Chapter 1

57.9K 1.2K 208
                                    


Chapter 1

I Don't Have One

"Excuse me." I excused myself and tilted my face away from Ryan's hand. Umalis ako sa table namin ni Ryan at tinalikuran si Brody na nakaharap sa amin. Damn! Could this day get any worse? Why does Brody have to see that? Dire-diretso akong lumabas ng basement at may mga iba pa akong nabunggo dahil sa kakamadali ko ngunit hindi iyon ang nagpatigil sa'kin.

I just want to get out of this damn place! I went back to our building alone and when I made it inside our classroom, I texted Jess immediately. Ilang segundo pa lamang ang lumilipas ay nag vibrate na kaagad ang phone ko na kakapatong ko pa lamang sa armchair.

Jess: What happened?

Me: Ikukwento ko na lang sa'yo mamaya.

Jess: Ok. Ako na ang bahala dito kay Ryan.

I let out a harsh exhale before shutting my eyes tight. Thank God I have someone like Jess who always got my back! I don't want Ryan to follow me here dahil mas lalong mag-iisip si Brody—wait, baka nga wala namang pakialam si Brody. Yes, he saw Ryan wiping the side of my mouth but will it be a big deal to him? No, of course not, Beatrix! Wala namang pakialam sa'yo si Brody! Ikaw lang naman ang may gusto sa kanya!

Kinuha ko ang phone ko at napagdesisyonan na lang na makinig ng music. I played my favorite playlist but I couldn't actually get the first track that was playing. Gumugulo pa rin kasi sa isipan ko ang nangyari kanina. Wala na talaga akong chance kay Brody.

Maya-maya ay napansin ko mula sa gilid ng aking mata ang biglang pag-okupa ng isang ng isang tao sa aking katabing pwesto. Kaagad kong inalis ang earphones ko at hinarap ang inaakala kong si Jess pero si Ryan lang pala. Si Ryan na naman.

"You didn't finish your food, Beatrix." Panimula niya. I want to roll my eyes and it takes a lot of patience in me to control myself from doing so. "Jess and I waited for you pero hindi ka na bumalik." Dagdag pa niya. So Jess didn't spill the beans? I could hug Jess right now. I so love that woman for always covering for my mess.

"Sumama lang ang pakiramdam ko, Ry." Tipid akong ngumiti at muling ibinalik ang atensyon ko sa phone ko at kunwaring naghahanap ng magandang kanta.

"Gusto mong pumunta ng clin—" Hindi ko siya pinakinggan ni pinatapos man lang. Pumindot ako ng isang kanta na kunwari'y interisado akong pakinggan at muling isinuksok sa magkabila kong tenga ang earphones ko. Sinandya kong lakasan ang volume. The song of Maroon 5 is banging through my earphones and I bet even Ryan could hear it.

Ayoko siyang bastusin but he's pushing me and I know that I don't have the right to treat him like this but damn! This is just the only way that I know for him to stop pestering me.

Oo, noon ay gusto ko siya. Well, that was when I thought that he doesn't care about the people around him. Dinadaan-daanan niya lamang ako noon pero nang bigla niya na akong pansinin ay biglang ayaw ko na. The interest that I have for him died.

He began being clingy at para siyang aso na buntot nang buntot sa 'kin and that was a major turn off for me. Ayaw ko sa lahat ay 'yung gano'n. Kulang na nga lang pati sa pagre-restroom ko ay sundan niya pa ako. Damn!

--

"Hindi nakakatuwa 'yung ginawa mo kay Ryan, Beatrix." Biglang sabi ni Jess habang pababa kami ng hagdan. Hindi ako kaagad na nakasagot.

"Una, iniwan mo siya sa basement at pangalawa, kinakausap ka niya ngunit parang wala kang naririnig. Hindi ka pa nakuntento sinuot mo pa talaga ang earphones mo..."

A pang of guilt rushed over my chest.

"I'm sorry..." Nagbaba ako nang tingin sa hagdan sabay kagat nang mariin sa pang-ibabang labi ko.

When We Collide (When Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon