[Jules' POV]
*ring*
"Hello? Who's this?"
"Kupal."
"Christian? Shet wait!" Isa lang tumatawag sa akin niyan. Tinignan ko kung pang-overseas ba yung number na tumawag sa akin. Pero hindi pala.
"Nasa Pilipinas ka na?! Ang aga mo nakauwi?" Akala ko ba sa susunod na buwan pa uwi nito?
"Hoy nasaan ka ba? Ang lakas ng boses mo nakakahiya ka."
"Gago huwag mo ibahin usapan! Wala namang pasabi 'to!" Ang saya ko lang. Hahaha. Uuwi na Australiano kong pinsan!
"Hahaha. Oo, actually nandito na ako sa bahay."
"Aba aba! Hahaha. Okay deretso na ako diyan ngayon. See you bro!"
Buti na lang napaayos ko na kwarto nun at ang pinakamamahal niyang closet. May kasama na ako mag girls hunting orayt!!
Insan nandiyan na ak—
"Miss sorry, hindi ko sinasadya nagmamadali kasi ako. Nasaktan ka ba?"
At ayon na nga ang nangyari. Nabangga ako, doon pa sa taong akala mo pinagsakluban ng langit at lupa sa sobrang sungit. Actually kanina pa 'to namumuro sa akin eh.
May mga tao talagang sa panlabas akala mo kabait-bait pero sa totoo ang sama ng ugali. Parang itong babaeng 'to lang. Tulala kasi, kung maglakad akala mo nagfifilm ng music video. Hays.
---
[Jackie's POV]
Bakit ba kasi sa dami ng estudyante ni Ms. Luna ako pa inutusan magbitbit at dalhin 'tong makakapal na libro na 'to sa faculty? I'm not really in the mood right now. Nagugutom na ako at iniwan na ako ng mga magagaling kong kaibigan. Argh!!!
"Hi, excuse me?"
"Laki-laki ng space o—" Shet nananaginip ba ako? May anghel sa harap ko!
"Haha. Miss, are you okay? Magtatanong lang sana ako."
Ngayon ko lang narealize na ang tagal ko na palang nakatitig sa kanya. Damn I never knew I'd met someone this hot!
"Uhm, sorry about that. Sure, ano ba yun?"
"Do you know where the faculty is? Kanina pa kasi ako umiikot, nagtanong na rin ako sa iba pero ibang office yung natuturo nila sa akin." Natatawang sabi niya sabay kamot ng batok. KAKAMOT LANG NG BATOK YAN AH PERO BA'T ANG SEXY NIYA MYGHAD MY PAMILI JACKIE FOCUS!!
"Actually doon ako papunta eh."
"Really? Great! Mind if I come with you?"
"Yeah, sure." Chance ko na 'to, aba!
"Okay, let me help you with those books."
"No, kaya ko na 'to—"
"These shouldn't be carried by a girl, ang bigat kaya." Sabay tawa niya at nauna na maglakad.
Guys, I think I found the one.
BINABASA MO ANG
When Music Collides
Teen FictionLife is so dull without music, they said. True enough, for you are the music of my life.