CHAPTER 33:

5.9K 133 5
                                    

KAREN'S POV

Napakabilis ng panahon at sa mga panahong yun nagbago ang buhay ko. Nakilala ko ang lolo ko na matagal na pala kaming hinahanap, nagkaroon ako ng mga in laws at higit sa lahat nagkaroon ako ng napakagwapong asawa. Sa una, hindi ako masaya sino ba ang gustong ipaarrange marriage at nagkataon pang sa mortal kong kaaway. Pero ngayon, Nagbago na ang lahat sobra na naming mahal ang isa't-isa.

"Bee, Gala tayo." sabi ni Miko. Kasalukuyan kaming nanunuod ng Phinias and Ferb.

"Ngayon na?" tanong ko sa kanya.

"Oo." tipid niyang sagot. Nagsusungit na naman. Hayy!

--------- Fast Forward:

Kapapasok lang namin sa mall pinagtitingan agad kami ng babae, What I mean siya lang pala. Kakainis! Kung makatitig tong mga babaeng to. Ang sarap dukutin ng mga mata. Yung isang babae mukhang papalapit sa amin. Tinabig pa ako. Nakakabwesit ah!

"Excuse me, di ba ikaw si Miko Santillan?" tanong nong malanding babae sabay hawak sa dibdib ni Miko.

"Wala ka bang kasama, pwede kitang samahan." Patuloy pa niya habang nilalaro yung kwelyo ng polo ni Miko. Bwesit tong mga babaeng to. Tong lalaking to hindi man lang kumibo. Humanda tong mga babaeng to. Kinalabit ko yung babae na nakahawak sa dibdib ni Miko.

"Ano ba, wag ka ngang manggulo." Inisnab ako. Aba nakakababae na ang isang to. Hinawakan ko ang balikat niya at iniharap ko sa akin.

"Ano bang problema mo, babae ka?" tanong niya sa akin sabay tinaasan ako ng kilay.

"Oo babae nga ako at marunong manuntok. Kung ayaw mong manghiram ng mukha sa pusa layu-layuan mo yang asawa ko." Mukhang natakot naman yung babaeng mukhang palaka at agad binitawan si Miko. Ayun naglakad na yung babaeng mukhang palaka palayo sa amin.

"Ang cute mo talagang magselos bee." sabay kurot sa ilong ko.

"Tsee! Ginusto mo naman yung ginagawa nong malanding yun."

"Nageenjoy kasi akong makita kang nagseselos bee, ang cute mo kasi."

"Tsee!" Iniwan ko na siya kinatatayuan niya. Kakainis!

"Bee, sandali lang hintayin mo naman ako." Bahala ka maghabol diyan. Nahawakan na niya ang kamay ko. Paano ba naman tatlong steps ko sa kanya isang steps lang. Ang tangkad kasi niyang tao.

"Sorry na bee, hindi na mauulit. Promise!"

"Basta wag na wag mo na yung uulitin, kundi makakatikim ka na sa akin." Tumango naman siya. Sabay na kaming naglakad at magkahawak kamay.

Nagstroll lang kami sa mall kung may ma tripang bilhin binili namin. Dumaan kami sa isang jewelry shop napako ang tingin ko dun sa G-clef na necklace. Ang ganda kasi may blue crystal pa sa gitna.

"Gusto mo ba?" tanong sa akin ni Miko. Napailing na lang ako. Mukhang mahal naman kasi.

"Ganun ba. Tara kain tayo." Aya niya sa akin. Sa isang fast food chain lang kami kumain. Si Miko na ang nagorder at ako naman ang maghahanap ng mauupuan namin.

Dumating na si Miko dala yung mga pagkain. Iniisa-isa niyang nilapag ang mga pagkain sa mesa.

"Ang dami mo namang inorder. Mauubos ba natin ang lahat ng to?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Kailangan mong kumain ng marami ang payat mo kasi sa tuwing hahawak ako sa bewang mo parang kawayan lang yung hawak ko." Walang ya to! Sinamaan ko siya ng tingin.

"Di, JOKE LANG! Kaw talaga di ka mabiro." sabay subo sa akin nong Fries. Kain, kwento, kain, kwento lang kaming dalawa. Medyo malapit na rin namin maubos yung mga pagkain.

"Bee, Cr muna ako. Don't go anywhere." Bakit magtatagal ba siya sa Cr? Tumango na lang ako at sumubo ng fries.

MIKO'S POV

Nang makita ko si Karen na busy ulit sa pagkain. Lumabas ako sa fast food at bumalik dun sa jewelry shop. Alam ko naman na gusto niya yung G-clef na necklace na nakadisplay, ako pa ang niloko niya.

Pumasok ako sa jewelry at binili yung G-clef necklace. Ibibigay ko ito sa kanya mamayang hating gabi, saktong ika-19th birthday niya.

Bumalik na ako sa fast food chain, siyempre tinago ko muna yung necklace.

"Ang tagal mo ata?" tanong niya habang nakataas ang kilay.

"Marami kasing tao sa loob bee kaya ako natagalan. Sorry pinaghintay kita." sabi ko sa kanya.

"Okey lang bee." sabay ngiti.

"Tapos ka na?" Tumango naman siya.

"Tara! EK tayo!" sabi ko sa kanya. Mukhang excited naman siya. Lumabas na kami ng mall at tinungo ang Enchanted Kingdom!

"Bilisan mo bee." sabi ni Karen sabay hila sa akin papasok sa EK. Ngayon lang ba nakapunta rito si bee. Para kasi siyang bata sa sobrang excited. Bumili na ako ng ticket. Una naming sinakyan yung anchor's way.

"WOOOHHHH!" -Karen. Nabibingi na ako sa kakatili ni bee. Pagbigyan ko na lang birthday naman niya bukas. Matapos kami sa anchor's way dun naman kami sa wild river. Medyo nabasa din kami dun. After dun sumakay pa kami sa space shuttle, carrosel parang bata lang. Magdidilim na na napagdesisyunan naming kumain may fast food din naman dito sa EK.

"Nagenjoy ka ba bee?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Thank you bee dinala mo ako rito. First time ko kasi." Tama nga hinala ko first time pa niya.

"Mamaya bee sa ferris wheel naman tayo."

"Okey bee." Nagpatuloy na kaming kumain.

----- Fast Forward:

Nakasakay na kami ngayon sa ferris wheel at nasa tuktok kami dahik may sumakay pa dun sa baba. Sakto naman malapit na magalas-dose at balita ko may fireworks.

"Bee wala ka bang naalala?' tanong ko sa kanya. para kasi hindi niya matandaan ang birthday niya.

"Naalala na ano bee?" Hindi ka niya naalala. Tsk! Sabi kasi sa akin ni nanay Tina na nakalimutan na ni Karen ang birthday niya dahil hindi nila kailan man na celebrate ang birthday niya.

"10, 9, 8," nagstart na akong mag count ilang seconds nalang 12am na.

"Bee ba't ka nagbibilang?"

"4, 3, 2, 1" Lumabas na yung mga fireworks. Nakatingin si Karen dun.

"Ang Ganda!" sabi niya.

"Happy birthday bee!" Napatingin siya sa akin. Na may luhang namumuo sa kanyang mga mata.

"Alam mo?" yun lang nasabi niya.

"Ito pala yung gift ko sayo." Ibinigay ko sa kanya ang isang box na kulay blue.

"Ano to?"

"Buksan mo para malaman mo." Binuksan naman niya yung kahon at nagulat siya.

"Ito yung necklace kanina."

"Happy birthday ulit my dear wife." Kinuha ko sa kanya yung necklace at isinuot ko sa kanya.

"Thank you so much bee." Niyakap niya ako, niyakap ko rin siya. Patuloy pa rin ang mga pagputok ng fireworks at sabay kaming sumigaw

"I LOVE YOU WIFE/HUBBY"

This is great day! I will cherish this forever!

---------------------------------------------------------------------------------------------------

Preliminary exam week so busy na naman si ako. Don't worry guys I'll find a way na makaupdate.

Thank you!

-deekee


MY WORST ENEMY TURNS MY GREATEST LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon