16

1.7K 40 2
                                    

Kris POV

Kanina pa ako hanap ng hanap. Asan na ba kasi yung malditang yun? Tss, ang dami dami ko ng tinatawag sakanya, di ko kasi mabasa ang ugali at takbo ng isip niya. Wala siyang ka-alam-alam tungkol samin pero hindi niya hinahayaang pasukin ko ang isip niya, hindi ko alam kung panong nangyari yun o kung gawa niya ba yon... basta ang sigurado ko lang, may iba sa kanya. May espesyal sakanya na di ko makikita sa iba. Tss, kumukorny nako -__-

Hay, nakakapagod maghanap sa babaeng yun. Lagi na lang talaga akong pinag-aalala nun! >__<

*creack*creack* Nagulat ako sa tunog ng mga speakers. Ngayon lang din kasi ito nabuksan. "All students of Wolf Academy, I repeat, All the students of Wolf Academy. Two Moons, please proceed to the meeting ground. T-the... the barriers will be open... for today."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig yun and at the same time, unti unting nagfoform ang isang malademonyong ngiti sa aking labi.

Masaya akong naglakad papunta sa meeting ground nang maalala ko nanaman si Ella. Napatigil ako sa paglalakad at bumuntong-hiningaMatagal kong hinintay ang pagkakataong bubuksan rin ang barrier at magkakaalamanan na kami ni Sehun pero... P-paano siya? P-paano kung may nangyayari na palang masama sakanya ngayon?

Ano bang pipiliin ko? Siya o ang grupo ko?

---

Ella's POV

Nagising ako dahil sa ingay at mga kalampag sa paligid. Teka-- Nasaan na ba ako? Mukhang... mukhang ito yung pinagdalhan sakin nung Sehun ba yon? At yung kanina... *sigh*

"Bumalik na siya." rinig kong sabi ng isang boses ng lalaki. Bumangon na ako sa pagkakahiga at naglakad palabas, hindi naman hassle dahil maliit lang naman ang lugar at iisang daan lang naman ang madadaanan ko.

"Mukhang... mukhang siya ang may gawa nun." sabi ni Sehun. Huh? Sino ba yung tinutukoy nila?

"Sino?" napalingon naman silang lahat sakin at napakaseryoso talaga nila. "W-wala." sagot ni Sehun, nauutal ba siya? Tss, mga sinungaling talaga. Hay! "Sino?" tumingin ako sa lalaking malaking mata at binigyan siya ng 'say-or-you'll-die' look.

"S-si--" hindi pa natatapos si tarsieboy, sumabat na si Sehun. "Si Sara." seryosong sabi niya sakin. "Let's go." buong awtoridad niyang sabi sa mga kampon niya. Bakas sa mga mukha nila ang pagkaseryoso, galit at takot. Halo-halo silang lahat. Palabas na silang lahat nang lingunin ako ni Sehun, "Stay here, wag kang aalis habang wala pa kami." nakakatakot niyang sabi sakin. "A-at pano kung ayoko?" hindi ko talaga alam kung san nanggaling lahat ng lakas ko para lumaban.

"Tss." Lumapit siya sakin at unti unting nagpalit ng kulay ang mata niya, unti unting lumitaw ang mga matutulis niyang pangil at... "stay here or you'll die." T-teka... A-ano? Papaanong?

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at nakatingin nalang sa kawalan. Ano yung narinig ko nang malapit niya akong kagatin? At b-bakit... bakit naririnig ko ang boses niya sa utak ko?

"Hindi ka pwedeng madamay dito, hindi pwede."

---

Sara's POV

Habang pumupunta ako sa meeting hall, kitang kita ko sa mga mukha nila ang gulat at the same saya... just like what I've expected. Sana lang... sana lang talaga hindi nagbago ang pakikitungo nila sa akin. Sana ako parin ang prinsesa para sa lahat at ako lang ang prinsesa niya. Malaki na ang pinagbago ng academy, sa itsura palang at ang estudyante iba na. Nabanggit rin sa akin ni auntie ang tungkol sa barriers, nahati na ang raw academy sa dalawa at ang huling sabi niya "watch them and you'll see." Ano na kayang nangyari?

Bumuntong hininga muna ako bago umakyat ng stage ng meeting hall, ibinigay ko sa kanila ang pinakamaganda kong mga ngiti. Gulat parin ang lahat sa pagbabalik ko, may ibang nakangiti at may ibang may masamang aura. "Surprised?" nginitian ko silang muli at nilibot ang tingin sa buong paligid. Napakalaki ng meeting hall, kasing laki ng isang pang-ordinaryong unibersidad, mas malaki pa ito kumpara sa field namin dahil dito... dito ginaganap ang lahat. Hinanap siya ng mga mata ko at ilang saglit lang ay nagtama na ang aming mga mata. Sobrang saya ang naramdaman ko, bumilis ang tibok ng puso ko. "I'm back." Gustong gusto ko na bumaba sa stage at tumakbo papunta sakanya para lang yakapin siya... gustong gusto ko humingi ng tawad sa kanya at magmakaawang bigyan pa ako ng pagkakataon, kaso... bakit ganun? B-bakit ganun siya makatingin sakin? Hindi ba siya masaya sa pagbabalik ko?

"Bakit pa siya bumalik?! Nakakainis naman." rinig kong sigaw ng isa sa mga babaeng nasa kanang bahagi ng meeting hall kung saan nandoon siya. Buong sistema ko ang nagulat nang marinig 'yon. Ang babaeng yon... siya ang dati kong bestfriend. Dapat naiintindihan niya ako... dapat pinapakinggan niya muna ako, P-pero bakit ganito?

"Ano bang problema mo sa kanya huh? Masyado kayong bitter dahil ano? Dahil mahina kayo at malakas siya! Tama, dahil mahi-- *pak*" sinampal siya ni Ven, ang dating bestfriend ko. Nakatingin lang ang lahat sa munting nilang palabas. "Wala kang alam!" sigaw pa ni Ven. Habang pinapanuod sila, winawarak ang puso ko. Ang dapat umiintindi sakin, bakit ngayon galit na sakin?

Wala... wala akong magawa, di ko kayang bumaba para pigilan sila. Galit sakin ang bestfriend ko...

Nagsimula na ring magkainitan ang kaliwa't kanan. Unti unting nagpalit ang kulay ng kanilang mga mata, iba iba base sa lebel nila at unti-unting lumilitaw ang matutulis nialng mga pangil. T-teka... bawal yon pag walang permiso ng nakatataas. B-bakit parang walang pumipigil sa kanila? Ano na bang nangyayari?

Habang pinagmamasdan sila, naiiyak at nasasaktan ako. Bakit nagkakaganito? Hindi ito ang inaasahan ko! Ito na ba yun? Ito na ba yung sinasabi ni auntie na "watch them and you'll see." ?

Napaluhod nalang ako at napayuko, di ko makaya. Di ko makayang tignan silang ganito... lalong lalo na't dahil iyon sa akin. Natatawa ako sa sarili ko, bakit ba hindi ito ang inaasahan ko? Bakit ba ako umaasa na pagbalik ko, ganun parin ang turing ng lahat sakin at niya.

"Hindi mo alam kung gaano kalaking problema ang ginawa mo. Sana... sana hindi ka nalang bumalik." mga salitang galing sakanya, at mga salitang... nagpabagsak sa akin.

Nagmute ang buong paligid at tanging ang mga huli niyang sinabi ang paulit-ulit na naririnig ko.

"Sana hindi ka nalang bumalik."

"Sana hindi ka nalang bumalik."

"Sana hindi ka nalang bumalik."

Para akong tinusok ng isang libong kutsilyo sa buong katawan, hindi ko makaya at matake lahat ng mga nangyari.

Bumalik ako para maging maayos ang lahat... pero hindi naging maayos ang resulta nito.

Ang bestfriend ko, nawala na sa akin. Pati ba naman ikaw Sehun, mawawala rin?

---

Sehun's POV

POOT AT GALIT yan ang namamayani sa puso ko ngayon. Nilason niya ako... nilason niya ako sa bagay na akala ko totoo. At dahil sa lasong yun, naging ganito ang buhay ko... ang buhay namin. Ano pa bang binabalik-balik niya dito? Saan pa siya nakahugot ng lakas para makabalik dito?

Isa lang siyang malaking problema!

"Tigilan niyo na 'to, wala ang lider nyo." kalamado ngunit buong awtoridad kong sabi sa myembro at kampon ni Kris. Papaalis na ako nang magsalita si Tao "Bakit Sen? Di ka ba masayang bumalik na ang prinsesa mo? Ang prinsesang iniwan ka't ipinag-- *boogsh*" Tss, prinsesa? Kalokohan!

Nakahandusay sa sahig si Tao habang ang mga kasama niya, tinutulungan siyang makatayo. "Let's go." sabi ko sa mga kagrupo ko at kampon ko. Nasa loob na kami nang hallway nang...

"Tss, lumagpas ka sa linya." sabi ko at maya-maya lang ay namilipit na siya sa sakit.

=-=-=-=-=-=-=-=

-Sea

Wolf AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon