Jean's POV
Natanaw ko na si Khen sa may starbucks kaya agad akong lumapit sa kanya.
Sa totoo lang ang laki din ng pinagbago ni Khen tahimik na siya ngayon unlike noon na sobrang ingay niya at wala ng ginawa kung hindi mambara.
Nakakamiss din pala.
"Tungkol saan ba toh Khen?" Panimula ko
"Mangako ka muna na hindi mo toh sasabihin kahit kanino lalong lalo na kay Dorina"
"S-sige pangako"
He take a long deep sigh bago sumagot ..
"May sakit si Shea"Nanginginig niyang ipinatong ang mga kamay niya sa table at parang maiiyak na
"A-anong sakit?" Naguguluhan kong tanong
Tumingin siya sakin at kitang kita ko na may pumatak na luha mula sa mga mata niya
"LEUKEMIA"Tumigil ang mundo ko ng marinig ko yon .
Ayokong maniwala sa mga sinasabi niya.
"Hindi nakakatawang biro yan Khen,Hindi totoo yan"
Halos pasigaw kong sabi kay Khen habang patuloy na umaagos ang luha ko.
"Ayaw niyang ipasabi sa inyo dahil ayaw niyang kaawaan natin siya,ayaw niyang maging burden sating lahat at ayaw niyang mag alala tayo sa kanya"
Patuloy pa niya
"Bakit sakin mo lang to sinasabi Khen?"Pinunasan ko ang mga luha ko pero ayaw pa rin tumigil
"Aalis nako mamaya pupunta na ko ng U.S ayokong umalis pero kailangan..Jean mahal ko si Shea hindi ko kaya na nahihirapan siya please nakikiusap ako sayo alagaan mo siya"
"Bakit ayaw mo to ipaalam sa kanila aalis kna pala,Bakit mo kami iiwan?"
"Kailangan Jean"
Ibinigay niya sakin ang isang bote ng gamot.
"Para saan toh?"
"For Shea,Always bring that para In case na m-may mangyari and jean yung pakiusap ko ikaw ng bahala sa kanila"
"B-but --"
"I'll go ahead 10 pm ang flight ko ee" Pinilit niyang ngumiti at pinunasan ang luha niya
Tumayo na siya at naglakad palayo.
"Khen" Tawag ko sa kanya
"Hmm?"
"Payakap" Napangiti siya at in'open yung arms niya
Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit..
Mamimiss ko tong lalaki na to yung mga ngiti niya ,yung mga payo niya sa tuwing mag aaway kami ni Mm..
"Mag iingat ka don ha dumalaw ka"
Bumitaw na kami sa pgkakayakap ngumiti siya at tuluyan ng umalis.
"Mamimiss ka ng lahat khen"Bulong ko habang minamasdan kong mawala si Khen
BINABASA MO ANG
FriendZone
FanfictionI Love Her..Pero"Kaibigan" lang talaga ang tingin niya sakin ..Hindi ko masabi sa kanya ang totoo dahil ayokong iwasan niya ako at ayokong mangyari yon.."FriendZone"Bakit pa kasi nauso yan??