Life without Him

4.6K 73 9
                                    

Chapter 23

Mga 10 pm na nung inihatid ako ni Brix sa condo. Halos ayaw nya akong iwanan, sinigurado nyang ligtas ako makakauwi.

"Tama na ang kakaiyak ah! Hinimas nya ang ulo ko, ewan ko ba parang nakakapanatag pag ginagawa nya sakin yun."

"Hindi na promise..  Sagot ko.."

"Hindi bagay sayo pag umiiyak, pumangit ka! (habang pinipisil ang ilong ko)"

"hmmp! Pasok na ako..thank you Brix, pano nalang kung wala ka.. :-( "

"Hindi ako mawawala sa buhay mo. Habang buhay aalagaan kita, sige na pasok na at late na masyado. Just call me anytime na kailangan mo ok..? By the way if my time ka this week, magkita tayo para macheck natin yung health mo lalo na si baby.. "

Bigla akong parang binuhusan ng malamig na tubig, bigla ko naalala na may buhay na tao sa tyan ko, masyado ako nagpadala sa nararamdaman ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari sa baby namin ni Jester. Laking gulat ko ng makitang bukas ang pintuan, pero may kutob ako kung sino ang nasa loob. Dahan dahan kung binuksan ang pintuan ng biglang!

"Hindi mo alam na halos mamatay ako sa pag-aalala sayo?!!saad nito na maiyak iyak na.."

Hindi ako umimik. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad  papunta sa kwarto.

"Jael!! Listen to me ok?  I'm sorry, iba yung nakita mo, hayaan mo naman ako mag explain.. Please Jael." Lumuhod sya sa harapan ko at umiyak. Halos matunaw ang puso ko,ngunit mas nanaig yung sakit sa twing naalala ko ang nangyari kanina.

"Bakit andito ka pa? Diba bukas na alis mo? Yun nalang ang nasabi ko, bago pa pumatak ang mga luha ko.."

"Hindi na ako aalis baby.. Hinding hindi na"

"Bakit? Diba malaking project yun?  Pano si Monica?..

"Jael naman! Wala kami! Wala akong paki kay Monica.."

"Hinalikan nya ako biglaan , nagkataon pagpasok yun ang natyempuhan mo, yun lang yun wala akong ibang ginawa, mahal kita wala akong gagawing makakasakit sayo.. Please baby.. "

"Nagawa mo na... At patuloy mong ginagawa.. Umalis kana Jester.. "

"No! Listen to me Jael, oo nag selos ako dahil nakita ko kung paano mo pahalagahan si Brix. Nung dumating si Monica, hinayaan ko syang kumilos ng ganun kasi nagseselos nga ako!! pero hindi ko akalain na dadating sa point na hahalikan nya ako. Maniwala ka naman sakin please.. Alam ko napaka selfish ko, wala akong kwenta pero.humihingi.lang ako ng isa pag pagkakataon... Maniwala ka naman sakin please."  Hindi na napigilan ni Jester ang kanyang mga luha,umaasang papakinggan sya ni Jael.

"Umalis kana... Ituloy mo yung project sa Singapore, ayoko ng makita ka Jester.  Lagi mo nalang ako sinasaktan napaka selfish mo!Sana si Brix nalang ang minahal ko. Ni minsan di nya ako nagawang iwan at saktan! Itong nasa pupunan ko, palalakihin ko sya kahit wala ka!  Kahit ako nalang! Umalis kana please!!!!!!!!!.... "

"Jael!! I'm sorry, pleaaaaaseee... I'm begging you.. "

"Siguro wag na muna tayo magusap, siguro mas magandang mahalin ko muna ang sarili ko.." Binuksan ko ang pintuan pagpapahiwatig na gusto ko ng umalis sya..

Baby, hindi ko na kaya...hindi ko kaya". Niyakap nya ako ng mahigpit..

Gusto ko syang yakapin pabalik ngunit wala akong maramdaman kundi ang sakit na dinulot nya sa akin. Wala akong ginawa hinayaan ko lang syang umiyak.

"Siguro nga hindi mo ko kaya paniwalaan, siguro nga karma ko na ang lahat ng to. "
Matapos ay umalis na si Jester. Naiwan akong luhaan sa pagkakataong ito gusto ko na may matira naman sakin kahit konti, kahit respeto ko nalang sa sarili ko.

My SEXcetaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon