"Isa pa, I still have an unfinished business here."
"Unfinished business? Parang hindi ko alam 'yan ah? Share mo naman! Chix ba 'yan ha? Uyyy!" Straight ba 'tong si Jules? Ba't ang chismoso?
"Akin na lang 'yun no! Hahaha."
"Ito naman oh. Nagpapababa na nga lang ako ng stress dito eh. Pagka-inform mo agad sa akin na nakauwi ka na tumakbo na ako paalis ng school at nakadisgrasya pa ako."
"What the? Anong nangyari?! Nakasagasa ka?"
"OA mo naman! Hoy mas maingat ako magmaneho kaysa sayo ha. Huwag mo ko itulad sayo." At nginitian niya akong nakakaloko.
"De may nabangga lang ako sa school kanina. Sungit nga nun eh. Ganda sana eh, maldita nga lang."
"Hoy Jules magtigil ka ha! Baka ikaw ang mapabalik sa Australia nang 'di oras pag hindi ka nagtino. Yari ka nanaman kay tito. Hahahaha."
"Christian naman, alam ko naman na pagdating sa kalokohan ko suportado mo ko eh, diba?" Sabay taas baba niya ng kilay niya.
"Gago huwag mo ko idamay sa mga ganyan mo at wala akong balak bumalik doon."
Nilibot ko ang tingin ko sa kwarto ko. Namiss ko 'to! 'Di hamak na mas malaki ang kwarto ko sa Australia pero mas ramdam ko ang pagiging at home dito.
"Siya nga pala, insan. Sinunod ko yung utos mo ha. Walang gumalaw nung box na nasa closet mo nung pinalinis yung kwarto mo." Maaasahan talaga 'tong mokong na 'to kahit kailan.
"Takot mo lang sakin eh kapag hindi mo nagawa 'yun." Pang-aaasar ko sa kanya.
"Hoy hindi no. Sadyang hinihintay ko lang yung kapalit non. Hehe."
"Magulang ka rin talaga eh no." Akmang ilalabas ko ang wallet ko pero hinarangan niya ang kamay ko.
"Next time na bro. Basta you owe me something. Inform na lang kita pag kailangan ko na."
"Mautak ka rin ah. Hahaha. Sige any time."
"'Yun oh! Sige insan, maiwan na muna kita." At lumabas na siya ng kwarto.
Kinuha ko ang lumang kahon na itinago at iniwan ko dito sa Pilipinas.
Ang dumi, maalikabok na ang labas pati ang mga laman nito.
Lahat ng mga bagay na ibinibigay sa akin ng mga taong mahalaga sa buhay ko ay itinatabi ko. Sounds odd pero ganun ako eh. I appreciate efforts, maliit man yan o malaki.
This box is filled with memories from the past. Pictures, gifts, letters, at kung anu-ano pa na natanggap ko noong high school ako. I look at it thoroughly at hindi ko maiwasang mapangiti.
Only Jules know I still have all of these with me. Ayaw ng mga magulang ko na itinatabi ko pa yung mga bagay na luma na, basura na raw kasi kung ituturing ang mga ito.
But I never wanted to rid these things, kasi pakiramdam ko it's another way of forgetting people once have been part of my life. Kaya naman itinago at hindi ko ito dinala sa Australia and instead ask for my cousin's favor.
"Sir Christian, ang mommy niyo po tumawag sa telepono gusto po kayong makausap."
Napabalikwas ako sa tawag ni Manang Lucy at nalaglag ko ang kahon.
"Manang naman, sana po kumatok muna kayo. Ginulat niyo naman ako eh."
"Pasensya na po sir, eh si ma'am po kasi sabi gusto niya raw kayo makausap. Mukhang nagmamadali po siya."
"Bakit sa telepono pa tumawag? Para namang wala akong phone at hindi ako tawagan niya. Is she still on the line?"
"Opo sir, hinihintay niya po kayo."
"Pakisabi naman po na tatawagan ko na lang siya mamaya. Huwag na siya mag-alala dahil nakarating naman na ako dito ng maayos."
"Sige po sir. Pasensya na po ulit."
"Pasensya na rin. Salamat manang." At lumabas na siya ng kwarto.
Hay, ba't ba kasi ako nataranta. Ayan tuloy taasan ko pa ng boses si manang. Tas nagkagulo na mga laman nung box at nagkalat na sa sahig.
Sa pagliligpit ko ng mga iyon ay may nakita akong notebook. Hindi siya ordinaryong notebook na ginagamit pang-eskwelahan. Kinuha ko iyon at tinignan.
Ang ganda sana kaya lang natabunan na ng mga alikabok. Ito lang ang kaisa-isang bagay na nasa kahon ko na hindi binigay para lang sa akin.
Naalala ko, napulot ko lang ito bago ako umalis papuntang Australia. At hanggang ngayon hindi ko alam kung ano mga nakasulat sa loob nito.
BINABASA MO ANG
When Music Collides
Ficção AdolescenteLife is so dull without music, they said. True enough, for you are the music of my life.