20
"Theo..."
"We meet again, Nuhe."
Hindi ako makapaniwala, wala na si Theo. Wala na siya!
"Bakit... P-paanong nabuhay ka?" tanong ko, garalgal narin ang boses ko. Hindi maaaring buhay siya, matagal nang patay si Theo. Kahit anong immortal na patay na at idinala rito, kailanma'y hindi na ito mabubuhay.
Imbis na sagutin ang tanong ko ay tinawanan niya lang ako, katulad ng tawa niya noong mga bata pa kami, napakainosente. Diretso ang tingin ko sa mga mata niya, wala akong mabasa... blanko ang isip niya. Inikutan niya lang ako na tila ba'y sinusuri. "Bakit buhay ka?" mariin kong tanong, hindi pinapakita ang takot at panlalambot sa puso ko.
Muli ay tinawanan niya lang ako, ang mga inosente't magaganda niyang tawa, parang isang musika sa pandinig. Kailan ko ba ito huling narinig? Sampung taon? Labinlima? Matagal na... Nagsusukatan lang kami ng tingin hanggang sa ang tawa niya'y napalitan ng isang kakila-kilabot na tawa.
"Nuhe, hindi mo ba nagustuhan ang pagbabalik ko?" sambit niya ng may diin, ramdam ko sa pananalita niya ang galit, poot at sakit. Naiintindihan ko...
"P-pero h-hindi ka na dapat buhay!" sagot ko. (hindi ko maimagine si sehunnie dito. huehue)
"Bakit Nuhe? Takot ka bang malaman nila na ikaw ang pumatay saak--" bago pa man niya tapusin ang susunod niyang sasabihin ay inunahan ko na siya. "Aksidente ang lahat." sagot ko.
"Hindi nuhe, hindi lang aksiden--"
At bago ko pa malaman ang nangyari ay hawak hawak ko na siya at sinasakal. Hindi maaari 'to, hindi... ginagawa ko nanaman yung dati.
--
ELLA's POV
"Grrrr!" inis kong binato ang mga librong nasa mesa sa library. Tss, walang kwenta! Pangalawang araw na ng paghahanap ko sa librong hindi ko alam kung saan hahanapin at hanggang ngayon kahit katiting wala akong makuha.
"Bakit di nalang niya kasi sabihin lahat? Tss." bulong ko sa sarili ko. Buong araw nakong naghahanap ng lecheng librong yun pero wala! "Ella, kumain ka muna." alok sa akin ni Christy pero hindi ko lang siya pinansin. Urgh, saan ko ba mahahanap 'yong librong yun?!
Iniwan ko si Christy sa inuupuan namin at naghanap ng posibleng libro. Tss, bakit ba kasi sa lahat ng pwedeng ipahanap eh libro pa? Fairytale lang? Grr.
Naglalakad ako sa dulong part ng library nang makakita ako ng isang lovestory book. nasa mataas itong parte kaya pilit ko itong inaabot kaso nahulog ito at sabay ng pagkahulog nito ang pagkahulog ko -__-
Nakabuklat ang libro nang makita ko ito at kung pinaglalaruan ka ba naman ng tadhana, naghahalikan ang prinsipe at prinsesa. Pangbatang libro -__- naaalala ko tuloy ang nangyari kahapon. Tss, /iling/ Ano bang nangyayari sa akin? Wala lang naman si Kris para sa'kin. Bakit ba ako nagkakaganito? -__- ang korny.
Ibabalik ko na sana ang libro nang lumiwanag ang kwintas ko. H-huh?
Hindi ko na itinuloy ang pagbabalik sa libro at kusang dinala ito sa upuan namin kung saan samu't saring libro ang naroon. "Ella, aalis muna ako." pagpapaalam ni Christy at mabilis na umalis? Saan nanaman siya papunta? Hayst, mabuti narin iyon para walang iistorbo.
BINABASA MO ANG
Wolf Academy
WerewolfE X O FANFIC, Tagalog, Werewolf, Vampire, Mystery/Thriller Meet Ella Kingsley, ang palaban at hardheaded nating bida na may boring na buhay na magugulo dahil sa kanyang paglipat niya sa isang ekstraordinaryong eskwelahan na may hindi pangkaraniwang...