Chapter 21
I Love Him
Paglabas ko ng ospital ay kaagad akong nag-abang ng jeep na pwedeng masakyan pauwi. Hindi ko na tinext si Yael para balitaan na pauwi na ako. I don't want to ruin his rest. Kaka discharge niya lang sa ospital kahapon.
Kahapon, pag-uwi ko ay siya kaagad ang inasikaso ko. I monitored his condition pati pag-inom ng gamot ay on time... Iyong ibang tao nga ay nagagawa kong alagaan ng maayos paano pa kaya siya.
Reality pulled me back nang may jeepney na dumaan sa aking harapan. Kaagad na akong sumakay doon at dahil hindi ito puno ay sa pinakaunahan ako umupo. Habang nagba-biyahe ay sa labas ang aking tingin. I just want to refresh my mind after a quite long exhausting working hours.
Nagitla ako nang makita akong pamilyar na likod ng isang babae. May isang lalaki na sa tingin ko ay driver niya ay ang kumukuha ng mga dala niya. Napatuwid ako ng upo at inilabas ko ng kaunti ang ulo ko para mas makita pa ang mukha ng babaeng nakita ko. Nang makuha na lahat no'ng lalaking kasama niya ang dala niya ay nag-angat ng tingin ang babae at para akong binihusan ng malamig na tubig dahil sa nakita ko.
"Jess!" Sigaw ko kahit na malayo na kami. Hindi ko pinansin ang mga kasama kong pasahero sa loob at kaagad akong pumara. Masyado na akong malayo pero nakikita ko pa ang malabong pigura noong babae.
"Jess!" Sigaw ko at tumakbo kahit na alam kong imposibleng maabutan ko pa siya dahil sa mga oras na ito ay pasakay na siya doon sa itim na pick up.
"Jessica!" Patuloy pa rin ako sa pag-sigaw at pagtakbo kahit na umandar na yung sasakyan. My heart was beating rapidly. Gustong-gusto kong habulin ang sasakyan pero nakulangan ako ng lakas. Kahit na ayaw ko ay sumuko na rin ako sa bandang huli.
Hingal na hingal akong nakatayo habang pinapanuod ko ang pick up na unti-unting mawala sa aking paningin. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng lakas dahil sa ginawa kong pagtakbo. Tagaktak rin ang pawis ko at nararamdaman kong tumitibok ang sentido ko.
I heard my phone rang and I automatically fished it inside my pocket. Nakita ko na pangalan ni Yael ang naka rehistro sa screen. Para akong nabuhayan at kaagad ko itong sinagot.
"Yael!" Hinihingal kong sabi.
"Are you panting?" tanong niya mula sa kabilang linya. Kahit hindi ko siya nakikita ay ramdam kong nakakunot ang kanyang noo.
"Yael, I saw Jess!" hindi ko pinansin ang tanong niya at kaagad kong ibinalita sa kanya ang nakita ko. Sandali siyang natahimik mula sa kabilang linya.
"Nasaan ka?" Nagsalita siyang muli matapos ang sandaling pananahimik.
"I saw her, Yael!" Pamimilit ko at hindi pinansin ang tanong niya. Dahil sa tono ng pananalita niya ay parang ayaw niya akong paniwalaan.
"Calm down, Trix. Just tell me where you are and wait for me there." Mahinahon niyang sabi.
Luminga-linga ako sa paligid at napansin kong ilang lakad na lamang ay nasa McDonald's na ako.
"M-Malapit sa McDonald's..." Sagot ko.
"Pumasok ka... sa loob mo 'ko antayin."
Umiling ako kahit hindi niya ako nakikita. "H'wag na, Yael. Uuwi na lang akong mag-isa. Magpahinga ka na lang." Tanggi ko. I didn't know how I managed to keep my voice still kahit na gustong-gusto ko nang umiyak dahil sa disappointment.
"I said go inside and wait for me there, Beatrix." Matigas niyang sabi at wala akong nagawa kung hindi um-oo na lang.
Nang patayin na niya ang tawag ay nag-umpisa na akong maglakad papunta sa McDonald's habang lumilinga-ling, nagbabakasakali na totoo ang nakita ko at hindi dahil sa pagod lamang.
BINABASA MO ANG
When We Collide (When Trilogy #1)
RomanceBeatrix Hayle Ponce de Leon always gets what she wants pero sa tuwing nakukuha niya kung ano ang mga gusto niya ay kaagad lamang siyang nagsasawa. Especially when it comes to guys. Her type are the snob ones, pero sa tuwing binibigyan siya ng atensy...