TMG 1- PHILIPPINES

3.8K 86 0
                                    

(SAMANTHA COLLIN POV)

Napaupo na lang ako bigla nang mapaniginipan ko na naman iyon. Ilang taon na Mula ng nangyari yun pero Baket parang sariwa parin sa akin lahat nangyari.

Tumayo ako sa aking kama at Pumunta sa cr. ko at Nag hilamus ako. Tumingin ako sa salamin ko. Tiningnan ko maigi ang kaming mukha. Ang kulay Brown kung mga mata at ang buhok kung kulay Gray na.

Baket sariwang-sariwa parin sa akin ang lahat? Baket ang hirap tanggalin sa aking isip yun? Baket hanggang ngayon ang sakit sakit parin? yung mga panahong unti-unti mong nakikita ang iyong ama na Unti-unting pinipikit ang mga mata habang nakatingin sayo.

"Ahh!!" Sa sobrang galit ko nasuntok ko na lang bigla yung salamin kaya naman nabasag Ito at ang aking kamay na nakayukom ngayon ay puno na nang dugo pero Hindi ko ininda yung sakit.

Dahil mas masakit pa diyan ang nararamdaman ko ngayon. Mas masakit pa. dahil sa mura Kong edad na matay ang mga magulang ko at sa harapan ko pa iyon nangyari. nakita ko sila kung Paano namatay hanggang sa huli nilang hininga.

"Panahon na para maningil ako nang utang. Panahon na para marasanan ninyo ang mga naranasan ko." Sambit ko at tinanggal ko yung kamay ko sa salamin at pinatong ko muna ang kamay ko "Buhay ang Kinuha kaya buhay din ang kapalit nito" Sambit ko at Nag hugas na nang kamay at Nag bihis na nang damit.

Lumabas ako nang kuwarto ko at nakita ko si Kuya Samuel na kumakain na kaya Umupo ako sa isang upuan sa tapat niya.

Tiningnan ni Kuya ang kamay ko pero hindi ko Siya pinansin at kumuha lang ako nang pag kain ko. "Napanaginipan mo na naman ba sila?" sambit sa akin ni Kuya Samuel kaya naman Tumango tango na lang ako sa kanya.

Ayoko nang sumagot pa baka kasi sa iba na naman ang mapuntahan nang usapan naming dalawa.

"Mag impake kana" Sambit niya sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya nang Seryuso na parang Nag hihintay nang sagot sa mga sinabi niya sa akin "Nakick-out kana naman sa school mo Samantha kaya wala na talaga akong ibang magagawa kung hindi dalhin ka sa Philippines. naubos mo na ata ang school dito sa Seoul, Samantha. kaya sa Philippines kana mag aaral ngayon at Oo panalo kana" Sambit sa akin ni Kuya Samuel.

Natutuwa ako ngayon dahil sa Limang taon na akong Hindi nakakabalik nang Pilipinas pero heto ako ngayon at uuwi na ako nang Pilipinas. "Kahit Hindi mo ako dahil sa Pilipinas ay uuwi at uuwi parin ako para maningil sa kanila" Sambit ko Kay Kuya Samuel kaya naman napatigil Siya sa pag kain niya at tumingin Siya sa akin.

"Alam ko." Sambit niya sa tonong parang nalulungkot siya. May Kinuha Siya sa bag niya at inilapag niya iyon sa mesa. sa harapan ko isang kulay brown na envelope. "Nakakuha na ako nang mga info. tungkol sa kanila pero hindi ko sila ginalaw dahil alam kung hahanapin mo sila at maniningil ka. kaya ginawa ko ang lahat para mahanap sila. Nandiyan lahat nang tungkol sa kanila at kung gusto mo nang tulong sabihin mo lang sa akin dahil Hindi kita pababayaan" Nakangiti niyang Sambit sa akin kaya naman ngumiti ako sa kanya.

"Alam mo namang ikaw lang ang princess ni Kuya Diba? kaya kung kailangan mo nang tulong akong bahala. Parasaan pa at naging Mafia Boss ang Kuya mo" Napangiti na lang ako sa sinabi niya sa akin.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at Lumapit sa kanya at niyakap Siya nang mahigpit "Thank you Kuya Samuel.. thank you dahil lagi kang Nandiyan para sa akin kahit na wala akong ibang ginawa kundi ang mag pasakit nang ulo mo" Sambit ko Kay Kuya Sam kaya naman napangiti Siya sa sinabi ko sa kanya.

"Basta mag-iingat ka dahil ayokong pati ikaw mawala sa akin. ikaw na lang ang meron ako Samantha kaya mag iingat ka" Sambit niya sa akin kaya naman tumango tango ako habang nakayakap Kay Kuya Samuel.

Si Kuya Samuel na ang nag-alaga sa akin simula nang mamatay sila Eomma at Appa si Kuya Samuel na ang lagi Kong kasama. Dahil kami na lang ni Kuya Samuel ang nabuhay sa pamilya namin.

Lahat nang pamilya ni daddy pinatay at lahat yung pamilya ni Mommy pinatay din sa Reunion Family namin nang gabing yun. kaya lahat nang kayamanan nila Mommy at Daddy ay Napunta sa aming dalawa ni Kuya Samuel.

Umalis kami nang Pilipinas nang Matapos ang libing nila at Pumunta kami sa Vietnam at tumira kami nang dalawang taon doon pero Umalis din kami at lumipat kami sa Korea. Sa Seoul na kami ni Kuya Tumira nang tatlong taon at dito na din ako nag aral sa Korea.

Bawat araw na dumaan ay Walang araw na Hindi ko napapanaginipan sila Appa at Eomma. Namimiss ko yung mga panahong masasaya kami at Nag kukulitan pero lahat nang iyon nawala lahat nang masasayang alaala nawala.

Nawala lahat nang Masayang Alaala at napalitan nang kalungkutan dahil sa nangyari nang gabing iyon. Hindi ko makakalimutan ang araw na nawala nang parang bula ang lahat nang mahal namin sa buhay.

Mahirap tanggapin pero yun talaga ang totoo na hindi na namin maibabalik yung dating masayang pamilya na sinira nila.

Sobrang sakit pero kailangang tiisin dahil kung Hindi mo kaya ay para kang mababaliw. sa sobrang sakit nito na parang unti-unti kang pinapatay sa mga minutong naiisip mo sila.

Pero Mas masakit yung malaman mong yung mga taong gumawa nun sa pamilya ninyo ay malayang nakakapag lakad at malayang nakakapunta sa iba't ibang bansa.

gusto ko silang singilin sa ginawa nila. Kung Hindi sila kaya nang mga police Edi ako ang maniningil sa kanila.

(THIRD PERSON POV.)

Napatingin ang lahat nang taon dito sa airport sa isang dalagang babae na nag lalakad dahil sa ganda nito. Napatingin sa kanya yung mga binatang nasa gilid.

Habang nakashades ang dalaga habang Nag lalakad ay may sumalubong sa dalagang babae na isang lalaki at yumuko ang lalaki para mag bigay galang sa dalagang babae.

"Pre ang ganda nang chicks oh" Sambit nang isang binata sa kanyang kaibigan kaya naman Napatingin din ang isa pang binata dun sa tinuro nang kanyang kaibigan.

"Oo. nga pre. Tara putahan natin.. Tara Enzo" Sambit naman nang isa pang binata at niyaya din yung isa pa nilang kaibigan.

"Sige kayo na lang" Sambit nang binatang si Enzo sa kanyang dalawang kaibigan.

"Sige pre kami na lang Mula ni Mark Pumunta sa kanya tapos sunod ka" Sambit nang binata sa kanyang kaibigan kaya naman Tumango tango ang binatang si Enzo sa kanila.

Lalapit na sana ang dalawang binata sa babae nang biglang may humarang sa kanilang Tatlong lalaki na naka tuxedo ang suot na damit kaya naman napakunot ang noo nang dalawang binata sa tatlong lalaking yun.

"Young lady. Welcome to Philippines" Sambit naman nang isang Butler sa Dalaga kaya naman Tumango tango ang Dalaga at Nag lakad na ito palayo. habang ang mga Butler naman nang Dalaga ay sumunod na din sa kanya.

Nag katinginan naman ang dalawang binata dahil sa sinabi nang isang Butler dun sa Dalaga "Mayaman haha Ang daming bodyguard haha" Sambit nang binatang si Mark sa kanyang kaibigan na si Philip.

Nag tawanan na lang yung dalawa dahil sa nangyari sa kanila dahil hindi man lang nila nakausap yung dalagang Babae dahil hinarangan kagad sila nang Butler nito.  

~OnnaPink

~still editing

THE MYSTERY GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon