6

2.9K 64 3
                                    

Note: Walang Trish sa totoong buhay okay? Fictional lang lahat ng ibang characters maliban sa EXO, may ilang pagbabago sa EXO, Like I'm using their stage name tapos dudugtungan ko ng oldy-but-classy surnames. Yun lang~

~~~~~~~~~

6 || Weird Things~

"Ate! Wait mo lang ako please?" sigaw ni Trish habang hinahabol parin ako. URGH! Ano ba 'tong pinasok ko? Magiging maldita na nga lang ako, sa maling pagkakataon pa. Hindi parin ako huminto sa paglalakad ng mabilis.

"Sige na ate... kundi mapipilitan akong--" mapipilitang ano?

"Stop it, Trish." pagpipigil sakanya ni Kris. Hindi ko na sila pinansin at patuloy lang sa paglalakad! Urgh, nakakainis! Stupid me. What've I done? Futepate lang!

Papasok na sana ako para sa first class ko nang maalala kong kaklase ko nga pala siya sa class kong 'yon kaya di na ako tumuloy. Kung mamalasin kanaman talaga oh! Kainis! Kahihiyan nalang ang nadadala ng lalaking yun sa buhay ko. Urgh! Galit na galit akong naglakad sa hallway, wala na ako sa wisyo ko at kung saan lang ako dalhin ng paa ko doon na ako. Masyadong occupied ang utak ko at sobrang daming nangyari. Urgh!

Hindi ko na alam kung saan ako nadala ng paa ko, sa pagkakatantsa ko malayo na ako sa main building. Nasa isang garden-like place ako na walang kabuhay buhay. Unti lang ang mga punong nakatindig at pawang matatanda na. Medyo nakakatakot ang paligid pero dahell I care. I'm so unfortunate... na gusto ko nalang magpakain sa lupa. I can't accept the fact na nagawa ko yun, at for the first time nagkamali ang EX-RADAR ko. Gahd!

(EX-RADAR - pag may EX na umeextra sa scene ng storya ko. Katulad nalang nung Trish na akala ko eh ex! GAHD. Possessive Sister lang pala!)

Napaupo nalang ako sa isa sa lilim ng puno at iniisip kung anong pwede kong gawin... Pride at Dignidad ang isasalba ko rito, azar.

Habang nasa ilalim ako ng puno, nakaramdam ako ng ginhawa pero... ang weird. Gusto ko pa sanang magstay roon pero may mali eh. Nakakaramdam ako ng kakaibang ginhawa pero may pumipigil rito... ano 'yon?

Umalis ako sa lugar na iyon at naghanap ng posibleng daan na dinaanan ko kanina para makabalik. Nakahanap ako ng mga bakas at nakakasigurado akong akin iyon pero habang sinusundan ko ang mga bakas na iyon, dumami sila at papunta iyon sa kasalungat na direksyon sa kinatatayuan ko. Kinakabahan ako na di mapakali. Kalma ka lang Ella. Kalma lang!

Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin pero kusang gumalaw ang mga paa ko at sinundan ang mga bakas na papunta sa kabilang direksyon. Aaminin ko, may kaunting nagbago sa akin simula nang makatungtong ako sa eskwelahang 'to... pero ako parin si Ella Kingsley, kapag interesado at curious ako sa isang bagay... hinding hindi ko ito titigilan hangga't di ko pa nalalaman ang katotohanan at kung ano ang nasa likod nitong bagay na ito.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad at pagsunod sa bakas pero nahinto lang ako sa isang malaking bato. Hindi ko alam kung baliw o loko loko lang yung tao sa likod ng mga bakas na 'to at nahinto lang sa malaking bato. Naghanap pa ako ng ibang bakas na pwede ko pang sundan pero wala akong nahanap. Tinignan ko ang daang tinahak ko kanina, puro bakas ko lang ito at ng taong nagpunta rito at walang bakas pabalik.

Mukhang walang kwenta lang pala ang pagpunta ko rito -__- Papalakad na ako pabalik nang mapasulyap muli ako sa bato. May weird akong pakiramdam sa batong 'to. Maya-maya'y may parang scriptures na nagliliwanag rito kaya lang hindi ko mabasa. Lumapit ako para makita iyon pero may biglang humawak sa kamay ko.

"What the?!" sigaw ko. Gulat na gulat ako dahil sa paghawak niya ng kamay ko. Sino ba namang hindi diba? Tss.

"Pasensya na kung nagulat kita." dire-diretso niyang sabi ng hindi nakatingin sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Hindi parin siya nakatingin sa akin at nakatungo lang. Something's wrong with her.

Magtatanong na sana ako kay Christy nang may umepal...

"Gahd! Buti nahanap kanarin namin." hingal na hingal na sabi ni Kris sa amin. Nagpose naman ako ng oh-so-famous bish pose ko at tinaasan siya ng kilay.

"Kuyaaa! Sabi ko sayo, hintayin mo ako eh." sumisigaw na sabi ni Trish habang nagtatakbo papunta sa amin. Ano bang ginagawa ng mga 'to rito? URGH! Naaalala ko nanaman yung nangyari kanina.

"What are you doing here?" walang ka-emo-emo kong sabi sakanila. Si Christy nakatungo parin at nanginginig. I know when she's like that, either something's bugging her or something's wrong with her.

"We need to go now." buong awtoridad na sabi ni Kris sa amin. Nakarating na rin sa amin si Trish at kitang kita ko sa mukha niya ang pag-alala. Niyakap niya ako ng mahigpit, "We're glad you're okay." Inirapan ko nalang sya sa opposite side kung saan di niya makikita. I don't want to hurt her feelings but... gahd I hate sweet and concern stuffs!

"Mamaya na yan, kailangan nating makabalik sa academy bago lumubog ang araw." Humiwalay naman sa yakap si Trish sa akin. "Mahirap na't full moon ngayon." Hindi ko na narinig pa ang huling sinabi ni Kris dahil hinila na ako ni Trish. Lumingon ako kina Christy at Kris na nasa likuran pa namin at hindi pa naglalakad, para silang may pinag-uusapan na ikinagalit ni Kris.

Hindi ko nalang sila pinansin at itinuon ang pansin sa daan na tinatahak namin ni Trish. Unlike kanina, hindi namin sinundan ang bakas at mukhang tama naman ang daan namin. Sabagay, old student narin kasi siya.

Napatingin uli ako sa likod ko at wala na si Christy? A-asan siya? Hindi ako marunong mag-care sa tao pero iba si Christy eh... tinuring ko siya bilang isang kaibigan at kahit papano nag-aaalala ako sakanya. HAY! Ano ba 'tong pinagsasabi ko?

Nakarating na kami sa academy pero wala paring naimik sa amin. Gusto kong magtanong... pero umuurong ang dila ko. Aish! Kelan pa ba ako naging ganito?

"Uhh... ate Ella, hatid na po kita?" nakangiting sabi ni Trish sa akin.  Ihahatid? Patawa ba siya?

"Hindi na, kaya ko na sarili ko." walang ka-emo emo kong sabi sakanya.

"Ako nalang." sabat naman ni Kris. Seriously? ugh

"H'wag na!" sigaw kong sabi sakanya. Ayoko nga no! Hindi ako lampa para ihatid niya pa, kaya ko na sarili ko.

"Mas makakabuti kung ihahatid kita sa room mo, babe." sabi niya na may nakakalokong ngiti! URGH THAT GUY! What the heck? BABE?! URGH.

"Kuya, lumulubog na ang araw." pabulong na sabi ni Trish kay Kris pero rinig ko naman. Palubog na ang araw? Ano naman? They're weird.

"Halika na." saglit lang ay biglang nagdarkyellow ang mata niya pero bumalik rin sa normal na kulay ng mata niya, ang weird ng lahat. Kinakabahan nanaman ako. Sht! Kahit na matapang ako, may takot parin naman ako. Tao lang din ako.

May binulong pa siya kay Trish bago niya ako kinaladkad, hila hila niya ang braso kamay ko habang naglalakad. Seryosong seryoso siya at hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Gusto ko magpumiglas pero ang higpit ng pagkakahawak niya rito, pag nagpumiglas pa ako ay mas lalong sasakit ang kamay ko.

Nakarating na kami sa kwarto namin ni Christy at sa isang iglap lang ay...

hinalikan niya ako.

--

huehue

[Edited 15.07.29]

-Sea

Wolf AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon