Chapter 11

22 2 0
                                    


Jisoo's Pov

"Unnie, Gising na..." Patuloy na gising sakin ni Jennie. Alam ko naman na ngayong araw kami aalis papuntang Tagaytay pero please. Patulugin nyo muna ako!

"Jennie... 5 more minutes please." Sabi ko sabay yakap sa unan ko at tumalikod sakanya.

Napuyat ako kagabi dahil katext ko si Vaughn. Tapos nag empake pa ako

"Kaka 5 minutes mo mag 4:30 na, Unnie! 5 ang alis nyo!" Tumayo sya at tinanggal ang comforter ko.

Napaupo ako at tinignan ang orasan sa itaas ng pintuan ko.

"OH MY GHAD. BAT DI MO AGAD SINABI JENNIE!" Nag papanic at agad agad ako pumasok sa Cr. Naiiling nalang si Jennie

"Unnie, kanina pa kita ginigising! Sabi mo 3:30! Kanina pa kita ginigising pero tulog mantika ka!" Rinig kong sigaw ni Jennie sa labas.

Agad agad akong naligo at nag ayus. Buti nalang at hulog ng langit si Jennie at iniayus na nya ang susuotin ko.

Pagka ayus ko ay tumingin ako sa Orasan at 5:15 na!!

Inaayus ko ang mga gamit ko ng biglang mag nag doorbell.

Lumabas ako at nakita ko na pinag buksan ni Jennie si Vaughn ng pinto.

"Unnie! Nandito si Vaughn?" Nag tatakhang sigaw ni Jennie sabay kamot sa ulo nya.

Tumango sakanya si Vaughn at lumingon sakin. Lumingon rin si Jennie. Sumenyas ako na papasok ako sa kwarto, ngumiti naman ulit si Vaughn.

"Pasok ka muna..." Rinig kong sabi ni Jennie.

Inilabas ko ang mga gamit ko. Isang medyo malaking maleta lang naman eto, nandito na yung mga gamit ko at may dala pa akong isang maliit na bag.

"Sige Una na kami Jennie. Mag iingat ka ha! Ikaw lang mag isa dito sa bahay ngayon." Nandito kami ngayon sa labas ng bahay at nag papaalam na ako dahil si Vaughn na raw ang maghahatid sakin.

"Yes unnie, I know. Ikaw ang mag iingat dun! Kaya ko ang sarili ko." Tumango sya at niyakap ako. Kinatok nya ang salamin ng kotse ni Vaughn kaya ibinaba naman ito.

"Uh.. Vaughn. Ingatan mo si Jisoo uniie huh? Favor nalang." Sabi nya at inakbayan ako.ngumiti nalang ako at umiling. Ayyy nako si Jennie talaga.

"Oo naman, Jennie. Kahit hindi mo na sabihin. Iingatan ko talaga sya." Ngumiti naman si Vaughn. Tumingin sakin si Jennie.

Tinignan ko sya at binigyan ng Whut-look.

"Mukhang may ipapaliwanag ka samin pag balik mo Unnie." Bulong nya. Tumawa nalang ako at umiling. Ano ba yun?

"Osige na! Late na late na kayo. Baka nag aalala na mga Group mates nyo." Natatawang sabi ni Jennie.

Pumasok na ako sa kotse. Hinintay naming maka pasok si Jennie sa loob bago tuluyang umalis.

Saglit lang ang naging byahe namen dahil medyo mabilis ang pagpapatakbo ni Vaughn. Pag dating namen sa tapat ng School eh akala ko kami nalang ang hinihintay pero hindi. Wala parin si Shayne.

Bumaba ako sa Kotse ni Vaughn at dumiretcho sakanila. Naka busangot si Silver at nag iwas ng tingin. Bakit kali?

Nakita ko rin si Jimin na naka ngiti. Nag good morning sya sakin at ganun rin ang ginawa ko.

"Bakit wala pa si Shayne?" Tanong ko. Mag 6 na at wala parin sya?

"On the way na raw kaka text lang." singit ni Wyatt. Tumango ako at nag hikab. Inaantok parin talaga ako.

Fall For YouWhere stories live. Discover now