Chapter 28

29.9K 805 117
                                    

Chapter 28

Selos

"Iwan mo si Yael Salcedo."

Sandali akong natigilan doon at hindi makapaniwalang napaawang ang aking bibig. I made a promise to myself. Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling sakanya.

"Hindi... Hindi ko magagawa 'yan." Panay pa rin ang pag-iling ko. I promised to myself the I won't let go of Yael. Hinding-hindi ko siya ipamimigay sa iba. Maraming ibang paaran ang pwede kong magawa pero hindi kasali doon ang ipamigay siya.

Nagpakawala siya ng marahas na buntong hininga at sa paraan ng pagtitig niya saakin ay mukhang alam na niyang tatanggi ako sa gusto niyang mangyari.

"Of course, you won't..." She frowned."You're still the same selfish brat that I know." She added under her breath.

"Call it what you want, Rhian." Sagot ko na lang at muling itinuon ang atensyon sa ko sa laptop. Hindi na kami pa muling nagkibuan hanggang sa makabalik na si Yael dala ang pagkain at inumin na dala niya. Inilapag niya ang tatlong bote ng malaking C2 sa center table at iniabot naman niya ang plastic na naglalaman ng iba't-ibang pagkain.

"Ang dami naman nito..." Hindi ko mapigilang sabi. Balak yata talaga akong patabain ni Yael. Sa tuwing magkasama kami ay wala kaming ibang ginawa kung hindi kumain, manood, at matulog.

"H'wag mong ubusin kung hindi mo kaya." Sagot niya.

Tumango ako bilang pagsang-ayon.
"Salamat."

He nodded his head and smiled at me showing his perfect white teeth. Medyo nasilaw ako doon. Muntik ko ng makalimutan na nandito pa pala si Rhian kung hindi lang siya tumikhim. Muli nanaman siyang nag-open ng topic kay Yael. Yung mga topic na alam niyang hindi ako makakasabay.

Habang patuloy sila sa pagkukwentuhan ay tahimik lang akong nanonood ng movie habang kinakain ang dala ni Yael. Nakatingin ako sa telebisyon pero ang tenga ko ay sakanila nakatutok. Pakiramdam ko ay out of place ako pero kaagad naman iyong inaagapan ni Yael. He's constantly checking me. Asking me things or simply squeezing my hand and I think that's enough to somehow make me feel better.

Sa kalagitnaan ng pagkukwentuhan
nila ni Rhian ay narinig kong nagnotify ang phone niya. Sinulyapan ko siya at matapos niyang basahin ang text ay tumayo na siya kaagad.

"I have to go..." Paalam niya bigla at nginitian si Yael.

"Was that the airline?" Tanong ni Yael.

Saglit niya akong tinignan bago ibinalik ang tingin kay Yael at nginsian ito.

"No... It's my brother." Aniya at tumayo na.

Nang tumayo siya ay napatayo rin ako. Napaawang ang bibig ko at lumawak ang mga mata ko habang nakatingin kay Rhian. My heart began to pound.

"W-where is he? Is he outside?" Hindi ko mapigilang tanong kay Rhian. Adrenaline is coursing to my veins.

She frowned. "No." she replied dryly.

"Kung ganoon ay nasaan siya?" Hindi ko maitago ang pagka desperada sa boses ko. Noon pa man ay tinatanong ko na kung nasaan ang kapatid niya pero ayaw niyang sabihin saakin! Ito na ang pagkakataon ko lalo na't nakompirma ko na ngayon na parehas pa rin kami ng bansang kinaroroonan. I want to apologize and to know if he's with my bestfriend.

Guilt is the worst enemy that a person could ever have... It's the demon that you can never defeat by trying to be optimistic. Guilt shows no mercy and an infinite regret is its way to torture you... Guilt's a bitch and a ghost that'll keep on haunting you.

At hindi alam ni Rhian kung gaano kahirap iyon. Hindi rin niya alam kung gaano kahirap mag-isip ng hindi mo alam kung ito ba ang dapat mong isipin o hindi. Magda-dalawang taon ng wala ang bestfriend ko at ganoon din si Ryan. I feel so confuse and so guilty.

When We Collide (When Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon