[ Winona's POV ]
"Uy ano na guys. Wala ba kayong sasalihang club? Sige kayo isang linggo na lang end na ng mga registrations."
Oo nga pala, talking about school clubs.
"Nakapagsign-up na ako sa Priscillan's Charms!" Sabay hagikhik ni Joey.
"Anong club yun?"
"Cheerleading club! Sabi ko naman sa inyo makukuha ako dun eh."
"Ewan ko sayo. Ay guys nakuha nga pala ko sa organization para sa school paper."
"What?! Uy congrats! Talino talaga ng Winona namin!" Pagbati sa akin ni Jackie.
"Masyado mo namang ginalingan sa pa-essay natin nung nakaraan. Hmf. Anyway, congrats Wins!"
"Hahaha. Thanks guys."
"Eh ikaw Rojean? Hindi ka nakuha para sa school paper?"
Umiling at saka nagkibit-kalibat lang siya. Ba't ang lungkot ng araw nito? Hindi kaya pinun--
"Ay guys una na ako ha! May pupuntahan lang ako."
"Seriously Jackie? Wow. Perstaym itu ah. Ano naman kayang pinagkakaabalahan ng isang Jacklyn Knight?"
"Grabe naman Joey, may dadaanan lang ako saglit. Papasok naman ako sa next class natin. Sorry talaga guys, una na ako ha. See you later, bye!"
At saka siya kumaripas ng takbo palabas ng cafeteria.
"May boylet yun."
"Matik na."
"Sige maggatungan kayong dalawa diyan. May pupuntahan nga lang daw saglit diba? Hay mga tao talaga." Si Rojean minsan hindi mo malaman kung bipolar o sadyang araw-araw may PMS.
Ayun, nagwalk-out si ate girl. Hay ganda ng atmosphere between us Joey.
---
[ Jackie's POV ]
"Hi, sorry galing kasi akong cafeteria."
"Okay lang. Ako na nga 'tong nang-aabala sayo eh."
Ba't ba ang gwapo ng nilalang na 'to?
"Ito naman, ayos lang 'yon. Ano nga pa lang kailangan mo?"
"May pinsan kasi ako na nag-aaral din dito at president siya ng isang club, Glee Club specifically." Yun yung club na nirecommend ko kay Rojean noon ah.
"And?"
"He is struggling to find the right people to join the club."
"Bakit naman? Eh balita ko sinundan nun ang school paper at cheerleading club sa may pinakamaraming nag-fill up ng forms for registration."
"Well, that's true. Kaya lang, may section kasi doon sa form tungkol sa rason kung bakit mo gustong sumali sa club. You know, we like to assure na dedicated and passionate yung mga magiging members. And I guess the result shows how famous my cousin is. Haha."
Inabot niya sa akin ang isang folder na naglalaman ng list of applicants. Boylet lang ata hanap ng mga babaeng 'to eh. Sino ba kasi pinsan nito? Grabe 3/4 ng list ay puro babae. Winner sa applicants ang club nila.
"Anong klaseng tulong naman magagawa ko?"
"We planned on conducting an audition. Kaya lang sa dami ng nagparegister, 5 lang yung nagpakita." He let out a sigh and shyly smile at me. Hay, ang cute lang.
"Kung may kakilala ka sana, either a friend or classmate, na you think magfifit sa org. Don't worry mag-uundergo pa rin naman siya o sila ng audition. We are still in need of students who know how to play musical instruments."
Teka nga, kanina pa 'to nagsasabi ng "we" ah? Shocks, part ba siya ng glee club?
"Ilan ba yung official members ng club bago nangyari yung registration?"
"Dalawa. Ako at yung pinsan ko." Shet papalipat na ako ng club.
"Ikaw ba, would you like to apply? May club ka na ba?"
"Sadly yes, part na ako ng theater club."
"Bakit sadly? Magaling ang theater club no. Ang dami na ngang patimpalak ang nasalihan nila eh. There are also many times na bumalik sila ng school with trophies and awards." He proudly says.
"Sorry about that. I just thought of applying to glee club." Nakakahiya ka rin minsan Jackie eh no.
"Haha. It's okay. Will look forward to your recommendation. Hopefully talaga meron."
"Sure, actually may naisip na ako na pwede mag-join sa inyo. Pero I still need to talk to her about that."
"Salamat talaga, Jackie. I'll go ahead. See you around!" Then he pat my shoulder.
Ihahanda ko na ang tenga ko kay Rojean.
BINABASA MO ANG
When Music Collides
JugendliteraturLife is so dull without music, they said. True enough, for you are the music of my life.