[ Joey's POV ]
Finally, uwian na! Katatapos lang ng klase namin para sa araw na 'to. Hay bugbugan na sa lessons kasi in two weeks prelims na. Yes naman, akala mo talaga nag-aaral eh.
"Uy Nona siya nga pala, nasaan na yung treat mo sa akin? Nakapasa na ako ng audition lahat-lahat wala pa rin. Huwag kang takas."
"Akala ko ba hindi treat ko ang kailangan mo." At saka niya ako nginitian ng nakakaloko.
"Nadala lang ako ng damdamin ko non. Ang dami kasing ganap sa akin nung araw na yon."
Nagkibit-balikat lamang siya. Grabe naman. Hindi man lang ba niya tatanungin o kakamustahin o hindi man lang ba siya nacurious sa sinabi ko?
"Nod lang Winona? Yun na yun? Wala man lang, 'Uy bakit ano nangyari?' kind of reply?" Kafrustrate ah. I-FO ko kaya 'tong mga 'to.
Sa kabila ng inis ko nakuha pang tumawa ni Winona ng malakas. May saltik na 'to.
"Saya ah."
"Hahaha. Sorry na Joey. Eh ikaw naman kasi, masyado kang atat. Syempre mamaya na yung kwentuhan kasi tara na sa favorite coffee shop natin!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Gaga talaga 'to. Hobby na talaga niya ang asarin ako eh.
"Bastos kang babae ka. Konti na lang tatapusin ko na pagkakaibigan natin eh, pero laki ng bawi mo doon. Hahaha. Let's go!" Hahatakin ko na sana palabas ng classroom si Winona ng nakarinig kami ng ingay ng upuan. Oo nga pala, may kasama pa pala kami.
Aayain ko na sana sila nang magsalita si Rojean.
"I already gave you my answer Jackie. No. Ayoko." Pareho kaming nagulat ni Winona sa sitwasyon sa harap namin. Anong meron?
"Try lang naman Roj. Wala namang mawawala diba? Bakit ba--"
"Bakit ba sa lahat ng pwede mong alokin eh ako pa?" Nagsimula nang tumaas ang boses ni Rojean. Oh uh, this is bad.
"Kasi we are friends? Look Rojean, is it really that bad to ask you to write again?"
"Yes. Kasi ayoko."
"Kahit na ako pang kaibigan mo?" Malungkot na sabi ni Jackie.
"I don't want to have any arguments with you Jacklyn at baka kung saan pa mapunta 'to. I appreciate the thought of you wishing me to overcome something you don't fully know, pero kung ginagawa mo lang 'to in favor of someone else, then sorry." At saka siya lumabas ng classroom.
Okay.. What's happening? Pareho lang kaming nakanganga sa napanood namin ni Winona. Ni hindi na namin nagawang magsalita o awatin yung dalawa.
Nilingon kami ni Jackie who's already teary-eyed.
Yayakapin ko na sana siya nang bigla siyang lumakad ng mabilis palabas ng classroom.
"I guess mamomove nanaman ang date natin Joey."
"Tingin ko nga rin. Meron tayo dapat i-counsel na mga bata." Tumango lang siya at saka kami umalis. Joey and Winona to the rescue!
BINABASA MO ANG
When Music Collides
Novela JuvenilLife is so dull without music, they said. True enough, for you are the music of my life.