I will do my best, to win your heart

4.5K 71 8
                                    

Dedicated to Jaycee_Anthony_Dee

Chapter 24

J E S T E R P O V

4 yrs ago....

"Hindi mo alam na halos mamatay ako sa pag-aalala sayo?!!saad ko kung alam lang nya na halos mamatay ako sap ag -aalala sa kanya." Hindi sya umimik. Nagpatuloy lang sya sa paglalakad na parang di nya ako nakikita .

"Jael!! Listen to me ok? I'm sorry, iba yung nakita mo, hayaan mo naman ako mag explain.. Please Jael." Lumuhod ako sa harapan nya , halos di ko mabigkas ang bawat sakita natatakot ako na mawala sya sakin. Hindi ko kaya kung mawawala nanaman sya, lalo na at may anak na kami sa sinapupunan nya.

"Bakit andito ka pa? Diba bukas na alis mo?" Saad nya na wari'y pinag tatabuyan ako, wala akong makitang pagmamahal sa kanya kundi galit.

"Hindi na ako aalis baby.. Hinding hindi na." Gusto ko maramdaman nya na sya ang pipiliin kung makasama, na hindi totoo ang lahat ng nakita nya, umaasa ako na lalambot ang puso nya at makita nya ang pagpapatawad.

"Bakit? Diba malaking project yun? Pano si Monica?..

"Jael naman! Wala kami! Wala akong pakialam kay Monica."

"Hinalikan nya ako biglaan , nagkataon pagpasok ka, yun ang natyempuhan mo, yun lang yun wala akong ibang ginawa, mahal kita wala akong gagawing makakasakit sayo.. Please baby.. " Pagmamakaawa ako na sana pakinggan naman nya ako.

"Nagawa mo na... At patuloy mong ginagawa.. Umalis kana Jester.."

"No! Listen to me Jael, oo nag selos ako dahil nakita ko kung paano mo pahalagahan si Brix. Nung dumating si Monica, hinayaan ko syang kumilos ng ganun kasi nagseselos nga ako!! pero hindi ko akalain na dadating sa point na hahalikan nya ako. Maniwala ka naman sakin please.. Alam ko napaka selfish ko, wala akong kwenta pero humihingi lang ako ng isa pag pagkakataon. Maniwala ka naman sakin please." Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.

"Umalis kana... Ituloy mo yung project sa Singapore, ayoko ng makita ka Jester. Lagi mo nalang ako sinasaktan napaka selfish mo!Sana si Brix nalang ang minahal ko. Ni minsan di nya ako nagawang iwan at saktan! Itong nasa pupunan ko, palalakihin ko sya kahit wala ka! Kahit ako nalang! Umalis kana please!!!!!!!!!.... "

"Jael!! I'm sorry, pleaaaaaseee... I'm begging you.. "

"Siguro wag na muna tayo magusap, siguro mas magandang mahalin ko muna ang sarili ko.."

Baby, hindi ko na kaya...hindi ko kaya". Niyakap ko sya ng mahigpit, umaasa ako na yayakapin din nya ako pabalik pero wala bato na ang puso nya.

Gusto ko syang yakapin pabalik ngunit wala akong maramdaman kundi ang sakit na dinulot ko sa kanya. Wala akong ginawa hinayaan ko lang syang umiyak.

"Siguro nga hindi mo ko kaya paniwalaan, siguro nga karma ko na ang lahat ng to. "

Umalis ako dahil di ko na kayang makita syang mas lalo pang nasasakan dahil sakin. Na paulit-ulit kung sinsaktan ang taong sinsabi kung mahal ko. Yun ang huli naming pag - uusap ni Jael.

Habang nagdadrive ako , di ko mapigilan ang pag luha hndi ko matangap sa sarili ko na matapos ko sikapin na mahalin nya ulit. Ako rin ang sisira ng lahat, paulit ulit bumabalik sakin ang mga sinabi nia Jael, hindi ko ata kaya na mabuhay pa ng wala sya. Ang huling natatandaan ko ay may sobrang liwanag na ilaw ang sumalubong sakin.

My SEXcetaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon