17

1.5K 37 3
                                    

Ella's POV

Higit sa kalahating oras na ako naghihintay sa loob ng Secret Place, marami akong naririnig na ingay at pagtatalo sa labas pero hindi gumagalaw ang paa ko. Gulong-gulo parin ako sa lahat ng mga pangyayari. Hindi ganoon kadali i-digest lahat ng bagay. Posible kayang si Sehun nga yun? Kung oo man, mukhang kailangan ko siyang sundin.

"Urghh!" sigaw ko at sinipa ang isang bola na hindi ko alam kung saan nanggaling. Napasabunot nalang ako sa buhok ko. Sobrang di ako mapakali. Tss!

Ilang hiyawan at sigawan pa ang narinig ko sa labas, kating kati na ang kamay ko na pihitin ang doorknob pero mayroong pumipigil sakin. Hindi kaya, napasailalim na ako ng Sehun na yun? Ugh, this can't be! Ella Kingsley, magiging sunud-sunuran? NO AND NEVER!

Ilang araw at oras ko palang siyang nakikilala pero sa sobrang bilis ng mga pangyayari, may kung anong nag-uugnay na sa'amin. Aish! Ano ba to. Ang lalim!

*togsh*

Mabilis akong napalingon sa pinto nang marinig ko ang kalabog.

"S-sehun.."

--

Ilang oras na akong nasa clinic at binabantayan siya. Di ako mapakali, simula ng maging ultimate btch ako, ngayon na uli ako nakadama ng sobrang kaba at... takot. Kanina pa hindi nagigising ang lalaki sa tabi ko, simula kanina. At hanggang ngayon, di parin mapayapa ang utak ko sa dami ng tanong sa isip ko... tungkol sa'akin, sa mommy ko... at sakanila.

*

"S-sehun..."

Napaatras ako, Sobrang daming sugat ang nakaguhit sa kanyang mukha pero imbes na tulungan siya at itakbo sa clinic, hindi ko magawa. Nanginginig ang katawan ko sa kaba at takot, hindi ito biro. Ang mga matang iyon... hinding hindi ko malilimutan ang mga matang 'yon... Yun ang mga mata ng tumapos ng buhay ko... ng mommy ko.

Puro atras ang ginawa ko at nakaguhit sa mukha ko ang takot. Hindi ko namalayan, nakaupo na lang pala ako sa sulok at umiiyak.

"M-mommy... "

Paulit-ulit na sambit ko, sobrang natatakot ako... Hindi ako pwedeng magkamali. Yung mga matang 'yon.

Maya-maya lang ay nakaramdam ako ng isang mainit na yakap, na kahit papaano ay nakapagpagaan sa'kin. But-- it's still there, "Shh... H'wag kang matakot. Lalong lalo na sa akin."

At pagkatapos na pagkatapos noon ay nahimatay siya.

*

Pinikit ko ang aking mga mata at pinipilit kalimutan ang lahat ng mga nangyari.

Nilingon ko si Sehun na mahimbing na natutulog sa tabi ko.

Mukhang kailangan ko na talagang mag-move forward sabi ko sa sarili ko. Masyado na akong nadadala ng nakaraan. I'm a btch and a btch is a btch, pero tao parin naman sila--or not.

"S-sorry." nauutal ko pang sabi kahit na alam kong tulog siya. Tss, well atleast I did an apology kesa naman wala. AND, THIS IS SO NOT ME.

I checked the whole room at napalinga sa bintana, lumalalim na ang gabi. He's asleep for almost four hours? five? seven?I don't know and I have no clue. My mind's occupied by things and questions.

The whole thing's a mess and a big question mark for me.

"Hey." nilingon ko ang babaeng kumausap sa'kin. Kakapasok niya palang sa loob ng clinic at ganoong ganoon parin ang aurang nakikita ko sakanya.

"What do you want, Woodwell?" agad kong pambungad sakanya, I don't want to argue with her anymore. I don't want to complicate things more.

Hindi niya sinagot ang tanong ko at tumawa lang... nang nakakatakot. Tss, tinapunan ko lang siya ng matatalim na tingin at inirapan nalang siya. She's a waste of time.

"Don't ovethink, Kingsley." napatingin ako sakanya at tinaasan siya ng kilay. Anong ibig niyang sabihin?

"You know, I--We can read minds." Yeah right, They're not humans, they're wolves... I mean werewolves and they can do extraordinary things and maybe I can too, but.. how? I mean, they've already said it, I'm no ordinary. But can I do those things?

"You can, Kingsley. It just that... you're still a virgin." sagot niya sa tanong na nasa isip ko.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, "What do you mean?" tanong ko. Sa pagkakaalala ko, nagising na ang lobo ko, pero bakit? Aish! Ang gulo.

Umikot siya sa buong clinic na may tila hinahanap. Ilang minuto pa ang lumipas at patuloy parin siya sa paghahanap ng kung anong bagay.

Maya-maya rin ay bumalik siya sa kaninang pwesto niya. Malayo parin ang distansya namin sa isa't isa na para bang pag naglapit ang aming mga balat ay may hindi kaaya-ayang mangyayari.

"Sarili mong dugo ang nainom mo, nagising man ang lobo mo. Hindi ibig sabihin nito na isa kanang ganap na lobo, Ella. Dahil--" hindi niya tinapos ang dapat niyang sasabihin at tinignan ang libro. "Dahil?" bumibilis ang tibok ng puso ko at ramdam ko ang kaba sa loob ko. May kung anong pumipigil sa akin na h'wag ng itanong pa, dahil... baka masaktan lang ako. Ano ba 'to? Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito?

Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa buong silid. Palagi nalang, ang cliche na nga nitong buhay ko. Paulit-ulit ang mga pangyayari na nakakabobo na.

Hindi siya kumikibo at tinitigan lang ang libro, sinusuri ang bawat gilid at loob ng libro. At ako naman, iniwas ko nalang ang tingin sakanya at tumingin sa bintana. Maliwanag at maganda ang gabi, maaliwalas ang kalangitan at nagsilitawan lahat ng mga bituin. Isang perpektong gabi, ngunit hindi magandang araw.

"Gusto mo bang malaman kung sino ka talaga?" tanong niya kaya't napalingon ako. Oo, gustung-gusto ko ng malaman lahat... ang katotohanan. Matagal na akong nanahimik at siguro tama na iyong pananahimik kong iyon para malaman ko ang lahat.

"Then, let's play a game."

--

Kris' POV

"Yung gagong yun! Humanda talaga yun sa'kin!" pagdadabog ni Tao at nagbasag na naman ng kung anong mababasag. Sinundan pa ito ng reklamo nina Min at Chen na kapwa rin nasampulan ng grupo ni Sehun.

Napa-tss nalang ako habang pinapanood silang magsusuntok at magsisigaw. Hindi ko rin naman sila masisisi, ilang pasa rin ang natamo nilang tatlo. Kung dumating lang sana kaagad ako kanina, aish! -__- Kami naman nina Lay at Luhan, prenteng prente lang na nakaupo at pinapanuod ang tatlong ugok. tss, mga wala talagang utak.

"Tumigil na kayo." kalmado ngunit buong awtoridad kong sabi sakanila. Wala ring magagawa ang pagsisigaw at pagbabasag nila, nagsasayang lang sila ng oras, hindi naman kaagad gagaling ang mga pasa nila kung magbabasag at magsisisigaw sila. Maya-maya lang rin ay tumigil na sila, tss buti naman.

Tumayo na ako at akmang lalabas nang nagbitaw ng mga salita si Luhan, "H'wag mo siyang puntahan."

Nilingon ko siya, "At bakit hindi?" walang kaemo-emosyon kong sabi. Lahat sila napatingin sa akin, maliban kay Luhan na pacool lang na di tumitingin sakin, tss pauso niya.

"Alalahanin mo lahat ng mga nangyari, Kris. Alalahanin mo." at doon, inunahan niya akong lumabas.

--

Luhan's POV

"Alalahanin mo lahat ng mga nangyari, Kris. Alalahanin mo." sabi ko at nilagpasan siya.

Kanina ko pa halata sa kanya ang di mapalagay. Tss, mukhang alam ko na ang dahilan. Akala ko pa naman, napalitan na siya... pero mukhang hindi pa pala.

Tss, Ang tanga mo talaga Kris, ang tanga tanga mo.

--

-Sea

Wolf AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon