Chapter 4 - Untold secrets

28 0 0
                                    



Isang linggo na ang nakalipas simula nang magbalik-eskwela kami. Naging maayos naman kaming apat. Ayun si Joey dami ng friends at chix. Iba rin talaga tong tropa ko, maalindog.



"Uy ano org sasalihan niyo?"

"Anong org?" Tanong din ni Winona sa tanong ni Jackie.

"Si Winona talaga minsan sarap kwestyunin pagiging brainy. Org as in organization. Dapat kasi club na lang ginamit mong word Jackie." Alam niyo na sinong nagsabi niyan.



Nagkibit-balikat na lang yung dalawa.


"Anyway, ayun na nga, club. Kanina kasi napadaan ako sa hallway then nakapaskil na sa bulletin board yung mga organization na pwedeng salihan. May mga nag-aalok din ng scholarship! Bongga na rin." Pagbibigay detalye ni Jackie.



"May cheerleading ba doon? Omg guys sali tayo!"

"Wow Joey, si Winona pa talaga niyaya mo eh robot yan."

"Hiyang-hiya naman ako Jackie."

At nagtawanan naman kami.



"Siya nga pala Rojean, meron ding glee club sa listahan. Balita ko ilang years nang wala yung club na yun eh, but ibabalik nila this year. Sali ka na!" Yaya ni Jackie sa akin.

"Glee? Music? Ako? Sigurado ka ba diyan Jackie?"

"Why not? Hoy, lagi ka kayang naka-earphones at nakita ko na minsan playlist mo no. Akala mo ha. Isa pa, you are a great writer kaya!"

"Anong kinalaman nun sa glee club?"

"Eh kasi lyricists and composers daw hanap ng president nun ngayon."



Bakit parang kinakabahan ako sa mga susunod na sasabihin ni Jackie.



"I'm flattered Jackie pero wala bang journalism diyan?"

"Uhm, meron. Pero kasi balita ko ang dami nang applicants doon. Gwapo raw kasi ng editor in chief."

"Ay haharot naman ng mga yun."

"Coming from you Joey ah?"

"Oy Roj mas mahinhin naman ako compared to them. Hehe." Napailing na lang ako sa kanya. Pa-humble pa si gaga.



"Bakit? Sa glee club ba walang applicants?"

"Actually doon yung unang may pinakamaraming applicants."

"Wow mas nirerecommend mo pa sa akin yung may pinakamaraming nag-aapply?"

"Kasi Roj sa journalism maraming pwedeng mapili dahil yung mga may subject din kay Ms. Pascual sa communication skills mag-uundergo ng writing test. So ang labas parang lahat ng first year eh mag-aapply."

"What?! Pwede ba mag-pass? Don't like essays!!!"

"Hahaha. Sorry Joey but I heard it will serve as a prelim requirement for this semester."

"Sus, prelim lang pala eh."



"Eh bakit doon mo ako gustong mag-apply? Mukha bang hindi ako mapipili sa journalism?"

"Uy wait lang naman Rojean. Hindi naman sa ganoon. Bukod kasi sa ang daming magagaling na writers sa batch natin at konti lang ang gumraduate sa last batch noong March, eh sa akin lang naman no, glee club suits you better."

"Hindi ba dahil may chix ka doon at gusto mong sumali ako?"

"Kung may crush man ako doon, ba't ikaw pasasalihin ko?" Tumawa rin si Winona at Joey sa sinabi niya.



"At saka, aside from being a master in essays, you also have written songs before, right? Ayon sa kwento ni Winona. Kaya pwedeng-pwede ka mag-apply sa glee club." 

Wow, I knew it. I knew you'll mention it. You have a sharp memory there, Jackie.




Oo nga pala. That secret accidentally slipped out from Winona's mouth.



Winona, Jackie, Joey and I have been friends for almost 3 years. Buong HS life ko sila na kasama ko. Matibay naman samahan namin. Kahit madalas magbarahan eh wala namang pikunan. Ewan ko ba, kahit na may kanya-kanyang tulis ang tabas ng mga dila namin eh buo pa rin kami. At eto nga oh, kasama ko na silang mag-aral sa paaralan kung saan nagsimula ang mga sikreto ko.



Hindi naman kagimbal-gimbal ang nakaraan ko. Masyado lang personal para ikwento. Masyadong masakit, ang hirap kalimutan pag laging may nagpapaalala. Na kahit mga kaibigan ko eh hindi ko masabihan.




Maliban kay Winona. Siya lang ang nakakaalam nang masaksihan niya ang araw na iyon. I was left with no other choice than to say the truth.



At ang sakit-sakit pa rin pala maalala.



When Music CollidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon