CHAPTER 56: REVEALATION (na naman) 2

4.7K 82 1
                                    

Continuation.....

"Ikaw na ang magsabi sa kanila Vania.."

"Ija totoo ba ang sinasabi ni Miko?' tanong ni mommy kay Vania.

"Hindi po yun totoo tita. Anak namin ni Miko si Jerrod." -Vania.

"Tama na Vania tumawag si Jefferson kanina sa cellphone mo at aksidenti niyang nasabi ang totoo sa pagaakala niya na ikaw ang sumagot sa tawag niya. Kaya wag ka ng magsinungaling pa." -sabi ko sa kanya. Tatalikod na sana ako ng may nakalimutan akong sabihin sa kanya...

"Oo nga pala, Susunduin nga pala kayo ng tunay na ama ni Jerrod." -at tuluyan ko ng nilisan ang mansyon.

*

*

Hindi ko alam bakit ako napadpad dito-----

*

*

*

sa harap ng BAHAY NAMIN ni Karen dati. Dito na lang ako dinala ng mga paa ko. Pumasok ako sa loob may susi pa naman ako hindi tinanggap ni tata--- este ni tito George ang susi nong binigay ko sa kanya. Sabi niya may karapatan daw ako sa dahil sa aming dalawa ni Karen ang bahay. Remember, wedding gift ni lolo Martin sa amin.

Pagpasok ko, sobrang linis. Siyempre hindi ko naman to pinapabayaan. Pinapapunta ko rito yung katulong namin sa bahay para maglinis. Kada tatlong araw sa isang linggo.

Umakyat ako sa taas at isa-isa kong tiningnan yung mga kwarto at ng tumapat ako sa kwarto namin bigla akong nakaramdam ng sakit. Binuksan ko ito at pumasok. Halos ganun pa din ang pagkakaayos. Napatingin ako sa malaking picture na nakasabit sa may head board ng kama.

Bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Naalala ko naman siya. Kahit anong gawin kong ibaling sa iba ang nararamdaman ko siya at siya pa rin ang laman ng puso ko.

Nakaramdam na ako ng antok kaya nahiga ako sa kama. IT'S LONG TIRING DAY kaya matutulog na ako.

ZZZZzzzz

---------

(Extra scene!)

LEVI'S POV

Tama nga ako dito siya pupunta sa bahay nila ni Karen. Mabuti at hindi sa bar kundi lagot na.

Alam niyo hindi ko kinaya yung eksena kanina. Kawawa talaga yung bestfriend ko. Alam kong sobrang mahal niya yung bata yun pala hindi ito sa kanya.

"Honey, tara uwi na tayo. Nakatulog na si Chloe." sabi ng pinakamamahal kong babae sa balat ng lupa. Si Jenny. Lumingon ako sa likuran dahil nandun ang mag-ina ko.

"Sandali lang muna honey baka lalabas pa si Miko." Baka lumabas at magpunta ng bar at magpakalasing at---

"Ang raming mo pang at--at-- diyan, nakatulog na rin yun noh kaya hindi na yun lalabas." Mind reader na ba ngayon ang asawa ko?___Tama hindi na ngayon lalabas.

"Oh sige na! Uwi na tayo." at yun pinaandar ko na ang kotse at tinungo ang daan pauwi sa bahay namin.

-----

JENNY'S POV

Nakakaloka ang araw na to!

Ang masaya sanang birthday party ay nauwi sa disaster.

Nakakaawa si Miko, ang batang inaakala niya na anak niya ay hindi naman pala. Alam kong nasaktan si Miko ng sobra kanina kaya mas pinili na lang niya ang umalis.

HAAAY!

*

*

"Oh honey anong binubuntong hininga mo diyan?" ang pinakagwapo kong asawa.

"Iniisip ko lang honey ang mga nangyari sa mga kaibigan natin."

"Sinu-sino honey?"

"Sino pa nga pa kundi sina Karen, Miko at Vania."

"Teka, kaibigan mo pa la yung babaeng yun?" pabirong tanong niya. Sinabi ko kasi sa kanya nong nangyari sa amin ni Vania.

"Kahit papano naging kaibigan ko naman siya at isa pa LEVILO MANIEGO kung hindi dahil sa kanya hindi tayo magkita nun." sabay kurot sa kanyang ilong.

"Ang sakit niyan honey ah." sabay hinihimas ang kanyang ilong. Natawa lang ako sa pinaggagawa niya, para kasi siyang bata. hehehe

"Ang tangos kasi ng ilong mo. Naiingit ako."

"Matangos din naman yang sayo." sabay kurot sa ilong ko.

"OUCH!" daing ko. Walang ya to ginantihan ako.

"Ayan patas na tayo mahal ko." sabi niya. Ano ba yan may anak na nga kami kinikilig pa rin ako. Simpleng salita lang niya napapakilig na ako.

"EWAN ko sayo." sabay tayo at pumasok sa banyo._____Nasa loob na ako ng banyo ng marinig ko ang boses niya na parang nasa tapat lang siya ng banyo.

"Honey, dun mo na ako sa kwarto ni Chloe." halos pasigaw niyang sabi.

"Okey!" sigaw ko naman sa loob ng banyo.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sobrang Lame po ng Chapter na to. Wala na po kasi akong maisip eh. hehehe. Pagpasensiyahan niyo po kung minsan may mali po yung pagkakatype o sa paggamit ko ng mga salita.

Next chapter po pala ay extra lang, ang buhay pag-ibig ni Jean Marie.

Keep on reading!

Enjoy!

-deekee


MY WORST ENEMY TURNS MY GREATEST LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon