Chapter 10

33K 868 183
                                    

Chapter 10

Thank You

Narinig ko ang tunog ng sasakyan ni Colton mula sa pagandar nito hanggang sa unti-unting pagkawala. Tinitigan ko ang maliit na gallon ng ice cream na ibinili ni Yael sa akin kanina. Umalis na sila. Yael won't be sleeping next door anymore. I guess that'll be the last... I will never see him again.

If Jess is here, sasabihin niya sa akin na h'wag na akong umasa dahil wala naman akong aasahan kay Yael Salcedo.

He didn't even glance at me nang palabas na siya ng bahay kaya imbes na sumama ako kina Mama na ihatid sila sa labas ay dumiretso na lang ako sa kwarto ko dala-dala yung ice cream na binili niya at kay Cole niya pa ipinaabot.

Parang mas doble 'yung lungkot na nararamdaman ko. They said no man is an island but why I feel like I am?

Isa-isa silang umalis. Jess, Colton, and Yael... kung kailan mas kailangan ko ng company ay doon sila umalis.

--

Ang bilis ng araw at patapos na kaagad ang sembreak which is good. Dahil para kahit papaano ay mawala na ang pagkainip ko sa bahay. I know I should have just gone to my fave bar to kill some time pero wala naman si Jess. Siya lang ang palagi kong kasama at ngayong enrollment para sa second sem ay hindi ko na siya kasama.

Parang pinipiga ang puso ko... This is not the first time that Jess left ngunit iyong una niyang pag-alis ay alam ko pa dahil nagpaalam siya sa'kin pero ngayon ay wala akong ka ide-ideya.

"Beatrix Hayle Ponce De Leon." Anunsiyo nung teller. Tumayo naman ako mula sa kinauupuan ko at kinuha yung papel na iniaabot niya. Pinirmahan ko lang iyon at muling iniabot sa kanya. She tore something from the paper tapos ay ibinigay niya rin sa akin. Bumalik ako sa upuan ko para kunin yung bag ko.

"Weird." Dinig kong sabi no'ng babae na nakaupo at naghihintay na matawag ang pangalan. Kunot noo siyang nakatingin sa phone niya.

"Bakit?" Puno ng kyuryosidad na tanong ng kanyang katabi na mukhang kaibigan niya naman.

"Look," sabi nito at ipinakita ang phone niya. "Ryan Ramirez deactivated all his accounts and Jessica Travieso too." Aniya. Napaawang ang bibig ko at kumalabog ang puso ko dahil sa sobrang gulat. Ryan deactivated all his social media accounts too?

"Oo nga ano?" her voice is full of amusement. May ideya na pilit pumapasok sa utak ko pero hindi ko iyon pinansin. Jess won't do that. Kilala ko siya at hindi niya naman kayang ilihim sa akin ang gano'ng bagay.

"Baka nagtanan tapos nagpakalayo-layo... Hindi natin alam. Isa pa, madalas ko silang makitang mag-usap noon."

Kaagad na akong tumalikod at mabilis na naglakad palayo. Sandali akong natigilan sa paglalakad at natawa ng pagak. Hindi naman iyon totoo diba? Hindi iyon magagawang ilihim sa akin ni Jess dahil alam niya namang matagal ko ng hindi gusto si Ryan... Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na hindi totoo yung mga narinig ko... Pero paano kung totoo yung mga narinig ko? Alam ko na hindi sapat na teorya iyong pareho silang nag-deactivate pero mahirap ding paniwalaan kung sasabihin na 'coincidence' lang ang nangyari.

I really don't know what to believe. Hihintayin ko na lang si Jess. I'll wait for her para siya na mismo ang magpaliwanag sa akin ng tunay na nangyari. I shouldn't be feeding my mind about the rumors that I heard.

Ito kasi ang problema sa akin. Kung ano ang sinabi ng tao ay papaniwalaan ko. If I think a girl is nice and hears a bad comment about her afterwards parang unti-unti iyong i a-adapt ng utak ko hanggang sa marealize ko na parang tama yung komento na narinig ko tungkol sakanya at magiging ganoon na din ang tingin ko sa taong iyon.

When We Collide (When Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon