Vaughn' s PovAt dahil sa sinabi ni Silver kanina eh sumunod ako sakanila sa Library. Nakita ko sila kaninang pababa ng building kaya naman nauna na ako sa Library.
Naupo ako sa isa sa mga upuan dito at ng naka pasok sila ay nagtakip ako ng libro para hindi nila ako mahalata.
Hindi ako tanga at alam kong may gusto si Silver kay Jisoo. Well, nag mamalasakit lang ako dahil kaibigan ko si Jin hyung at si Silver hyung.
Lumapit ako sakanila. Nasa Row 14 sila kaya pumasok naman ako sa 13.
"Uh, ano ba ang hahanapin mo dito?" Rinig kong tanong ni Jisoo sakanya. Mas nilapit ko yung tenga ko. Alam ko kasi na katapat ko lang sila ngayon.
"Uh. Yung librong kailangan sa portfolio naten?" Sagot ni Silver. May project nga pala kami at kailangan ng libro na yun. Nakalimutan ko ang Name ng libro pero kailangan namen yung first 180 pages nun.
Hindi ko alam kung anong ekspresyon na ginagawa ni Silver o ni Jisoo. Hindi ko alam pero unti unting nakakaramdam ako ng sakit. Di ko alam kung bakit pero naiirita na ako.
"Ahh. Meron ako nun, sa Mall ko nabili yun eh. Gusto mo pahiram ko sayo?" Rinig kong sabi ni Jisoo. Inusog ko ng konti yung mga libro para makita ko yung ginagawa nila.
"Ah! Hindi na. Ako nalang ang bibili." Sagot ulit ni Silver hyung. Umiiling iling pa sya, at aba namumula pa ang tenga nya.
Umupo si Jisoo.
"Samahan mo nalang ako?" Nahihiya pa sya ng itanong yun. Umupo rin sya sa tapat ni Jisoo kaya hindi ko na sila nakita.
Naglakad ako sa dulo ng Row 13 at sumilip sakanila. Magkatapat sila habang nakasandal sa Bookshelf.
Bat parang nasasaktan ako? Tulad nalang nung gabing muntik ko ng mapatay yung lalaki na gumawa kay Jisoo nun.
"Sure! Kailan ba?" Naka ngiting sabi ni Jisoo. Ang mga ngiting yun...
Hinintay ko ang sagot ni Silver pero naka titig lang sya kay Jisoo. Naiinis ako pero wala akong magawa. Naiinis ako sa way ng pagtingin ni Silver sakanya. Ang selfish man pero para bang gusto ko ako lang ang titingin sakanya ng ganun.
"Bat ganyan ka maka tingin? May dumi ba sa mukha ko?" Natatawang sabi ni Jisoo sabay hawak sa pisnge nya.
Umiling si Silver at ngumiti. Ngayon ko lang uli syang nakitang ngumiti. Hindi kasi sya palagi ngumingiti palagi syang naka Poker Face. Hindi rin sya tumatawa kaya nakakagulat.
"Alam ko na! Masyado ka sigurong nagagandahan sakin! Hahahah" natatawang sabi ni Jisoo sabay lagay ng kamay nya sa baba nya at nagpa cute. Fck this! Never pa syang nagpa cute sakin!
Yung mga ngiti nya! Damn! I'm going crazy just to see that smile of hers.
Umiling si Silver at tumawa. Tumawa sya pero walang boses. Si Jisoo lang ang tanging nakaka gawa kay Silver nun. Pero hindi ko magawang maging masaya dahil gusto ko sakin lang sya ganun.
Damn, Jisoo Buenaventura. I think I'm jealous because of you.
Umalis na ako dun habang unti unting humihina ang tawanan nila sa tenga ko.
YOU ARE READING
Fall For You
RomanceBTS//Blackpink Silver Villafuente * Jisoo Buenaventura,* Vaughn Sarmiento