Chapter 2 - It's been a while

34 0 0
                                    




"That's all for today. Goodbye class."



"Grabe naman. First day pa lang may pa-lecture na si sir." Sabay busangot ni Joey.

"Bakit anong gusto mo recreation muna? Ewan ko sayo Joey."

"Winona kamo parang hindi friend. Tara na nga Jackie, una na tayo." At hinila na nga ni Joey si Jackie papuntang cafeteria.


"Si Joey talaga ang cute. Hahaha. Ikaw Rojean, ayaw mo ba kumain? Tara na."

"Una na kayo. Sundan mo na yung dalawa. May dadaanan lang ako."

"Samahan na kita." Tinitigan ko lang Winona sa sinabi niya.

"Okay, I get it. Basta sumunod ka ha? Cafeteria lang naman kami." Tumango lang ako sa sinabi niya at saka namang alis niya.





It's been 6 years, Priscillan College. Hindi ko akalaing babalik at babalik rin pala ako dito.



At para bang nakaprogram ang mga paa ko, nagtungo ako sa lugar na iyon, kung saan nagsimula ang lahat.





"Miss sorry, hindi ko sinasadya nagmamadali kasi ako. Nasaktan ka ba?" Kanina pa ko minamalas ah.

"Tumalsik lang naman ako." Bulong ko.

"Ano yun? Sorry talaga miss." Sabay alok ng kamay niya para itayo ako.

Inangat ko ang ulo ko para makita kung sino ba yung nakabangga sa akin. At nagsisi akong nalaman ko pa.

"Ikaw?!" Parehas naming tanong sa isa't-isa.



Hinawi ko ang kamay niya at saka tumayo mag-isa.



"Look miss, I'm really sorry."

"Dahil ba nabangga mo ko, o  for what you did earlier?"

"Earlier? Alin, yung sinita kita? Anong mali doon? Nagmamagandang-loob na nga ako eh."

"At wala ka talagang balak mag-sorry?" Bwisit 'tong kumag na 'to ah!


"Bingi ka ba? Ilang beses ko na ngang sinabi eh. Sorry okay, my fault. Nagmamadali kasi ako." Sabi niya at saka pinulot ang notebook ko na nalaglag din sa sahig.

"Oh, ayan na." Sabay lakad niya palayo sakin.


"Iwasan din magdaydream minsan ha at matutong umiwas sa mga tumatakbo!" Sigaw niya sa akin sabay belat.



What the hell? Bading ata yun eh. So childish.




Hindi na ako tumuloy pa sa pupuntahan ko at dumeretso na ako agad sa cafeteria. Siguro naman hindi na magkukrus landas namin ni kumag.



"Oy anong nangyari sayo? Nadapa ka ba? Ba't ang dumi ng pants mo?"

"May nang-bully ba sayo? Omg tara resbak!" Joey talaga walang preno bibig minsan eh.

"Wala 'to okay. Oo natisod kasi ako kanina. Okay na po ba?"

"Roj talaga kahit kailan ang sungit. Kumain ka na nga, gutom lang yan."




"Siya nga pala. May narinig akong chismis sa CR kanina." Yes, Joey for the win. Non-stop talaga.

"Kahit saang school talaga ano?"

"Jackie support naman diyan oh, akala ko pa naman kakampi kita." Sabay cling niya kay Jackie.

"Ugh Joey stop. Just spill it."

"Hindi malinaw eh. Basta yung mga girls sa CR kanina pinag-uusapan nila may nagbabalik daw. Feeling ko lalaki yung tinutukoy nila eh."

"Eh ano naman?"

"Ano ka ba Wins, malay mo fafa pala diba. Omg! Base kasi sa usapan nila mukhang kilalang-kilala yung guy eh."



"Nag-aral ka dito dati Rojean diba? Any name?" Nagkibit-balikat lang ako sa tanong ni Jackie.

"Guys hello, ilang taon na nakalipas noong nag-aral si Rojean dito. At isa pa, huwag tayo masyadong ma-hook sa chismis na yan. Eh ano naman kung nagbabalik yung taong yun." Winona is my lifesaver.

"Minsan talaga friendship natin divided by two eh no?" At natawa na lang si Jackie at Winona sa sinabi ni Joey.




---



"Insan!! Bro grabe, long time no see!!! Kamusta na? Are you staying for good?"


"Kalma ka lang, insan. Hahaha. Oo, hindi na ako babalik doon."

"Himalang pinayagan ka ni tito ah."

"Ano ba Jules, I'm old enough to have my own decisions." 

"Talaga lang ha?" At tinawanan naman ako ng loko.




"Isa pa, I still have unfinished business here."



When Music CollidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon