CHAPTER 43: GRADUATION BALL

4.6K 99 1
                                    

KAREN'S POV

Parang kailan lang nangangarap pa akong makapasok sa Sykes University ngayon gagraduate na ako at Cumlaude pa. Hindi hadlang sa isang nangangarap na makapagtapos sa University na ito kahit isang hamak na working scholar lang.

Ang saya ko ngayon dahil kompleto lahat ng pamilya ko. Pinancancel talaga nina nanay at tatay ang business trip nila para sa occassion na ito. Masaya rin siguro si lolo na nakapagtapos ako with honors.

"Congratulation anak!" sabi ni nanay sabay yakap sa akin.

"Salamat anak dahil tinupad mo ang pangarap namin para sayo ng nanay mo." sabi ni tatay.

"Salamat din po sa inyo sa pagpunta niyo rito. Alam ko pong sobrang busy na po ninyo."

"Mas importante ka kaysa negosyo. Minsan lang itong mangyari." Tama! Nagyakapan kaming mag-anak.

"Tama na yan picture muna." sabi ni mommy Lira. Nandito din sila. Ayan nagpicturan kami ng nagpicturan.

"Sali naman kami." sabi ni Levi na kasama si Jenny. Ayan nagpicturan na.

"Oh ano kita na tayo mamaya sa Graduation ball huh." Sabi ni Levi sa amin ni Miko.

"Siyempre tol." sabi ni Miko.

"Kita kits later bessy." -ako

Matapos ang graduation ay umuwi na kami. May handaan kasi sa mansyon ni lolo. Siyempre pinagsama nalang ang celebration namin ni Miko.

Maraming mga bisita ang dumating karamihan sa kanila mga kasosyo ng pamilya namin.

"Paano ba yan bee party natin pero puro business man and woman ang bisita natin. Punta na kaya tayo sa christmas ball." May point din itong si Miko.

"Sige. Magpapaalam muna tayo kina nanay baka hanapin tayo." Nagpaalam na kami sa mga magulang namin at pumayag naman sila.

-----

Graduation ball:

"Dumating na din sa wakas!" sabi nong kaklase namin na si Hero. Mukhang may tama na ang isang to

"Nakita mo ba sila Levi?" tanong ni Miko. Siyempre nakaakbay yan sa akin.

"Sa may bandang yun kasama si Jenny." sabi ni Hero sabay turo dun sa gilid na may table.

"PARTY... PARTY... PARTY..." sigaw pa niya habang paalis sa harapan namin.

Lumapit kami ni Miko dun sa table nina Levi at Jenny.

"Oy tol nandito na pala kayo. Ito tol oh." sabay abot ni Levi ng isang baso ng wine. Tumingin muna sa akin si Miko at nagtatanong kung pwede bang uminom.

"Go ahead! Konti lang huh." sabi ko sa kanya.

MIKO'S POV

Ininom ko na yung wine mild lang naman siya. Katabi ko ngayon si Karen na kausap si Jenny nagCR kasi saglit si Levi.

"Bee, Sundan ko muna yung ugok na yun baka saan pa yun mapunta." Tumango naman siya. Naglakad na ako papuntang CR na may nakaagaw pansin sa aking mga mata. Teka, si Vania ba yun? Binabastos nong isang lalaki. Akala ko ba exclusive ang bar na ito para sa amin bakit may ibang nakapasok?

Lumapit ako sa bar counter. Tama nga ako binabastos ng lalaking to si Vania.

"Pre, Bitiwan mo siya." sabi ko dun sa lalaking mukhang sugpo.

"Pre, nauna ako rito maghanap ka na lang ng sayo." sabi nong lalaki.

"Oh, baby *hek* nandito ka *hek*" Kumapit sa leeg ko si Vania. Mukhang lasing na lasing na siya and then she kiss me on the lips. Isinantabi ko muna ang paghalik sa akin ni Vania. Lasing lang siya.

"Una ba miss mas nauna ako dito ah." sabi nong lalaki at agad kong binigyan ng suntok sa mukha.

"ABA GAGO KA HUH!" Susuntukin na sana niya ako ngunit napigilan siya ng mga gwardiya.

"Lasing ka na Vania. Tara ihatid na kita. Saan ka ba nakatira?" Hindi na niya ako sinagot. Tulog na ata. Paano ba to? Lumabas na ako ng bar at agad ko siyang isinakay sa kotse ko. Babalikan ko na lang mamaya si Karen. Ihahatid ko muna to baka paano pa ito. Pinaandar saan ba ang bahay ng babaeng to? Ah bahala na. Dinala ko siya sa isang hotel. Pagkakuha ko sa susi agad ko siyang hinatid kwarto.

Bubuksan ko na sana ang pinto para umalis ng bigla siyang magsalita.

"Salamat Miko." sabi niya.

"Walang anuman. Sige alis na ako. Babalikan ko ang asawa ko." Pagkatapos iniwan ko na siya. Bumalik na ako ng bar at siyempre marami pa ding tao. Asan na kaya sina Karen? Nakita ko sina Levi at Jenny na sumasayaw sa dance floor si Karen kaya?

*Hanap*

*Hanap*

*Lingon*

*Lingon*

at BOOGSH!

"Aray naman pre * hek* hindi ka naman *hek* tumitingin sa dinadaanan mo. Lasing ka *hek* na ba huh?" Lang ya! Ako pa ba daw ang lasing eh kanina pa siyang umiinom. Miko calm.

"Hero nakita mo ba si Karen?" tanong ko na lang sa kanya. Baka nakita niya.

"Si Karen? *hek* Ah Oo nandun sa *hek* bar counter. Mukhang lasing *hek* na nga yun eh. Nakasubsub *hek* na kasi ang mukha sa counter. *hek* hehehe. PARTY... PARTY..." Ayun na naman siya sa famous line niya.

Teka, ba't naglasing si Karen. Agad ko siyang pinuntahan sa bar counter at ayun nga tama si Hero nakasubsub na ang mukha sa counter. Iuuwi ko na ang babaeng to. Binuhat ko siya pangbride style at pinasok sa kotse. Ano ba kasing pumasok sa ulo ng babaeng to uminom na hindi naman niya kaya. I tetext ko na lang sina Levi mamaya na nauna kaming umuwi ni Karen.

------------------------------------------------------------------------------------------------------

to be continued_-----

-deekee


MY WORST ENEMY TURNS MY GREATEST LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon