Chapter 12

23 1 0
                                    


Jisoo's Pov

Mabilis dumaan ang araw. Friday na ngayon at pupunta na kami sa Hospital na dapat namen pag trainingan.

Pagka tapos pag luto ng mga boys nung Wednesday ay nag kwentuhan pa kami bago nagsipag pahinga at kahapon naman ay nag gala gala kami sa mga pasyalan dito sa tagaytay.

Kaming girls nalang ang hinihintay at naka ready na sila sa labas. Pano kasi ay nagsipag puyat kami kagabi at di pa pala ako nakapag alarm kaya late na kami ngayon.

Kikilalanin lang muna namen ngayon ang mga pasyente namen at mag sisimula pa sa Monday. Magulo kasi ang scheduled na binigay ni Mr. Dimaaano saamen kaya maaga na rin kaming nag punta dito.

"Tara na, Jisoo Unnie." Sigaw ni Woonbi sa labas.

Iniaayos ko pa kasi ang mga gamit ko. Pagkatapos ay nag madali na akong lumabas.

Si Shayne naman ay nag mamake up pa.

"Dalian mo Shayne, late na tayo." Sabi ko sakanya at binuksan ang pinto.

"Eto na!" Sigaw naman ni Shayne dahil sinarado ko na ang pinto.

Pagka labas naman ay halatang naiinip na ang mga boys. Napa kamot nalang kaming dalawa ni Woonbi sa ulo dahil sa hiya. Agad kaming sumakay sa Van at pumunta na sa Hospital.

---

Pagka dating namen sa Hospital ay hindi maiwasan na pagtinginan kami. Hindi na ako nag tataka dahil sa mga lalake nameng kasama. Si Jimin na malakas ang dating. Si Silver at Vaughn na malamig pero astig. At si Wyatt na hindi mo ring ipagkakailang gwapo at kayang makisabay sa Tatlo.

Binati kami ng dalawang Nurse na nadaanan namen. May isang medyo matandang babae ang lumapit samin at nag Vow sya kay Jimin at saamin.

Hmm?

"Sir, Ako po ang mag tuturo ng mga assign rooms nyo." Magalang na sabi ng Nurse. Sir? Sinong Sir?

"Nurse Shell, trainee po ako dito. You can call me po sa Name ko." Ngumiti si Jimin kay Nurse Shell. Sabi nya kasi Nurse Shell kaya baka iyun name nya.

"Okay po. Ji-jimin." Naiilang pa na sabi ni Nurse Shell.

Tumawa at tumango naman si Jimin sakanya.

Sinundan namen sya kung san sya pupunta. Inilibot nya kami sa Hospital at pinakilala sa ilang Nurse.

Pag dating namen sa Nurse Quarter ay may tatlong Nurse dun na nag papahinga. Mga nakaupo sila ngunit ng makita nila kami ay nagsitayuan silang tatlo

"Belle, Aeron, At Symon. Eto ang mga Trainee naten simula Monday hanggang sa susunod na linggo." Bungad ni Nurse Shell sa tatlo

"Nanay hindi ba isa sakanila ang anak ng may ari ng Hospital na ito?" Naguguluhang tanong ni Belle. Maamo ang mukha nya at ang puti nya. May bahid ng Make up ang mukha nya at may magandang pangangatawan.

Malaki rin ang dinadala nya.

"Ahh... Oo." Sagot nya at tinignan si Jimin.

Fall For YouWhere stories live. Discover now