STILL EDITING
____________________
CHAPTER 16-HUNTER(ZINCHO POV.)
Bakit kaya Hindi maalis sa isip ko yung mukha niya? bakit kapag tumititig ako sa mga mata niya parang feeling ko napakalungkot niya.
“Wala silang awa Zincho"
Hayss!! bakit ba ayaw umalis sa isip ko nun? bakit?! Nakakainis na talaga! Nakita ko yung mukha ni Samantha. At yung mukha niya kanina kakaiba dahil nawala yung matapang na kilala Kong Samantha yung ayaw mag Patalo.
Hindi siya Yun! kakaiba talaga sya dahil yung mga mata niya sobrang lungkot at yung boses niya kanina parang may nag-iba bigla.
Parang yung matapang na kilala Kong Samantha na lagi Kong nakakaaway ay may kahinaan din pala. Kanina ko lang siya nakitang umiyak pero yung iyak niya parang sobrang lungkot niya talaga na mahirap ipaliwanag.
Siguro kaya lang siya naging ganun kanina ay dahil sa Kung paano niya nakitang pinatay si Mea sa woodland. Siguro Natakot siya kaya niya lang nasabi ang mga iyon pero parang kakaiba.
Dahil nang Makita niya si Mea Kung paano namatay ay gusto niya pa itong sundan siguro may iba siyang tinutukoy pero ang hirap hulaan. napaka misteryuso niyang babae.
Kakaiba siya sa lahat ng Nakilala kong babae. Palaban siya at Hindi marunong tumanggap ng pagkatalo at isa pa masyado siyang Maraming tinatago.
Bigla ko tuloy naalala yung sinabi ng mga kaibigan ko.
»»FLASHBACK««
“Pre! halika dito!!" tawag sa akin ni Tyler kaya naman lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.
“Oh?" Tanging wika ko sa kanya at hinawakan ko yung cellphone ko at may kinakalikot dun.
“Yung tungkol sa pinapagawa mo pala" paunang wika niya sa akin at tinuro yung laptop niya kaya naman napatingin ako dun “wala akong ma-search tungkol sa kanya naka-private lahat ng tungkol sakanya maliban na lang dito.. Samantha Collin Isang anak ng pinaka mayamang negosyante.. yun lang ang nakalagay at Wala ng iba pa" Tanging wika ni Tyler sa akin kaya naman tumango tango ako sa kanya.
“Alam ninyu napaka misteryuso ng babaing Yan" napatingin naman kami Kay Jake nang bigla siyang nag salita.
“Tama ka pre.. misteryuso siya bukod sa tago ang mga impormasyon tungkol sa kanya ay masyado din siyang tahimik at palaging nasasama sa mga gulo" Sambit naman ni Yohan sa amin kaya naman napatongon na lang ako sa kanila.
“Siguro may tinatago siya. masyado siyang masekreto at lalo na yung mga kaibigan niya" wika naman ni Shawn sa amin.
»»END OF FLASHBACK««

BINABASA MO ANG
THE MYSTERY GIRL
Misteri / ThrillerSamantha Collin ang batang lumaki na may sama ng loob dahil sa mga taong pumatay sa magulang niya. Lumaki siya sa magulong mundo ng mga Mafia at mundo ng Gangster kung saan may mga taong namamatay o pinapatay. Gusto niyang patayin ang mga taong puma...