KAREN'S POV
It's been 3 weeks na rin akong nagpaparactice ng swimming. Si Jenny naman busy din sa pagpractice ng cheerdance idagdag mo pa yung hinihinging pabor ni Mrs. Maniego. Hay!!!
And 3 weeks rin ako hindi ginugulo nong kumag na yun.
SALAMAT NAMAN!
Well, andito pala ako sa Mr. Cappuccino Coffee Bar. Nagpapart time ako oara makatulong nina nanay at ito ang unang gabi ko.
TING! (tunog ng bell kung may magbubukas o magsisirado dito sa bar.)
Ito ang pinakauna kong customer kaya gagalingan ko.
"Good evening po sir! Ano pong order niyo?"
"Isang black coffee" sabi nong matanda.
"Okey sir! One black coffee coming up!"
Dali-dali akong pumunta sa counter at nagtimpla na kape. Pagkatapos dumiretso na ako sa mesa nong matanda.
"Here sir! Enjoy drinking!''
"Alam mo ija parang may kamukha ka." sabi nong matanda. Ako naman nakangiti lang sa kanya.
"at ang ganda mo." patuloy pa niya.
"Thank you po sa compliment.... Sige po balik na po ako sa pwesto ko."
Tumango lang siya.
-----
Tapos na ang duty ko kaya umuwi na agad ako ng bahay. Habang papalapit na ako sa bahay namin may na kita akong isang kotse na nakaparada sa harap ng bahay namin.
KANINO NAMAN KAYA YUN?
"ANDITO NA PO AKO!"
Bumungad sa akin ang mukha nong matanda na bumili ng kape kanina sa coffee bar.
"Magandang gabi po! Pasensya po kayo sa pagsigaw ko di ko po alam may bisita pala tayo nay.'' paghingi ko ng paumanhin.
"Ikaw na ba ang apo ko?" sabi nong matandang lalaki
''Po!''
"Papa siya po si Karen.'' sabi ni nanay
LOLO KO SIYA?
''Apo ang laki mo na... Sa wakas nahanap ko na kayo." -lolo
Nagpalit-palit ako ng tingin nina nanay at... Lolo. Bigla ko siyang niyakap. Ngayon lang kaya kami nagkakita. Marami-rami din kaming napagkwentuhan ni Lolo. Walang paglagyan ang kasiyahan ko ngayon. Medyo malalim na rin ang gabi kaya nagpasyahan na ni lolo na umuwi. Inihatid namin siya ni nanay hanggang sa labas.
"Oh siya! magpapaalam na ako sa inyo." lolo
"Mag-ingat po kayo lolo." ako
"Oo ija... Tina yung pinag-usapan natin wag mong kalimutan sabihin kay George." lolo
"Oo po papa!'' nanay
Pag-alis ng kotse ni lolo pumasok na rin ako sa loob at si nanay hinatid pa niya ng tingin ang kotse ni lolo na papalayo.
TINA'S POV
Nang nasa malayo na ang kotse ni papa pumasok na ako at naupo sa sofa. Si Karen naman umakyat na sa taas. Pagod na pagod siguro sa pagtatrabaho. Kawawa naman ang anak ko kailangan pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho.
FLASHBACK:
"Alam kong marami akong pagkukulang sayo, sa inyo. Gusto ko lumipat na kayo dun sa mansyon. Matanda na ako Tina gusto ko makasama kayo lalong-lalo na yung apo ko. Sabihan mo si George kaagad para ma trained ko siya sa pagpapalakad ng kompanya." sabi ni papa.
Napaiyak lang ako sa mga sinabi niya. Kay tagal ko na itong pinapangarap ang matanggap si George ng papa kahit hindi niya direktang sinabi, pero sa nakikita ko unting-unti na niyang natatanggap si George.
END OF FLASHBACK:
"Nandito na ako!''
Kapapasok lang ni George galing sa paghahanap ng trabaho.
"Kumusta na?''
"Eto wala pa ring nakitang trabaho." sabi ni George sabay kuha ng tubig sa ref.
"George pumunta dito si papa kanina."
"Ano ang pinunta niya rito?" gulat na tanong ni George. "Nagkita na ba sila ni Karen?'' patuloy niya.
"Oo. Tuwang-tuwa nga yung anak mo... George pinapalipat niya tayo sa mansyon."
"Tanggap na ba niya ako?'' tanong ni George na may halong ngiti sa kanyang labi
"Parang ganun na nga George. Sabi pa nga niya na e titrained ka pagpapalakad ng kompanya.''
"Totoo ba yan Tina?''
Tumango na ako sa kanya. Dininig na rin ang panalangin namin ni George na matanggap siya ni papa. Kaya napagpasyahan namin na sa susunod na linggo kami lilipat sa mansyon ni papa.
----------------------------------------------------------------------------------------------------
PASENSYA KUNG NGAYON LANG PO ULIT AKO NAKAPAG-UPDATE.
WAG NIYO PONG KALIMUTAN MAGVOTE AT MAGCOMMENT :)
THANK YOU!
GOD BLESS!
-deekee
![](https://img.wattpad.com/cover/16024880-288-k685344.jpg)
BINABASA MO ANG
MY WORST ENEMY TURNS MY GREATEST LOVE (Completed)
RomanceWhat will you do if your life is almost perfect eventhough your not rich, then one day you found out that your getting married and the worst thing is your marrying your worst enemy. Will they fall in love for each other or will stay enemy forever? ...