19

1.3K 30 6
                                    

Sehun's POV

Nakikita ko ang sarili kong naglalakad papuntang rooftop ng Luna Bldg., parang nangyari na 'to dati.

Sinundan ko lang ang sarili kong naglalakad habang paulit-ulit nitong sinasambit ang mga katagang 'Sara, will you be my princess?'

Tama, nangyari na nga ito.

Saulong-saulo ko pa ang buong pangyayaring ito, ito ang pangyayaring na sumira sa akin... ang pangyayaring gustong gusto ko ng burahin sa alaala ko.

Patuloy ko paring sinundan ang sarili ko, malapit na siyang makarating sa roofpark.

"Sandali..." sambit ko, gusto kong pigilan ang sarili ko, para di na maulit muli ang sakit... ang pangyayaring 'yon. Unti-unting lumingon ang sarili ko sa kinaroroonan ko, "Oh bakit Lia?" nilingon ko ang likuran ko at nakita ko si Lia.

Lia...

"S-sehun, h-hwag mo ng ituloy, p-please." naiiyak na sambit ni Lia. Ang pangyayaring 'to...

"Lia, ano ba ang sinasabi mo?" sigaw ng sarili ko. Gusto ko sanang sigawan ang sarili ko dahil sa pagsigaw niya kay Lia pero walang lumabas na salita sa bibig ko. Tss, ano bang magagawa ko? Ito ang ginawa ko noon, ito ang nangyari.

"S-sehun... p-please ako nalang." tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Lia. Shit!

"Lia... hindi kita mahal." seryosong sambit ng sarili ko habang nakakuyom ang kamao. Gusto kong suntukin ang sarili ko pero hindi ako makagalaw, para lang akong statwa na nanunuod ng isang drama.

Alalang alala ko pa ang pangyayaring 'to... ang pangyayaring akala ko'y binaon ko na.

"S-sehun... p-please." lumuhod si Lia sa harap ng sarili ko at niyakap ang tuhod nito. Kitang kita ko na nasasaktan na siya pero nagpapakamanhid lang siya, dahil mas inuuna niya ang sarili ko... inuuna niya ang sigaw ng puso niya.

Lia...

"Bumitaw kana, Lia... hinding hindi ko masusuklian yang pagmamahal mo. Hanggang magkaibigan lang tayo." pinilit alisin ng sarili ko ang pagkakayakap ni Lia pero nabigo ang sarili ko, mas lalo pang hinigpitan ni Lia ang pagkakayakap niya sa sarili ko.

"S-sehun... h-hinding hindi ako bibitaw, h-hindi kita papayagang masaktan. S-sehun, please." patuloy parin ang pag-agos ng luha niya habang sinasabi ang mga iyon. Habang pinapanuod ang pangyayaring ito, nasasaktan ako...

Lia... bakit mo pa ba ako pinigilan?

"ANO BA LIA! Diba mahal moko? Payagan mokong maging masaya! Hinihintay na'ko ni Sara!" naiiritang sabi ng sarili ko at buong lakas na inalis ang pagkakayakap ni Lia at naglakad na muli papunta sa roofpark, papunta kay Sara. Pero hindi parin sumuko si Lia... Hinabol niya ang sarili ko at niyakap sa likod. Hindi, hindi na dapat niya ginawa iyon.

Pinikit ko ang aking mga mata at tinakpan ang aking tenga, ayoko na... ayokong makita muli ang pangyayaring 'yon. Pero kahit anong takip ko sa dalawa kong mata't tainga, pinapaalala parin ng utak ko ang mga sumunod na mangyari.

"H-hindi, S-sehun. H-hinding hindi ako bibitaw, H-hinding hindi ko hahayaang masaktan ka... mamatay man ako." Lia... itigil mo na.

"Mamatay ka man, wala akong pakealam! Mas mabuti nga 'yon eh, nang bumitaw kana." sabi ng sarili ko na puno na ng galit. Habang si Lia... unti-unti nang bumibitaw.

H'wag Lia...

"K-kung 'yon ang gusto m-mo..."

Lia...

Mabilis ang tibok ng puso ko nang magising ako. Isang pana-hindi, isang bangungot... Isang bangungot sa nakaraan.

Ang bangungot kung saan pinilit niya akong niligtas sa isang kumunoy, pero nabigo siya.

Nakaramdam ako ng kung anong tubig sa gilid ng mga mata ko. Si Lia...

Bakit pa kasi kailangang mangyari 'yon? B-bakit kailangan pang ganoon ang mangyari?

Lia, bakit ako pa?

-

Mabilis kong iniayos ang sarili ko at pumitas ng mga black dahlias, her favorite.

"Sen, san punta mo?" tanong ni Suho na kakagising lang.

"Westoure." maikling sagot ko at bago pa man siya makabitaw ng salita ay agad ko ng nilisan Secret Place.

Westoure

Madilim ang paligid at punong puno ng nakakatakot na elemento, yan ang paglalarawan sa Westoure... ang libingan ng mga immortal. Ito ang lugar kung saan kahit anong immortal na nilalang ay pwedeng ilibing. Dito rin sa lugar na ito inililibing ang mga taksil na pinatay gamit ang sword ni Tania... ang bukod-tanging espada na kayang tumapos sa pagiging immortal namin. Totoong habangbuhay mamalagi sa mundong ito ang immortal na tulad ko, pero hindi ibig sabihin noon ay hindi narin magtatapos ang buhay namin. Ang kamay lang ng Alpha at ang espada ni Tania ang kayang magtapos ng aming buhay, wala ng iba.

Agad kong tinungo ang pinakamalaking arko sa buong Westoure, ang pinakabukod-tanging libingan sa Westoure.

Kahit na umaga ay madilim sa Westoure, sapagka't nasa loob ito ng isang kweba, malaking kweba. Nasa likod lang ito ng academy at di kalayuan ngunit may batong nakaharang dito. Kailangan munang mabuksan muna ang bato which serves as the gate bago makapasok rito. (Ito yung mystery sa likod ng bato na napuntahan ni Ella, chapter 6)

Liaxendria Feya Westoure

Nakakamangha parin ang pinakabukod-tanging libingang ginawa para lamang sakanya. Isa siyang Westoure kaya hindi mapagkakailang espesyal siya, napakaespesyal.

Inilapag ko sa tapat ng libingan niya ang mga bulaklak.

"Liaxendria Feya Westoure" binasa ko ang natatanging sulat sa kanyang libingan. Hinawakan ko ito at hindi ko namalayang may tumulong luha sa kaliwa kong mata. Agad ko itong pinunasan at tumayo na. Tinitigan kong muli ang kanyang libingan. Pansin kong may nagmamasid sa akin pero hindi ko na iyon pinansin.

"Lia..."

Lumuhod ako sa tapat ng kanyang libingan. Ramdam ko talaga ang presinsya ng isang bampira, "Tss, lumabas ka na sa pinagtataguan mo." tumayo na ako at lumingon sa kabilang gilid at hinihintay siyang lumabas.

"Theo..."

"We meet again, Nuhe."

--

-Sea

Wolf AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon