15

1.9K 45 6
                                    

Sehun's POV

"And I will try to fix you~"

Nagulat ako sa ginawa niyang pagyakap sa'kin... hindi ko inaasahan 'to. Nararamdaman ko ang mga luha niya sa damit ko. Anong gagawin ko? Akala ko pag kumanta ako, magiging okay na pakiramdam niya pero bakit parang hindi? Nakakataranta! Jonginabells! hindi ako marunong magpatahan ng babae!

"Sshh... wag ka nang umiyak, nandito lang ako para sa'yo." sabi ko at niyakap siya. Ano daw? Nandito lang ako para sa'yo? Tss, nababaliw na yata ako! Hindi ko din kasi alam kung anong sasabihin ko, nauubusan na ako ng mga salita. Tss, sana lang tumahan na siya rito at sana hindi niya ako black-eyean dahil sa pagyakap ko, amazona pa naman 'tong babaeng to!

"H'wag kang aalis ah, dito ka lang ah?" sabi niya na may maamong boses, malayong malayo sa nakilala kong siya. Parang... parang nanlalambot ako dahil sa boses niya, "Oo, hindi kita iiwan, dito lang ako." hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ko nasabi 'yon, ang alam ko lang... gusto ko siyang alagaan.

Nanatili lang kami sa ganoong posisyon, tahimik siyang umiiyak. Damang dama ko sakanya ang sakit, galit at pighati, gustong gusto ko siyang alagaan. Pero... di pwede. "Pwede bang magtanong?" tanong ko. Okay, nagtatanong nako, gusto ko lang malaman kung pumapayag siya. Malay nyo back to amazona mode nanaman siya?

Tahimik parin ang paligid at di siya nasagot. Tinignan ko siya... tulog na siya.

Napaka-amo ng mukha niya habang natutulog. Naalala ko nanaman ang sinabi niya sakin kanina...

"H'wag kang aalis ah, dito ka lang ah?"

"H'wag kang aalis ah, dito ka lang ah?"

"H'wag kang aalis ah, dito ka lang ah?"

Hindi ko talaga aakalaing sasabihin niya yun. Isang Ella Kingsley? Gusto ko sana siyang tawanan dahil sawakas umiyak siya at nagmakaawa pang h'wag kong iwan pero mali... maling mali. Nang makita ko siyang nasasaktan at umiiyak, gusto ko siyang alagaan at pasayahin. Nararamdaman ko... Nararamdaman ko ang sarili ko sakanya. Matapang at Bato, yan ang karaniwang nilalarawan samin, hanggang dun lang. Matapang at Bato kami pero mayroon... mayroon talagang isang bagay na nakakapagpabagsak samin. Tuwing naalala ko ang maamo niyang mukha na binabalot ng mga luha, nakokonsensya ako. Kaya ko pa kayang maisakatuparan ang mga plano ko? Tss, hindi pwede to. Di maaari to.

Kailangan kong pigilan tong konsensya ko, hindi dapat ako makonsensya. Kailangan kong matupad ang mga plano ko.

---

Kris POV

Pangatlong subject na namin ngayon pero hindi parin pumapasok si Ella. Tss, asan na ba ang babaeng yun?! TEKA, BAKIT KO BA HINAHANAP YUN?! Aish! ب_ب



*ring*


Kakaring palang ng bell, nauna nako lumabas ng room namin at hinanap yung babaeng yon. Tss! Asan na ba kasi yun? Simula noong nangyari kaninang umaga hindi na siya nagpakita! Masyado niya kayang dinamdam yung halik na yun? Lintek na babaeng yun >_<

Patungo akong canteen nang makasalubong ko si Christy na parang wala sa sarili. "Christy, asan na yung btch na yon?" halos nakasigaw ko ng tanong sakanya pero hindi parin siya sumasagot, tulala lang siya at nakatingin sa kawalan. "Christy!" sigaw ko habang inaalog alog siya. Para na akong desperado sa paghahanap sa babaeng yun, malakas ang kutob ko na nawawala na naman siya. Ang tigas talaga ng ulo nun! Tss.

"H-huh?" nauutal niyang sabi. "Asan na siya?!" para akong nadedepress, baka kasi mamaya... baka--. Aish! "H-hindi ko--" hindi pa siya tapos tumakbo nako sa kung saan at hinanap siya sa kung saan saan. Hindi ko na alam ang nangyayari sakin!



Wolf AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon