[ Rojean's POV ]
Dalawang linggo na ang nakalipas mula noong nagkatampuhan at nagkaayos na rin naman kami ni Jackie. Back to normal na kaming apat.
"That's all for today, class."
Palabas na sana kami ng classroom nang tawagin ako ni Ms. Pascual.
"Ms. Perez, can you help me with these papers?"
"Sure ma'am." At sinenyasan ko na yung tatlo na mauna na sila sa library.
"Thank you Ms. Perez."
"You're welcome, ma'am." At saka ko siya nginitian. Paalis na sana ako nang bigla siyang nagsalita.
"Siya nga pala, pinapatawag ka nga pala sa admin. Tungkol yata sa scholarship mo."
"Ah sige po. Thank you po." Sabi ko at saka lumabas ng faculty.
"Miss, sayo yata itong panyo."
Nilingon ko yung taong nagsalita. Lumapit siya sa akin hawak ang panyo ko.
He extends his hand at kinuha ko naman ang panyo sa kamay niya.
"Thank you." Tumango lang siya at saka umalis. Why does he look familiar?
"Excuse me, I'm looking for Mrs. Yap. Pinapatawag niya raw po ako."
"Are you Ms. Perez?" I nodded.
"Sige pasok ka na sa office niya."
Kumatok ako at napansin din naman niya ako agad.
"Ms. Perez. Come in, maupo ka."
"Good afternoon po, thank you ma'am."
"I was about to call you in groups but I think it is much appropriate to tell the matter to each of you personally." Tinignan ko lang si ma'am with confusion. Hindi ko siya maintindihan eh.
Mukhang nakuha naman niya ang gusto kong iparating at saka siya nagpatuloy sa sinasabi niya.
"Numbers of students have been removed as Merridian scholar for this semester."
Ah yun lang.. Wait, what? Don't tell me..
"And you are one of them, Ms Perez."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
"Excuse me, ma'am?"
"I know it's so sudden. You've been a scholar since you were in high school, maganda naman ang mga records mo, kaya naman pasok ka sa criteria and you were given the chance to become a scholar of Merridian Foundation. Yun nga lang.."
Teka, ang gulo. Bakit ganun? Pwede ba yun? Ano 'to sudden removal? Bago yun ah.
"Ma'am bakit naman po nakaapekto yung prelim grades namin? Prelims pa lang naman po ah. Pwede pa bumawi. Pang-unang exam pa lang po this semester."
"It's actually our fault for not informing the Merridian scholars about the changes. Nag-limit ang foundation ng kaya nilang bigyan ng scholarship dahil na rin sa problemang kinakaharap nila ngayon. That's why they instructed us to monitor the prelim grades of their scholars and we undergone evaluation for them."
"Eh ma'am, hindi po ba unfair yun? Ma'am kailangan ko po kasi talaga yung scholarship."
"I know, it is. Kasi hindi namin sinabi sa inyo yung pagbabago. But we need to comply with Merridian Foundation's instructions."
Paano na 'to? Hindi pa ako nakakahanap ng bagong trabaho. Kapag hindi ko nagawan ng paraan 'to, mapipilitan akong mag-drop at huminto.
"That's why Priscillan College offers you scholarship if you've been part of the following school organizations."
Journalism Club
Theater Club
Renaissance Faire
Glee Club
Student Council
Young Democrats
"Yan ang ilan sa mga clubs na nag-ooffer ng scholarship. Yung iba kasi hindi pa nagsa-submit ng status ng club nila. Kung member ka na ng kahit ano sa anim na yan, just inform me and ako na magsa-submit sa admin."
Nagpasalamat ako kay Mrs. Yap at lumabas na ng office niya.
Ano na mangyayari sa balak ko na walang sasalihan na kahit anong club? Ugh.
BINABASA MO ANG
When Music Collides
Teen FictionLife is so dull without music, they said. True enough, for you are the music of my life.