"I said I wanted you to stay but you're always leavin'
Never tell me where, never tell me what's the reason
When you're gone I can't tell if my heart's even beatin'
Sometimes I think it's just for you that I live and breath in"
*beep beep*
"Miss, pwede kung magbibisikleta ka, sa tamang lane ka dumaan? Nakikisabay ka sa mga sasakyan eh. Paano kung may naunang sumita sayo na hindi kasing buti ko? You'll probably ended up in trouble. Or worst, naaksidente ka na nang tuluyan."
I removed my earphones at saka ko nilingon ang taong nasa likod ng malakas na busina.
"See? Malamang hindi mo narinig mga sinabi ko dahil ngayon mo lang tatanggalin earphones mo. Bahala ka nga. Tsk."
Sabi niya at saka pinatakbo ang sasakyan niya na parang nasa karerahan siya.
What was that? Sino ba 'yun? And what's with the blabbering.
It's 7:30AM, 30 minutes early, hindi na masama para sa unang araw ng klase.
"Rojean!"
Ayan ng ang mga zombies.
"Ay, what's with the face?"
"Anyare girl? May nang-agaw ba ng cotton candy mo?"
Mga kaibigan ko ba talaga 'tong mga 'to?
"Oh my! Don't tell me muntikan ka nang maaksidente, tapos yung isang involve rin ay lalaki. Then magiging close kayo, maiinlove, magpapakas--"
What the hell? Is Joey a clairvoyant psychic?
"In love agad? Nako Joey iyan ang napapala mo kakanood mo ng dramas eh." Pagputol ni Winona sa pantasiya ni Joey.
"I know right. It's like they all have the same kind of stories with just different people." gatong pa ni Jackie.
"Excuse me mga manang ha. Mas okay naman 'yun ano kesa naman sa nakaharap sa notes and textbooks all day. Ugh." Sabay hawi niya ng buhok.
"Pwede huwag niyo sa akin ibaling atensiyon niyo? Tara na nga bago pa mag-transform sa pagiging love guru 'tong isang 'to." Sabi ko sabay takbo at saka namang sunod nila sa akin.
Inikot ko ang paningin ko sa campus.
It feels strange. Parang hindi ako nanggaling dito noon.
As usual, maraming estudyante pa rin ang pinipiling tumambay sa garden area.
May mga nagbago.
May mga hindi rin naman.
May mga nawala.
May mga naiwan.
May mga nakalimutan na.
Pero may ilan na hindi magawang patawarin at kalimutan.
"Rojean, okay ka lang? Roj?"
Bumalik ako sa katinuan nang pisilin ni Winona ang pisngi ko.
"H..ha? Ano ulit 'yun? Sorry hindi ko narinig."
"Mula sa ground floor hanggang makarating na tayo sa room, tulala ka. Sigurado kang ayos ka lang? Is it about--"
"Wins okay lang ako. Alam ko 'yang iniisip mo. Matagal na 'yun, hindi na dapat inaalala pa. Isa pa, the girls will hear you." She nodded.
~~~
"Hello everyone, this is the captain speaking, and I want to welcome you to Flight 18 bound for Manila. Our flight time today is 8 hours and 15 minutes, and we will be flying at an average altitude of 29,000 feet. Melbourne is three hours ahead of Manila. For your comfort and safety, please feel free to ask any attendant for assistance. Thank you."
I look at the plane window.
This is it.
Wala nang atrasan 'to.
See you soon, Philippines!
BINABASA MO ANG
When Music Collides
Ficção AdolescenteLife is so dull without music, they said. True enough, for you are the music of my life.