwarto na 'to. Okay?"sabi ni Maam Anette at tumango lang sila bilang sagot.
"1,2,3!"
At nagulat sila na nasaksihan...
Kumalat sa buong kwarto ang katawan ni Kassandra. Nakabalandra talaga sa harapan nila ang ulo nito at puno ng dugo ang buong lumang kwarto.
Ang iba hindi makatingin sa sobrang disgusted sa itsura ng buong kwarto. Parang butcher shop!
Agad silang tumawag ng back-up na nasa camp site ng biglang nagsalita si Samuel.
"Teka nga. Nasaan na si Harry?"nagtata-kang tanong sa mga kasama na nagulat rin sa biglang pagkawala ng binata.
Shit.
****
Hi mah sarcasms! Another updateee~ I'm trying to finish this as fast as I can para matapos na. Ugh. Few more chapters and at last! Last journey niyo na sa Class Picture 2. Thank you thank you talaga for the 17k guys! Lovelots always❤mwah mwah -sarcasticallyyy

BINABASA MO ANG
The Class Picture 2
Mystère / ThrillerYou thought the game has ended. Oh well,akala mo lang yun. The killer wanted to play again. A game called revenge. Highest rank: #3