Chapter 6

29 2 0
                                    


Jisoo's Pov

Hanggang ngayon ay nandito parin sila Kuya. Masakit ang ulo ko at pinapatulog na nila ako pero ayoko pa. Hindi ako makatulog dahil sa ginawa sakin nung balasubas na lalaki kanina.

*flashback*

Nandito kami ngayon sa Bar di kalayuan sa Mall. Birthday ni Jennie kaya naman dito namen napag pasyahan na mag celebrate. 9 na kami nag punta rito at kanina pa kami umiinom. Kung di ako nag kakamali ay mag 11 na ng nagsi sayawan sila Lisa, Jennie, at Rosè.

Hindi ako lasing dahil konti lang ang nainom ko. Alam ko kasi na magsisi inom ng marami ang tatlo kaya ako na ang mag Dadrive.

Naiwan ako sa upuan namen dahil wala akong ganang sumayaw. Biglang may lumapit sakin na tatlong lalaki. Tumabi sakin ang isa at ang dalawa naman ay sa dulo ng upuan naupo. Umakbay sakin ang isang lalaki.

Tinignan ko lang sya kaya ngumiti sya sakin. Ang pervert na ito! Tinanggal ko ang kamay nya sa balikat ko pero nilagay nya ulit ito. Naiinis na ako kaya basta ko tinanggal ang kamay nya na hinihimas ang balikat ko.

"Don't touch me! Umalis nga kayo dito!" Sigaw ko pero ngumiti lang yung lalaking umakbay sakin.

"Pa-hard to get ka pa eh. Gusto mo rin naman to." Sabi naman ng isang lalaki na kasama nung umakbay sakin.

Dumating sila Jennie at inaway yung dalawang lalaki. Nakita kong nauntog ang ulo ni Jennie sa gilid ng Couch na inuupuan namen, may kahoy kasi dun. Bumagsak si Jennie sa couch sumunod naman si Rosè na inuntog rin ng mga lalaki at ganun rin ang nangyare kay lisa.

Pumipiglas na ako dahil sa ginawanila sa mga kaibigan ko! Pero ang higpit ng hawak ng lalaki sakin.

"Bitawan nyo ko! Nasasaktan ako!" Sigaw ko.

"Wala ng mag tatanggol sayo!" Tumawa ang mga lalaki na nandito sa harap ko.

Naiiyak na ako. Bigla akong hinalikan ng lalaki sa leeg ko kaya lalo akong naiyak. Sinampal ko sya at tinulak nya ako paupo. Ramdam kong pinag titinginan na kami kanina pa pero walang umaawat!

Humahaulgol na ako dito dahil patuloy parin ang paghalik sakin ng lalaki.

"Tulong!" Yan nalang ang nasigaw ko habang pinipigilan ko ang lalaki na humahalik sakin.

Napapikit ako ng bigla ko nalang nakita yung lalaki na naka ilalim at pinag susuntok. Wala akong magawa dahil naiiyak nalang talaga ako.

Oppa... help me jebal...

Nakita ko rin na sinapak at sinuntok rin ng dalawang lalaki pa yung kasama ng humalik sakin. Galit at takot ang nararamdaman ko dahil wala pang humahalik sakin ng ganun.

"Jimin! Tawagin mo sila Seokjin dito!" Sigaw nung isang lalaki na mahaba ang baba. Hindi ko sya kilala. O hindi ko lang makita ng maayus dahil naiiyak lang talaga ako. Basta mahaba ang mukha nya.

Maya maya pa ay dumating rin ang iba pa at nakita ko si Seokjin Oppa.

"Dongsaeng!"  Tawag ni Oppa pero di ko magalaw yung katawan ko.

May lumapit na dalawang lalaki sa likod ni Jin Oppa. May umaawat dun sa lalaking sinusuntok yung lalaking humalik sa leeg ko, hindi ko makita ang mukha nya pero inaawat sya ng dalawang lalaki.

Fall For YouWhere stories live. Discover now