Chapter 9 - Peacemakers

11 0 0
                                    



[ Rojean's POV ]


Hindi ko naman intensyon na saktan feelings ni Jackie at sigawan siya kanina. Napuno lang ako.

Hindi ko kasi alam kung bakit ba niya pinagpipilitan na bumalik ako sa pagsusulat na matagal ko nang kinalimutan. Ni ayoko na ngang maalala na may hobby pala akong ganun dati.



Nandito kami ni Winona sa bahay ko ngayon. Sa kwarto ko to be specific. Alam ko na gusto nito eh.



"Ano, hindi ka talaga magsasalita? Kanina pa ako dumadada dito Rojean, hello. Baka gusto mo magresponse."

Hindi ako umimik at tumingin lang sa malayo.


Narinig ko siyang bumuntong hininga.

"Okay. Kung ayaw mo talaga, you guys are leaving me with no choice. I guess we should just end--" Pinutol ko ang pagsasalita niya dahil alam ko kung saan hahantong iyon at sigurado akong tototohanin niya iyon.


"Jackie asked me to join glee club." Hindi siya nagsalita at tinignan lang ako na tila naghihintay ng karugtong.

"Alam mo naman na ayoko na balikan yun Winona diba? It's not about Jackie kaya tinatanggihan ko siya, ako kasi talaga yung problema. I don't have any intention to hurt Jackie's feelings. It's just.." I let out a sigh.


"Nabanggit din ni Jackie na may tinutulungan lang siyang friend from the glee club. Siguro isa rin yon sa naging factor kaya ako nainis sa kanya. Kasi feeling ko ginagawa niya 'to just to satisfy her friend's request not considering ano ba magiging sagot ko."


"Oo hobby ko yun noon. Oo gustong-gusto ko magsulat. Pero noon yun. Matagal ko nang binaon sa lupa na may ganun pala akong talent noon." Natatawa kong sabi.


"You are talented Roj. At ako, alam kong that passion is still in you."

"Natatakot ako Winona." A tear fell from my left eye.



"Baka kasi bumalik lahat."



---


[ Joey's POV ]


"So, yun na yun? Tinanong mo lang siya kung gusto niya bang sumali ng glee club?" Tumango naman si Jackie.

"Yun lang? No further happenings?"

"Uhm, wala. Sinabi ko lang din naman na tinutulungan ko lang yung kaibigan ko."

"What? Kaibigan? Sino? Shet girl may bago ka ng friend hindi mo man lang nababanggit sa amin?" Wow naman 'tong kaibigan ko talaga.


"Grabe ka naman Joey. Kakakilala ko lang sa kanya."

"Ay shala. Tas friends na agad kayo. ganun?" Sinimangutan lang niya ako.


"Hoy ikaw nga umamin, boylet yan no? Nako Jacklyn Knight sinasabi ko sayo."

"Hindi ko naman boyfriend Joey. Friend lang. Transferee rin kasi siya."

"OMG! So, lalaki nga?" Lumalandi na yung friend ko.


"Dami mo namang tanong eh. Oo, lalaki siya. Eh isa kasi siya sa namamahala ng glee club. Humingi siya ng favor kung may kilala ba akong fit maging member ng glee club."

"Ha? Akala ko ba marami nag-sign up doon?" At ikinwento na nga niya ang nangyari.



"Ba't si Rojean lang ang niyaya mo, nandito pa kami ni Winona oh."

"Ano ka ba, pero na kayong may club ni Winona. Isa pa, gusto ko makita yung side na yun ni Rojean."

"Ang alin?"

"Naaalala mo ba yung sinabi niya nung high school pa tayo? Sinabi niya noon na kahit daw may mga hindi siya kinekwento sa atin eh hindi na raw mahalaga yun, kasi mahal naman niya raw tayo at kaibigan niya tayo kahit anong mangyari."

"Oo naalala ko yon."

"Yung dahilan niya kung bakit ayaw niya sumali ng glee club, isa yon Joey. Isa yon sa mga hindi niya--" Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.



"Jackie I think above anyone else, it is you who should understand Rojean. Maliban sa kayo yung unang naging close noon, but fully because you are her friend. We all know she doesn't like talking about her past. Sana nirespeto mo yun. Siya na nga mismo nagsabi diba, ano pa mang pangyayari sa kanya ang hindi niya nababanggit sa atin, it doesn't matter. Kasi kaibigan pa rin ang turing niya sa atin."


"Are you not curious about it?" Nagkibit-balikat lang ako sa tanong niya

"A little. Pero hindi ko pipilitin na ikwento sa akin ni Rojean ang buhay niya. As long as the love and friendship are there, okay na ako doon."

"Are we not friends? Diba there should be no secrets?"

"Iba naman yun Jackie eh. Hindi naman secret yun. It's more like, privacy? Uhm, personal matter? Kasi tungkol naman sa buhay ni Roj yun. Kaibigan man niya tayo o hindi, it was there. It happened to her. Naniniwala naman ako na darating yung araw na magkekwento rin si Rojean tungkol sa sarili niya just like what we did."


Tahimik lang siyang nakikinig. Alam kong naiintindihan niya ang mga sinasabi ko.



"I hope you won't make Rojean feel pressured about it at parang obligasyon niyang iopen ang sarili niya. Let her be."


Tumango siya at saka ako niyakap. 





When Music CollidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon