[ Rojean's POV ]
"Ang daya naman! Bakit hindi kasama Priscillan's Charm sa nag-ooffer ng scholarship? Hmf."
"Ano ka ba, malay mo hindi pa lang nagpapasa yung president niyo."
"Sabagay, bulok naman kasi sistema nila eh."
"Makapagsalita 'to akala mo hindi siya parte."
"Yun na nga. Hindi ko alam kung binibigyan ba talaga ako ng dahilan kung bakit hindi na dapat ako sumali eh. Walang unity ang mga bakla. Nagkakainggitan pa sa mga positions. Kaimbyerna."
Aga-aga puro reklamo naririnig ko kay Joey. Hay.
"Ano nang balak mo Roj?"
"Ano pa nga ba." At napabuntong-hininga na lang ako.
"Kung gusto mo mag-try ka ulit sa journalism?" Alok ni Winona.
"Huwag na ano. At saka balita ko strikto yung assistant EIC niyo eh." Binelatan ko nga siya.
"Sabi nga nila."
"Sabi nga nila? Hindi mo pa nami-meet?" Umiling lang si Winona sa tanong ni Jackie.
"Hala, alam ko na yung mga ganyang scenario. Magkasama kayo sa isang club pero hindi pa kayo nagmi-meet. Tapos siya yung tipo na strict sa mga activities regarding the club, perfectionist na kamo. Magkakabanggan kayo Winons kasi amazona ka eh. Tas mabibighani siya sayo kasi ikaw lang nakakagawa ng ganun sa kanya. Tas bandang huli kayo magkakatuluyan. Omg!!!" Sabog nanaman 'to.
"Dapat ata ikaw sumali sa journalism Joey eh. O kaya sa theater club, malamang pasok ka bilang scriptwriter. Likot ng utak mo kaloka."
"Jackie naman eh. Inaasar ko lang 'tong si robot. Hindi pa kasi magjowa eh." At saka siya binato ni Winona ng isang crumpled paper.
"Susubukan ko pa ring kausapin si Mrs. Yap. Kapag hindi umubra, pupunta ako sa Merridian."
"At pag hindi pa rin umubra?" Sabay sabay na tanong nilang tatlo.
"Ang supportive niyo no? Konting fighting spirit naman diyan guys." Sabi ko na ikinatawa naman nila.
---
[ Joey's POV ]
Wala na bang kapayapaan sa eskwelahang ito? Pati sa library may mga kaharutang nagaganap. Minsan na nga lang ako sumpungin magbasa ng astronomy books eh.
"Chad! Pre, dito!"
Tulad niyan, mga lalaki rin pala walang pinagkaiba. Hays, mas mainam siguro kung aalis na ako.
Nakaupo kong inayos ang mga librong pinagkukuha ko nang may lumapit sa akin.
"Miss, may nakaupo ba dito? Pwede ko bang ilipat sa kabilang table?"
Duh, kita mong walang nakaupo eh magtatanong ka pa. Eh di kunin mo, naka-Rojean mode ang pagmamaldita ko--
"Omg."
"Omg?"
Minsan gugustuhin mong walang nakakakita sayo pag kinikilig ka pero may mga times din talaga na nanaisin mong may kasama kang friend para may mahahampas ka. Kasi ako, kailangan ko siya ngayon. Shet pengeng mahahampasan!!!
"Miss, are you okay?"
"H-ha?"
"Sorry naistorbo ata kita. 'Di bale na lang, Pasensya na."
"Huwag!"
At yun na nga ang hudyat na kailangan ko nang umalis ng library dahil lahat na sila ay sa akin nakatingin. Nakakahiya ka talaga Joey kahit kailan.
Tinignan niya ako na parang nagtatanon kung anong nagawa niya at bakit sa lahat ng salita ay 'huwag' pa ang lumabas sa bibig ko. Minsan talaga feeling ko may ibang kumokontrol sa mga sinasabi ko eh.
Yumuko ako as I mouthed sorry at saka kumaripas palabas ng library.
Anak ka nang kagandahan Joey! Dagdag nanaman 'to sa listahan ng kahihiyan at kagagahan moments mo?! Ugh, bye universe na!
BINABASA MO ANG
When Music Collides
Teen FictionLife is so dull without music, they said. True enough, for you are the music of my life.