2 - Welcome to the Wolf Academy

4K 94 10
                                    

2 || Welcome to the Wolf Academy

"Ella! Excited kaba?" tanong sa akin ni Christy na excited sa paglipat namin. Napangisi ako sa sinabi niya. Hello? Ako magiging excited? oh ples.

"Pwede ba? kilabutan ka nga" saka inirapan at tuluyang pumasok sa Lamborghini ko. Ang sweet namin ni Christy no? 

"Sungit!" sabay nag pout ang bruha. Aba...


Hindi ko nalang pinansin si Christy at isinalampak nalang ang earplugs ko.



"Mommy, please wag ka nang umalis." pagmamakaawa ko kay mommy. Pero bakit ganun? Bakit parang wala siyang naririnig?

"Mommy, please! I'll do everything just don't leave me." pagmamakaawa ko sakanya. Pinilit kong tumayo pero hindi ako makagalaw sa kinaroroonan ko... parang may pumipigil sa akin na habulin ang mommy ko. Anong nangyayari?

Biglang may lumitaw na mapupulang mata sa dilim... at unti unting lumabas ang imahe ng isang lalaking may pangil at kinagat ang leeg ni mommy? B-bakit niya ginawa iyon? Sino ba siya? Ano ba siya? Bakit niya ginawa yon?

"Mommy..."


"Ella! Ella gising!"

"Mommy..."

"Ella, bakit?" si Christy.

"Ella, anong problema?" nag-aalala paring tanong sakin ni Christy. "Wala... wala lang 'to. Nanaginip lang ako." sabi ko naman sakanya at umupo ng maayos.

Isang panaginip... Hindi, isang bangungot. Sino yung lalaking iyon? Bakit... bakit siya may mga mapupulang mata at pangil? Anong kinalaman niya kay mommy? Bakit ganoon ang panginip ko? Sighs. Masyado lang siguro akong nag-iisip.

Tumingin ako sa labas at puro puno ang bumungad sa akin. Huh? Nakakapagtaka, bakit puro mga puno? Ang creepy at weird ng paligid. Sigurado bang dito ang tamang daan? Parang papunta to sa kawalan eh? o kaya sa kagubatan?

"Kuya Marco, tama ba ang daan natin?" tanong ko kay Kuya Marco, ang tatay ni Christy.

"Opo, Miss." sagot naman ni Kuya Marco. Pero bakit... tss, iniistress ko nanaman sarili ko.

Bumuntong hininga nalang ako at patuloy na tinanaw ang kawalan.

"Chill kalang dyan Ella, sigurado akong magugustuhan mo ang magiging school natin." ngiting ngiting sabi sa akin ni Christy.


Makalipas ang kalahating oras nakarating narin kami. Malaki ang eskwelahan at... tago? Ang eng-eng lang naman kasi ng may-ari. Sino ba naman kasing matinong tao ang ilalagay ang eskwelahan niya sa gitna ng kagubatan? Hay. Kahit sino siguro, mapupuno ng katanungan sa oras na makatapak sila sa eskwelahang ito... ang misteryoso.


"Ella, halika na!" sigaw ni Christy na nasa may main gate na ng eskwelahan. Sobrang misteryoso naman ng eskwelahang 'to. Hay, dibale na nga.

"Hi, I'm Ms. Montgomery, the Principal of Wolf Academy." pagbati sa amin ng isang magandang babae na mukhang nasa 20's pa. Bigla naman akong napanganga sa narinig ko. Wolf Academy? Seryoso ba tong mga to? Iniabot naman ni Ms. Montgomery ang kamay niya sakin pero imbis na abutin ko, tinitigan ko lang ang kamay niya. 

"Hi Ma'am, I'm Christy" nakangiting bati ni Christy kay Mrs. Montgomery at iniabot ang kamay na nakatapat sa akin. Bakit parang ang weird ng buong eskwelahang 'to? Inilibot ko ang tingin rito, ang laki, hindi lang yata ito pang-ordinaryong eskwelahan. Paano kaya nalaman ni dad ang tungkol sa eskwelahang ito?

Wolf AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon