11

2.5K 49 5
                                    

Alpha's POV



"Nakuha niyo na?" tanong ko kay Dex, isa sa mga naatasang hanapin ang prinsesa.



"H-hindi pa, mahal na hari." nakayuko niyang sagot.



Lumapit ako sakanya, nagpalit sa kulay pula ang aking mga mata ko at ilang saglit lang ay wala na siyang buhay. Pinatay ko siya gamit ang matutulis at mababagsik kong mga pangil. Tss, walang kwenta! At ang mga walang kwenta? wala ng saysay pa para mabuhay sila ng daan-daang taon. Sayang lang ang ipinagkaloob sa aming daang taon kung hindi magagamit ng tama.



"H-hari... M-maghahanap na po ba kami ng kapalit sa paghahanap?" tanong pa ng isa ring walang kwenta.



"Hindi."





"Pero--"



"Puro mga walang kwenta ang mga ipinapalit n'yo! Puro mga walang silbi."



"P-pero... sila na po ang pinakamagaling naming--"



"Hah! Tingin n'yo ba magagaling na ang pinapadala niyo?" kinwelyuhan ko ang kausap kong isa sa mga naatasang mamahala sa paghahanap at handa ng bawian ang kanyang buhay.


"M-mahal n-na h-hari..."



"Any last words?" nakangisi kong tanong sakanya.



"M-maha--"



Kikitilin ko na sana ang buhay n'ya nang dumating ang pinakahinihintay kong bisita.



"Ama!"



"Mahal kong anak." lumapit ako sakanya upang yakapin siya ngunit umiwas siya. Tss, hindi na nagbago.



"Anong kailangan n'yo?" walang ka-emo-emosyon niyang sagot. Napangisi naman ako sa inakto niya.



"Ikaw." sabi ko sakanya na may nakakalokong ngiti.





"Ano?! Diretsuhin mo na nga. Tss!"



"Kailangan kita" hindi ko parin inaalis ang nakakalokong ngiti sa aking mukha at tumungo sa aking trono. "Kailangan kita... upang hanapin ang prinsesa."

Kris POV

"Kailangan kita" sabi niya habang tumutungo sa kanyang trono. Hindi parin naalis sa mukha niya ang nakakalokong ngiti. Simula pa man nang pinanganak ako, hindi ko na gusto ang taong 'to at hinding hindi ko magugustuhan ang taong 'to. Ni hindi ko nga ginusto na maging anak ng isang sakim at walang pusong nilalang.



"Kailangan kita... upang hanapin ang prinsesa."



Teka... ANO!?



"Ano bang pinagsasabi mo d'yan?!" hindi ko na napigilang lumabas ang angas ko. Tss, hindi siya ama para sakin... at kahit kelan hinding hindi siya magiging ama sa paningin ko.



Imbis na sagutin ang tanong ko, tumawa lang siya ng malakas. Yung tawang nang-aasar, nangungutya at sakim. Tss!



"Bakit? Hindi mo ba kaya?" sabi niya ng may pangungutyang tono. Anong akala niya sakin? Lampa katulad niya? Palibhasa siya ang nakatataas sa lahat.



"Hindi ako katulad mo." unti unti ko ng kinuyom ang kamao ko at unti unting nagbabago ang kulay ng mga mata ko. Mabilis akong madala at magalit... lalo na sa taong pinakaiinisan ko.



Wolf AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon