CHAPTER 49:

4.6K 87 2
                                    

MIKO'S POV

Nagpapasalamat ako sa diyos na binigyan niya ako ng malusog na baby at bunos na rin na lalaki. Gusto ko talaga na lalaki ang unang magiging anak ko.

Bigla akong nalungkot ng maalala ko si Karen. Ano na lang ang sasabihin ko? Mahal na mahal ko siya at ayaw kong mawala siya sa akin.

"Baby, may problema ba?" tanong sa akin ni Vania. Kasalukuyan kaming naglalunch ngayon.

"Wala." tipid kong sagot sa kanya.

"Asawa mo ba? Hiwalayan mo na kasi siya at magpakasal na tayo. Tingnan mo magkakababy na tayo." Sabay himas sa tiyan niya.

"Pwede ba Vania. Hindi ko gagawin yun. Mahal na mahal ko ang asawa ko at ang baby'ng yan pananagutan ko pa rin." Bigla na lang napataas ang boses ko dahilan ng napatingin sa amin ang lahat ng tao sa resturant.

"Easy. Nagsasuggest lang naman." Pa cool niyang sabi. Kung hindi lang talaga to buntis matagal na tong natamaan sa akin.

"Bilisan mo na diyan. Ihahatid na kita." yun na lang ang nasabi ko sa kanya.

Pagkatapos ko siyang ihatid, dumiretso na ako ng uwi. Namiss ko na agad ang bee ko. Pagkapasok ko sa bahay hinanap agad ng mata ko si bee.

"Bee, nandito na ako." Wala namang sumagot. Asan na kaya yun? Umakyat ako sa kwarto namin. Agad akong kinutuban ng hindi maganda. Sa di malamang kadahilanan binuksan ko ang cabinet namin at.... wala na nga dun ang mga damit niya.

NO! HINDI NIYA AKO INIWAN.

Baka naman nilabhan lang niya yung mga damit niya... Lumabas ako ng bahay baka nagsasampay yun ng mga damit na nilabhan niya pero wala din siya dun.

Bumalik ako sa kwarto namin at nakita ko ang isang sulat na nasa side table ng kama namin. Binuksan ko ito at binasa...

Miko,

I'm leaving. Pagod na akong magpanggap na mahal na mahal kita na ang totoo niyan hindi naman talaga kita mahal. Bukas pupunta diyan ang abogado ko dala ang annulment papers. Wag mo na sanang patagalin to.

Karen

Bigla na lang bumagsak ang mga luha ko na kanina pa nagbabadyang pumutak. Hindi to totoo. Ramdam na ramdam ko na mahal na mahal ako ni Karen. Nagsisinungaling lang siya sa sulat.

Tinawagan ko siya pero di ko makontak. Tinawagan ko na rin ang mga kaibigan niya pati si Jenny peri hindi din nila alam kong nasan si Karen.

BEE, PLEASE WAG MO AKONG IWAN!

Nagpunta ako sa bar counter ng bahay namin. Iinum lang ako ng konti baka magalit pa si Karen sa akin pagbalik niya. Hindi ko namalayan na naparami na pala ang inum ko at nakatulog...

-----

Kinabukasan....

Ding... dong... ding... dong...

Ano ba yan ang aga-aga? Sino kaya yan?

Ding... dong... ding... dong...

Nagising ang diwa ko. Baka si Karen yang nagdoorbell. Agad akong tumayo at inayos ang sarili. Patakbo akong pumunta sa gate at ng buksan ko... Ang excited kong mukha ay napalitan ng kaba. Nandito ang abogado ni Karen.

"Good morning Mr. Santillan." sabi nong abogado.

"Good morning. Pasok kayo." sabi ko. Nauna na akong pumasok sa loob at sumunod naman siya. Naupo kaming dalaqa sa sala.

"Hindi na ako pagpaligoy-ligoy pa Mr. Santillan. My client wants you to sign this papers." sabay abot sa akin nong papel. Binuksan ko ito at binasa. It's annulment paper.

"I'm sorry Atty. Babao. Hindi ko ito pipirmahan hangga't hindi kami nagkausap ng asawa ko." sabi ko sa kanya sabay balik nong papel.

"Mr. Santillan, ayaw na niyang magkausap pa kayo. I'll give you 1 week to read and sign this annulment papers." sabay balik sa akin nong papel. At umalis na yung abogado ni Karen.

Ganito lang ba kadali to para sayo Karen? Pwes, ako hindi. Babalik ka din sa akin. Alam kong mahal na mahal mo pa rin ako.

----------

Dalawang buwan na ang nakaraan magbuhat nong umalis si Karen at dalawang linggo na rin akong hindi pumasok sa opisina. Nagmumukmok lang ako dito sa bahay. Bumibisita din sa akin sina Levi at Jenny sa akin paminsan-minsan.

Nalaman na din ng mga magulang namin ang nangyari sa amin. Nalaman na din nila na magkakaroon na ako ng baby sa ibang babae at galit na galit si tatay George sa nalaman.

Hindi ko sila masisisi. Kasalanan ko naman talaga ang mga nangyari sa amin ni Karen.

-----

"Miko, nandito si Atty. Babao." Tawag sa akin ni ate. Nandito na naman tong abogadong to. Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko pipirmahan yang annulment paper na yan.

"Sabihin mong hindi ko pipirmahan yan." Nakakainis na talaga tong abogadong to. Umaasa pa rin ako hanggang ngayon na babalik pa si Karen at hindi kami maghihiwalay.

"Miko, kailangan mo ng tanggapin na hindi na babalik si Karen." sabi ni ate sa mataas na boses. Alam kong galit na siya.

"Umaasa pa rin ako ate na babalik siya. Mahal na mahal ko siya."

"Tama na Miko, hindi ka mahal nong tao. Pwede bang magmove on ka na. Atupagin mo na lang yung magiging baby mo dun kay Vania. Hindi yung ako na lang palagi ang kasama nun pumuntang hospital." Alam kong hindi gusto ni ate si Vania pero nakuha pa rin niya itong samahan sa doctor alang-alang sa baby ko.

Tama si ate, kailangan ko ng magmove on at atupagin ang baby namin ni Vania. Sisimulan ko sa...

"Ate, pakitawag nga si Atty. Babao." Pipirmahan ko na ang annulment para matapos na ang lahat ng ito.

Minahal kita Karen na higit pa sa sarili ko. Yun pala niloko mo lang ako. Wag na sanang mapagabot ang ating landas.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Yan lang muna.

Keep on reading guys!

Thank you!

-deekee


MY WORST ENEMY TURNS MY GREATEST LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon