Chapter 1
Dorina Roxas POV
"Oy Do san ka pupunta?" Tanong ni Concon habang umiinom ng Milktea
"Puntahan ko lang si Shea tapos na klase niya ee"
"Ahh sige ingat sa mga girls pagkaguluhan ka nanaman"Tapos ngumisi pa siya
Iniwan ko na sila sa Canteen at dumiretso na sa Classroom ni Shea ..Si Shea ang Bestfriend/Kababata/Firstlove ko ..Pero di niya alam na Firstlove ko siya kaya Ssshh muna kayo
Sinilip ko muna si Shea sa Classroom nila at nakita ko siya na nakaupo sa desk niya habang hawak ang Ipad niya..
"Ohmy si Do oh"
"Gashh ang pogi talaga niya"
Ewan ko ba kung matatawa ako sa kanila dahil wala silang kasawa sawa na pag usapan ako at yung iba ko pang barkada..(KhenMMConPot)
"Shea"Tawag ko sa kanya kaya napatingin siya sa kin
"Hai Do"Kumaway kaway pa siya
Lumapit ako sa kanya at dinampot yung ibang gamit niya sa desk..
"Kamusta class mo?"Tanong ko habang naglalakad palabas ng room niya
"Okay naman hehe Uyy namiss kita Bestfriend di tayo nagsabay kaning breaktime ee"Tapos nagpout pa siya.
Lagi niya nalang ginagawa yan..
Ang cute niya tuloy..
"Haha bawi nalang ako san mo gusto pumunta?"Alok ko sa kanya
"Ahm sa bahay nalang Bestfriend nuod tayo ng movie hihi"Bungisngis talaga toh kaya mahal na mahal ko toh ee
"Sige puntahan na ntin sila sa canteen para makaalis na tayo"
Tapos hinila ko na siya sa canteen..
"ang sweet HHWW pa ..Kayo ha"Asar ni Concon
"Grabe Con di kana nasanay sa dalawa na yan"Hirit naman ni Mm
"Oo nga parang di lang mag BESTFRIEND ee"Tatawa tawang sabi ni Khen
"May something naba ha?ayiee"Pot na parang kilig na kilig
"Nako kayong apat trip niyo nanaman kami ha,Lagi naman kaming ganito ee tsaka anong something pinagsasabi niyo diyan ee mag Bestfriend lang naman talaga kami diba Do?"
"H-ha O-oo bestfriend kami kaya ganito hehe"
"Kita niyo na,Ahm nga pala tara sabay nuod tayo movie"Tapos tumalon talon pa siya na parang batang tuwang tuwa
Nagtinginan muna sila bago nagsalita,.
"Di kami pwede ee"sabay sabay pa nilang sabi
Aba himala di sila sasama sa gala..Pero paano yan wala kaming kasama don ni Shea
"ayy ganon ba sayang naman"tapos nag pout nanaman siya
"Kayo nalang ni Do bebe shea wag kana malungkot"Umakbay pa si Mm kay shea
Sinamaan ko siya ng tingin kaya napabitaw siya sabay peace sign..Baliw talaga
"Hm Sige kami nalang ni Bestfriend ang pupunta sa bahay nila"Tapos ngumiti ako kay shea para di na siya malungkot nakita ko naman na nagbago yung Aura niya at tumalon talon nanaman ..
Parang bata talaga..
"Yeyyy Cgee babye na Khen Mm Con at Pot Hihi ingat kayo sa lakad niyo"Kumaway kaway pa si Shea habang naglalakad kami palayo
Iba naman yung tingin ng mga Kaibigan ko sakin..
Yung Gawin-Mo-Na-Yung-First-Move-Look ang binigay nilang tingin sakin..
At alam ko na kung bakit di sila sumama..
Ang mga Barkada ko talaga..
--
"Do bihis lang ako wah ayusin mo na yung papanuorin natin"Nag nod naman ako sa kanya tapos umakyat na siya sa kwarto niya
Inayos ko naman yung papanuorin namin para pagdating ni Shea pwede na kaming manuod..Pagkatapos ko ayusin yung DVD naghubad ako ng polo ko nakasando naman ako kaya okay lang tsaka sanay naman na si Shea na ganito ang ayos ko ..
Ilang saglit pa dumating na si Shea naka pajama lang siya at sando ..
"Kukuha lang ako ng kakainin natin ha"Paalam niya tumago naman ako
Dumating siya dala ang napakadaming chichirya at Chuckie oo mahilig siya sa mga pambatang pagkaen katwiran niya kasi na baby pa siya..
"Ang dami naman niyan Bebe"Reklamo ko
"Para di nako pabalik balik sa kusina hehe ^_^V"
Naupo naman na siya sa tabi ko at nilapag yung mga pagkaen sa center table..
Madilim yung buong bahay dahil ayaw ni Shea ng sobrang liwanag ..
Maya maya pa naramdaman ko na sumandal siya sa balikat ko ..Sinilip ko siya at nakita ko siyang natutulog na
Kahit kailan talaga toh lagi tinutulugan yung palabas..
Paano ako aamin nito kung natutulog naman siya?Wrong timing naman talaga oh Aish
Binuhat ko nalang siya papunta sa kwarto niya dahan dahan ko siyang nilapag sa kama niya hinawi ko yung buhok nasa mukha niya at pinagmasdan..
maganda si Shea sobrang simple lang siya hindi nga siya marunong mag make up ee okay na siya sa Pulbos simple lang din siyang manamit Tshirt lang at Pants okay na yan ..Maganda siya kahit simple yun lang yun..
Napansin ko naman yung picture namin sa side table para kaming Mgasyota dito ee XD
Yun nga lang BESTFRIEND lang talaga kami..
Iniwan ko na siya don at umalis na nilock ko muna lahat ng pintuan bago ako umalis mahirap na noh wala siyang kasama ee..
Makakahanap din ako ng Tamang oras para masabi sa kanya lahat ng nararamdaman ko..
At sana bukas masabi ko na sa kanya yon..
--
(A/N:Lame ba?Pasensiya minadali ko toh :) Tutuloy ko pa ba?Comment muna xD )
KhenDoMmConPot at the side..
Pogi nilang lahat ^__^
BINABASA MO ANG
FriendZone
FanfictionI Love Her..Pero"Kaibigan" lang talaga ang tingin niya sakin ..Hindi ko masabi sa kanya ang totoo dahil ayokong iwasan niya ako at ayokong mangyari yon.."FriendZone"Bakit pa kasi nauso yan??