CHAPTER 22: NEW STUDENT

6.5K 140 4
                                    

MIKO'S POV

Monday na naman at may pasok na naman kami ni Karen. Gaya no'ng una sabay kami papuntang University at bababa sa di kalayuan para iwas isyu.

"Dito na lang ako." bumaba na siya at nagsimulang maglakad. Nagdrive na ako ulit at nilagpasan siya. Pagdating ko sa University, sa department namin nagkakagulo sa labas ng Faculty namin.

"Ang gwapo nong transferee. Saang section kaya siya?"

"Sana ka klase natin siya para meron naman tayong inspirasyon."

Mga babae talaga mahilig sa gwapo. Ehem! Gwapo din naman ako.

"Diba Charles ang pangalan nun. Nagtatrabaho sa Mr. Cappucino." Mr. Cappucino? Dun din nagtatrabaho si Karen malamang magkakilala sila.

"Oo nga. Balita ko pa nga puno ang Mr. Cappucino kapag silang dalawang ni Karen ang tuka."

"Lovers kaya sila?" Napatigil ako sa paglalakad. LOVERS? Hindi pwede yun nasa rules namin na no relationship with others.

(Yan ba talaga ang dahilan?) Isa nalang papatayin ko na tong konsensiya ko.

"Hindi sila lovers noh! Magkaibigan lang sila sabi nong kasamahan nilang bakla si Carla." Hindi talaga sila magiging lovers dahil kasal na kami ni Karen. Makapunta na nga sa classroom. Naabalidbaran na ako sa mga naririnig ko. Pagdating ko sa classroom nandun na si Karen kausap si Jenny. Umupo na ako sa tabi ni Karen. Sakto namang dumating na yung teacher namin.

"Good morning class before we proceed our discussion. I would like to introduce to you Mr. Charles Vasquez transferee from St. Benedict College." Pumasok ang isang lalaki.

"Good morning everyone I'm Charles hope we can be friends." Nagtilian naman yung mga babae maliban kina Jenny at Karen.

"Enough girls! Charles you may now sit beside Ms. Dela Fuente right there." Tinuro ni Mr. Bautista ang bakanteng upuan sa tabi ni Karen. Kabanas tabi pa sila.

KAREN'S POV

Sa wakas break na rin gutom na ako. Sabay kaming apat maglalunch ako, si Charles, si Jenny at si Levi. Magpinsan pala tong si Charles at Levi.

Sa Canteen...

Sina Levi at Charles na ang bumili ng pagkain namin.

"Haba ng hair mo bessy..."

"Huh? Bakit?"

"Kanina pa tayo este kayong dalawa ni Charles pinagtitinginan ng mga estudyante dito."

"Hindi naman bessy." Dumating na sina Levi at Charles dala yung pagkain namin. Biglang dumating si Miko na may dalang tray. Kumakin pa la ang ugok na to ng pagkain dito sa canteen?

"Excuse me pwedeng umupo?" Paano pa kami makakatanggi eh nakaupo na siya sa harap ko. Ganito ang set up.

Levi Charles

MY WORST ENEMY TURNS MY GREATEST LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon