[ Joey's POV ]
This is it!!! Audition na for the next star of Priscillan's Charm! Wala naman ng ibang club ang tatanggap sa akin kaya go na ako dito. Poweer!!
"Ms. Joey Ramirez."
Nagsimula na nga akong sumaway.
Grabe, passion ko kasi talaga 'to eh. Ang sarap lang sa feeli--
Saktong paghinto ng music ang siya namang pagdaan ng isang anghel, wait baka nga hindi anghel kasi ang hot niya!
"Thank you Ms. Ramirez, the results will be announced at 5pm. Just check the assigned bulletin board for Priscillan's Charms." Nagpasalamat na lang ako sa kanya at saka kumaripas ng takbo para hanapin si tangkad. Tangkad kasi ang tangkad niya lang talaga kaya nasipat agad siya ng maganda kong mata. Bae wait for me!!
"Aray, tingin tingin din sa daanan minsan ha."
"Sorry ate 'di ko sinasadya."
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Aba palaban si ate girl.
"Why? May problema ba?" Tanong ko sa kanya.
"Wala naman. I'm just wondering if you auditioned for the Priscillan's Charms. Judging by your clothes, at mukhang may hinahabol ka pa kahit na ganyan ang itsura mo, pawisan at err dala-dala mo pa mga things mo." Baluktot ba dila nito? Eenglish pa akala mo ganda siya.
"Yes I did, got a problem with that? At ano namang mali sa pagdadala ng sariling gamit? Eskwelahan 'to hindi kung ano mang lugar na dapat may dala kang julalay. Ganda ka?"
"Excuse me?"
"Dadaan ka?" Gigil mo ako ate girl ha.
She flips her hair at saka umalis kasama ng isang lalaki na may dala ng gamit niya na sa tingin ko at estudyante din. What the? Bawal yun ah! Pwede maconsider yon as bullying!
Tuluyan na ngang nawala sa paningin ko si tangkad. Bwisit kasi yung babaitang yun eh. Humanda siya pag nagkrus ulit landas namin.
*ring*
"Nona!! Buti na lang tumawag ka. Huhu. Ano, are on your way na ba? Tapos na--"
"Sorry Joey, yun nga yung tinawag ko eh. Pinatawag kasi ako ni Ms. Pascual. Sorry talaga bes. Promise babawi ako! Will treat you tomorrow."
"Hindi treat mo ang kailangan ko Winona. Ikaw. Ikaw! I need a friend today. Huhu."
"Si Jackie, o kaya si Rojean, baka free sila. "
"Hello girl hindi nga pumasok today si Jackie today diba kasi masama pakiramdam. Si Roj naman, sus yun pa ba eh lagi namang busy yun at isa pa may sariling mundo. Huhu Nona tara na kasi!"
"Hindi talaga pwede Joey. Will call you na lang later. Ingat ka! Sorry ulit! Love you, bye."
At binaba na nga niya. Mga friends ko di ko alam kung friends ba talaga kami. Ang gulo ko na diba? Ba't ba kasi ngayon pa ni isa sa kanila di pwede.
At syempre, ang ending ko nito sa computer shop. The usual Joey Ramirez. Pampatanggal stress din ang paglalaro no.
Pumwesto ako sa pinakadulo, yung tago. Ayoko munang maging atensyon ng kahit sino. Mamaya niyan baka hanggang dito eh may sisita sa akin.
Mga 30 minutes na akong naglalaro at nananahimik nang biglang umingay ang comp shop.
"Uy Chad, long time no see! Ano, balik laro ka na ba?"
"Nakamove-on na yan kaya ganyan."
Ba't ba ang ingay ng mga 'to?
Tuloy pa rin ang ingay ng mga kalalakihan na ito na akala mo sila lang tao dito at hindi na binigyang konsiderasyon ang kapayapaang nais ng iba.
Hindi ko na lang sila pinapansin at sinuot ko ang headphones.
"Yes!" Pabulong na sambit ko ng manalo ako.
Hay, stress reliever ko talaga 'to.
Tinignan ko ang orasan ko at ngayong ko lang narealize na ala-syete na nang gabi. Akalain mong nakatatatlong oras din pala ako dito.
Nagtungo na ako sa counter upang magbayad nang may nahagip ang mga mata ko.
Nakita ko yung lalaking matangkad na hinabol ko kanina pagtapos ng audition. Nandito siya?! Ba't di ko man lang siya nakita pagdating ko? At paalis na rin siya tulad ko!
"Kuya okay na po ba?" Kuya faster please nang maabutan ko siya!
"Opo ma'am, here's your change."
"Thank you." Yun na lang ang nasambit ko at saka kumaripas ng takbo palabas.
At parang naulit yung kanina, nawala nanaman siya sa paningin ko. May gulong ba paa nun, ba't ang bilis niya maglakad.
Hay. Ano na tangkad, habulan gaming ba peg natin today?
BINABASA MO ANG
When Music Collides
Fiksi RemajaLife is so dull without music, they said. True enough, for you are the music of my life.