7

3.1K 74 9
                                        

*Kris Side*

Kris POV

(scene sa chapter 5 and 6)

"Kuyaaaaa! Please pumayag kana? Eng gende gende kesi ng wolf me eh." pagpipilit pa ni Trish sakin habang hila hila ang damit ko. Tss, bakit ba kasi nagkaroon pa ako ng kambal na babae? Tss! Pwede namang lalaki nalang. Hayst! Hanggang ngayon hindi niya parin ako tinitigilan. Gustong gusto niya ipinta ang wolf ko, kahit na kambal kami, mas maganda ang wolf ko kaysa sa kanya, syempre gwapo eh.

Tumayo nalang ako at lumakad papalabas. Alangang doon lang ako? Pag doon lang ako, pipilitin lang ako ng ever-childish kong kapatid. Hay!

"Kuyaaaa! Wait for meeee... Ang damot damot mo talaga! Ang sungit pa." pagmamaktol niya habang hinahabol ako. Tss hindi naman ako maabutan niyan eh. Kumpara kasi sa kanya, mas malakas at mas mabilis ako kaya nga sa aming dalawa, sa akin mapupunta ang trono para maging alpha kung sakaling ayaw na ni ama o nahanap ko na ang nakatakda para sa akin.

Nakapasok na akong canteen pero hindi parin siya tumitigil. Tss, ganoon na ba siya ka-desidido sa pagpinta ng wolf ko? Hay, babae nga naman.

Sa paglalakad ko, nahagip ng mata ko si Ella, siya lang mag-isa. Asan na ang taga-protekta niya? Nakakapagtakang wala siya sa tabi ni Ella. Aish! Bakit ko ba hinahanap 'yon? (-___-)

Lumakad ako papalapit sa kanya nang tinawag nanaman ako ni Trish. "Kris!" Tss. Kailan niya ba ako planong tigilan? Hayst.

Hindi ko nalang pinansin ang pagtawag sa akin ni Trish at tinignan si Ella, mata-sa-mata. Hahahaha, bukas na bukas ang isip niya na kahit sino pwedeng bumasa nito. Sabagay, wala pa sa kalahati ang alam niya sa mundong pinasok niya. Si Nurse Woodwell kasi eh, tss!

Habang binabasa ko ang isip niya, parang gusto bumigay ng utak ko... sobrang dami niyang tanong at nilalabanan ng isip niya ang isip ko. Bakit napakalakas niya kahit isa siyang virgin wolf? Hindi kaya... siya ang nawawalang anak ng taksil? Biglang napatigil ang pagbabasa ko ng kanyang isip ng bigla itong nagsarado. Paanong? at kitang kita ko sakanya ang kaba... at takot. Hindi ko akalaing ang isang 'to may takot? Bigla naman akong napangiti nang maalala ko ang isang tanong niya kanina.

"Curiousity killed the cat, babe." sabi ko at nginitian siya ng nakakaloko. Kita sa mukha niya ang pagkabigla at pagkainis.

"Babe?" Ay shoot! Nakalimutan kong nasa likod ko lang pala si Trish. (-___-) Tss, Sigurado akong iiyak na 'to in...

1...

2...

WHAT THE?

Lumakad sa gitna namin si Ella kaya napalingon na ako, hindi na maipinta ang mukha ni Trish. Tss, I'm on big trouble -_- Tapos heto pa si Ella.. magtatatalak na naman 'to in

1...

"Babe, diba ihahatid mo pa ako sa class ko?" DAFQ? Sineryoso niya talaga 'yon? Lahat ng tao sa canteen, napanganga sa sinabi ni Ella. Kahit ako di makapaniwala sa kanya. Si Trish naman halata ang pagkagulat at unti nalang ay iiyak na. Nako po! Hindi pwede... "Oh 8:00 na babe, halika na?" sabi pa ni Ella na may ngiting pang-asar. Dahck? Ano bang nasa utak niya? Kung hindi lang nakasarado utak niya. Tss! Hindi niya ba alam na nasa malaking gulo siya?! Damn, this girl! Binigyan ko naman siya ng tingin ng sobrang pagkairita... Heck, sobrang hirap patahanin ni Trish and that babe thingy? Fockinsht!

Maya maya, umiyak na si Trish. Tss! Mamaya ka lang Ella Kingsley, pagbabayaran mo lahat ng ginawa mo. Aish! "Nakakainis ka! Nakakainis ka talaga Kris, huhuhu." tss! Hindi ko na alam kung paano pa patahanin 'tong si Trish. That girl!  I'll make sure, she'll pay for this. Napa-tsk nalang ako at nilapitan si Trish, "Stop crying, Trish." at niyakap ko siya. Lahat ng tao sa canteen, tahimik lang at nakatutok sa munting palabas na sinimulan ni Ella.

Wolf AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon