8 - Nightmares

2.7K 59 2
                                        

8 || Nightmares

Ella's POV

"Alam mo ba... blablablablabla." hay! Ano ba yan, ang dami daming sinasabi netong si Christy. -__- Nandito kami sa mall para sa weekly pamimili namin. Weekly weekly kaming namimili ng damit at gamit. Kahit na may pagkatomboy ako, babae parin naman ako noh.

Namimili kami ng damit ni Christy nang may nahagip ang mga mata ko... isang pamilyar na mukha.

Inusisa ko pa siya at sinundan upang makumpirma ang hinala ko at tama nga. Gusto kong umiyak dahil sa tuwa... After 10 years, nakita ko siya muli.

Walang pagsidlan ang tuwa ko, gustong gusto ko siyang yakapin at kausapin kaso... parang mali. Hindi, mali talaga. Wala na si mommy sampung taon na ang nakakaraan...

"Ella?" napalingon ako sa tawag ni Christy.

"Uh... Christy." yan lang ang tangi kong nasabi. Gulong gulo ang utak ko at the same time ang saya ko.

"Ano bang tinitignan mo dyan?" nakakunot-noong tanong ni Christy. "Ah-eh... wala." sabi ko lang sakanya. Hindi ko nalang pinansin ang nakita ko at binaling ang atensyon sa pagpili ng damit, baka guni guni ko lang yun.

Buong pagstay ko sa botique na yun, di ako mapakali. Ang weird ng feeling. Feeling ko iba ako sa pakiramdam kong ako. Yung parang...

"Miss..." may pamilyar na boses ang tumawag sakin kaya't napalingon ako. Laking gulat ko dahil siya. Siya ang tumawag sa akin.

"M-mommy..." banggit ko.

"B-baby..." at niyakap niya ako. Hindi parin ako makapaniwala, nakasama ko siyang muli. At hindi na ito guni guni pa... nararamdaman ko na ang yakap niya.

"I missed you, mommy." naluluha kong sabi sakanya at niyakap rin siya. "I know baby..." sabi niya at hinalikan ako sa noo. Matangkad parin si mommy sa akin ng kaunti pero abot ko parin siya.

Namiss ko ang moment na 'to... ang mga yakap na 'to.




Buong araw kaming nagsaya ni mommy. Kumain sa paborito naming restaurant, namili ng maraming damit, nagpaspa at kung ano ano pa. Ang saya saya ko lang, sobra... Pero ang dami ko ring tanong.

Mag gagabi na at pagod na kami kaya naisipan naming pumunta sa favorite spot namin sa mall na 'to... ang mini-park. May kaunting nagbago sa mini-park ng mall pero hindi parin kumukupas ang ganda at ang saya na binibigay nito. Naupo kami sa bench malapit sa fountain.

"Magwish tayo baby?" nakangiting tanong sa akin ni mommy habang may hawak na dalawang 25cents. "Sige mommy!" nakangiti kong tugon sa kanya.

Humiling na ako pati narin si mommy. Nang matapos akong humiling, tinignan ko si mommy. Nakapikit parin siya at humihiling. Ang ganda niya parin, siya parin ang mommy na nakilala ko 10 years ago...

Nang dumilat siya ay ngumiti siya sa akin. "Sabay na nating itapon ang cents?" nakangiti niyang sabi sakin, nginitian ko lang siya at sabay naming tinapon ang cents namin.

Naupo uli kami sa bench at tinignan ang fountain. "Baby, anong hiniling mo?" tanong sakin ni mommy na nakatingin parin sa fountain pero hindi naaalis ang magagandang ngiti. "Sana hindi na matapos ang araw na 'to... Na sana h'wag mo na kaming iwan ulit. Ikaw mommy?" sagot ko na may ngiti sa labi.

Pagkasabi ko non, biglang naglaho ang mga ngiti ni mommy, Bakit? May nasabi ba akong mali? "Ah baby... aalis na si mommy ha? Pakabait ka." sabi ni Mommy at tumayo na upang umalis... Ano bang nangyayari? Bakit siya aalis? Ang dami kong tanong. Pero isa lang ang sigurado ako, hindi maganda ang sinabi ni mommy.

Wolf AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon