13

2.1K 42 5
                                    

Ella's Pov



Ilang segundo kaming nanatili sa ganoong posisyon. Kakaiba ang naramdaman ko noong mga sandaling 'yon, para akong dinala sa ibang mundo... Para akong naOVERDOSE..



Unti unti niyang dinilat ang kanyang mga mata, Para akong binuhusan ng mainit na tubig nang marealize kung ano ang nangyari. Agad dumampi ang malutong kong sampal sa makinis niyang mukha. Ang kapal niya! May papikit pikit pa siyang nalalaman. >//< Alam kong pulang pula na ako ngayon kaya sinundan ko pa yung sampal na 'yon.



"Aww! Nakakadalawa ka na ha! Para san ba yun ha!?" sabi niya na parang walang nangyari. Taena, kapal talaga ng mukha! ╰(◣﹏◢)╯ GRRR.



"That's for shouting me." seryoso kong sabi at binigyan ng nakakamatay na tingin, yung tipong mamatay siya!



"So you like the kiss, huh?" sabi niya na may nakakalokong ngiti. >//< Nakakailan na siya ha! tss, akala niya tapos na yun? Pwes, nagkakamali siya.



*boogsh pak kabog* (sound effects)



"Aww! Whatdafck!" sabi niya habang hawak hawak ang mga binugbog kong parte ng katawan niya. Buti nalang malakas ako. Buti nga sakanya.



"Sinong may sabi sa'yong tapos na 'yon? Hah. Hindi pa sapat yan, jerk!" sabi ko sakanya habang nakabitch pose at dinuraan siya bago umalis. Kadiri man o madumi isipin, wala eh nagawa ko na at tama lang sakanya yun! Manyak (-__-) Anong akala niya sa'kin? some slutty bitch na available makiss at mabed everynight and day? Hah! In his dreams! ╰(◣﹏◢)╯



URGHHH! ╰(◣﹏◢)╯ Gusto ko ng magpalamon sa lupa! UGH bwesit bwesit! Hindi pa nga nagsisimula ang araw ko, nabwesit na'ko. Ano pa kaya mamaya? Tss.



Chanyeol's POV

"Anong pinaplano mo?" tanong ko kay Sehun. Kami nalang ang nandito sa SR, vacant naming anim pero ang iba nandoon lang sa canteen. Nakatingin lang ako ng seryoso sakanya habang siya naman nakangiti na parang aso. Tss

"Anong sinabi mo dyan?" nagtataka niyang tanong. Tss kunwari pa!



"Hindi mo kailangan magtago, kilala kita Sehun." seryoso ko paring tingin sakanya. Yeah, I'm always the childish, playful and happy-go-lucky in our group, pero ito... hindi 'to isang laro lang. Seryosong usapan 'to.



"Ano bang pinagbabanggit mo d'yan ha? Tss." nakangiti parin niyang sabi. Kilala ko si Sehun, sa likod ng mga ngiting 'yan, may nakatagong baho. Alam kong makakasama ito kay Ella at baka pati rin sa'min. Aish! Hindi ko na maintindihan ang sarili ko (>_<) Bakit ko ba iniisip lagi yung kapakanan ng babaeng 'yon? Tss. Siguro... dahil sa impormasyong nakalap ko. Sana dahil lang 'to sa nalaman ko... sana.

"Umayos ka Sehun." seryoso ko paring sabi at binigyan siya ng nakakamatay na tingin. Sa buong buhay ko, ito na yata ang pinakanagseryoso ako. At sisiguraduhin kong hindi mapupunta sa wala 'tong pagseseryoso ko. Duh, once in a lifetime lang 'to noh!

"Fine." itinaas niya ang dalawa niyang kamay bilang pagsuko. "Then?" at sinimulan niyang ikwento ang buong plano niya. Tss, hanggang ngayon nandoon parin ang galit niya sa kapatid niya. At gagawin niya ang lahat, makapaghiganti lang. Masyado siyang nilamon ng galit to the point na hindi na siya nakikinig sa iba. Noon, galit rin ako-- hindi mali, kami palang lahat sa kapatid niya.. pero sa tinagal ng panahon, napatawad ko rin siya. Pero wala, nag-iba na talaga ang mundo ngayon. Ang galit ni Sehun ay lumalalim ng lumalalim. Ang paghihiganti at galit ni Sehun ay magkaugnayng dahilan kung bakit nahati ang academy... at kung bakit kami nagkawatak-watak.


Pshh. -___- Naaalala ko nanaman yun. Tss


"Sehun, naiintindihan kong gusto mo kami--ang sarili mo ipaghiganti... pero Sehun h'wag siya, hindi kita hahayaang saktan siya at kung mangyari man, ako ang makakalaban mo. Kilalanin mo muna siya bago mo gawin ang balak mo dahil kung hindi, magsisisi ka sa huli." pagkatapos kong sabihin yun ay lumabas na'ko sa SR habang siya naiwang gulong-gulo sa mga sinabi ko. Gusto kong siya mismo ang makaalam nung nalaman ko. Bakit? Nakakatamad ikwento sa kanya ang lahat. Nag effort ako mageavesdrop at magtago tapos ikwekwento ko lang? Abah siniswerte naman yata siya. -__-



Christy's POV

"URGH SHIT! DAMN THAT STUP|D ANNOYING J3RK! YOU ASSH0LE, UGH BURN IN H3LL!" sigaw nanaman ni Ella. Kanina pa siya nasa CR at yan ang paulit-ulit kong naririnig sakanya, puro mura nalang at mukhang masama ang umaga -__- hayst. Kanina pa mainit ang ulo niyan, nagising nga ako sa pagkalampag niya ng pinto eh. Ano bang nangyari?

30 minutes na akong naghihintay sa labas ng CR pero hindi parin siya lumalabas. Tumigil na siya sa kakasigaw at mukhang nagpapatuyo na ito kaya kinatok ko na siya.



*tok*tok*



"Ella?" tawag ko sakanya pero wala akong natanggap na sagot, may naririnig lang akong mga parang ungol at...



"AHHH!"



"E-ella!?"



--

"Nagulat lang siguro ang sistema niya nang maka-tikim ng dugo." sabi ni Nurse Woodwell. Nandito kami ngayon sa loob ng clinic at nagpapahinga si Ella. Nagkasugat si Ella sa labi at mukhang doon nanggaling ang dugo na nasipsip niya... pero bakit ganoon ang naging reaksyon ng sistema niya? Kaunting dugo lang pero bakit mabilis nagreact ang sistema niya?

"Nurse Woodwell, paanong--"


"Paanong sa kaunting dugo lang ay nagising ang pagkabampira at pagkalobo niya?" tumango lang ako bilang pag sang ayon. "...ito ay dahil malapit na ang propesiya." umiwas siya ng tingin sa akin pero nakita ko... nakita kong nag-alab ang paningin niya habang sinasabi iyon. Kahit ako ay kinakabahan rin sa mangyayari.

"P-pero... may paraan pa namang mabago iyon diba?" nauutal kong tanong. Napatingin naman siya sa'kin. "S-sana nga Christy... sana nga." sabi niya saka tumingin sa taas at napikit.



Bakit ba kailangan pang mangyari masunod ang propesiyang 'yon?

--

Ella's POV

Nagising ako dahil sa isang malakas na ingay. UGH! Puro puti lang ang nakikita ko, teka--..



"Feeling better, dear?" nakangiting tanong niya sa'kin. Tumayo naman ang mga balahibo sa mga ngiting yon. Siya lang ang taong nakakapagbigay sa'kin ng ganoong reaksyon pag nakikita siya. Pero teka... anong ginagawa ko dito?



"Ano nanamang nangyari sakin?" tanong ko sakanya. Paulit ulit nalang akong napapadala dito. Tss! Ngumiti siya uli sakin... ang mga ngiting nakakatakot.



"Isa ka ng ganap na lobo, Ella." and right that that moment biglang nagswitch ang mood niya into caring ang loving aunt at niyakap niya ako. Oooookay? What's happening? Wait.. sinabi niya bang isa na akong ganap na lobo?



"What do you mean?" kunot noo kong tanong sakanya. Hindi ko parin maintindihan. Akala ko ba--



Tinuro niya ang labi ko at naalala nanaman yung nangyari kanina! UGH >__< Kaya habang naliligo ako talagang kinuskos ko ang labi ko ng todo ang labi ko para mawala yung marka niya dun at--



Nakaramdam naman ako bigla ng pagbabago sa katawan ko... parang may kumikiliti at mainit sa loob ko. Parang hindi na ako tao, parang nagbabago ang buong katawan ko.





"Nagising na ang lobo mo Ella. Nagising na siya." nakangiti niyang sabi sa'kin.



=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

-Sea

Wolf AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon