Chapter 6

67 3 1
                                    

Shea's POV

Tapos na ang weekend pasukan na ulit..Nakakapanibago lang kasi walang Dorina na sumundo sakin..

Wala naman nangyari nung gumala kami ,Nag mall lang tapos kaen tapos uwi na ..Ganon lang yung ginawa namin..Boring kasi parang wala lang ako kay Do dinadaan daanan niya nga lang ako ee ..After din nung gala umuwi na din ako sa bahay namin nakakahiya naman kasi kung kay Do pa ako tutuloy diba ..HAYYY talaga ,Naiiyak nanaman tuloy ako TT.TT

"Oh shea san si Do ?Di ka hinatid?"Mapang asar na tanong nung classmate ko na patay na patay kay Do

Hindi nalang ako sumagot obvious naman kasi na di ako hinatid ni Do magtatanong pa siya..Bwiset lang

Lesson lang kami ng lesson at lesson at lessooooonnnnnn hanggan sa mag uwian na ..Naghintay pa ako ng ilang minuto nagbabakasakali na dumating si Do..

Pero WLANG DORINA na dumating..

Ganon ba talaga yung galit niya sakin?

Naiiyak akong lumabas ng room namin ..Lumingon pa ako sa paligid sinigurdo ko na wala ng ibang tao bukod sakin baka maulit nanaman kasi yung nangyari nung Friday..

Habang naglalakad ako napansin ko na  parang may sumusunod sakin..Binilisan ko nalng yung lakad ko ..

Takot na takot akong tumakbo hanggang sa makalabas ako ng Gate ng school nakita ko don si Khen na nakatayo kaya dali dali akong tumakbo papalapit sa kanya

"Oh She--"Di ko siya pinatapos at niyakap nalang 

Ewan ko pero di ko na napigilan yung luha ko na kusa nalang umagos..Naghalo halo yung bigat na nararamdaman ko..Takot,Lungkot at Tampo ..

Tinapik tapik naman ni Khen yung likod ko at patuloy sa pagcomfort sakin..

Nung mahimas masan nako bumitaw nako sa pagkakayakap ko kay Khen at pinunasn yung luha ko ..

"P-pasensya na khen"

"Okay lang yun ano kaba,Ahm si Do ba?"Tanong niyasakin

Dahan dahan akong tumango at nag umpisa nanaman umiyak..Nakakatampo kasi talaga kung tutuusin ang babaw nung dahilan para awayin niya ko..and worst hinayaan niya kong mag isa ngayon

"Tahan na ihahatid na kita baka may mangyari nanaman sayo"Inalalayan ako ni Khen at sabay na naglakad papunta sa parking lot kung nasaan ang kotse niya..

Pinagbuksan niya ko ng pinto at inalalayan sumakay ..

Walang umiimik samin habang nasa biyahe parehas lang kaming tahimik hanggang makarating kami sa bahay namin..

"S-salamat Khen ingat ka"

Ngumiti lang siya sakin at tumango..Lumabas na ako ng kotse niya at kumaway pa 

Buti nalang andiyan si Khen..

Pumasok na ako ng bahay namin at ayun nga walang tao tanging maid lang namin ang andon..Ganon naman lagi sanay na ako si Mommy kasi laging walang sa bahay puro nalang siya trabaho sabi naman niya para sakin naman daw yon pero sa totoo lang di ko naman kailangan yon all I need is her ..Simula kasi nung nawala si Daddy pakiramdam ko nawala na din siya ..

Nagbihis ako agad ng damit at nahiga sa kama ..Nakaramdam ako ng panlalamig kahit patay naman ang aircon ..Simula pa nung kaninang umaga nanlalamig na ako at sobrang nanlalata 

Nagkumot nalang ako at unti unti na nga akong nakatulog..

 

Khen Lizardo's POV

Dumiretso agad ako sa bahay nila Do nung maihatid ko si Shea..Grabe lang unang beses ko makitang umiyak si Shea ng ganon tapos nanginginig pa siya na parang takot na takot

Eto namang si Dorina tinitiis pa si Shea..Sinadya niya talaga na hindi sunduin si Shea Ewan ko ba don minsan nakakabwiset na ee

"Manang si Dorina po?"Tanong ko sa isang maid nila Do

"Sa kwarto niya po sir"

Umakyat agad ako papunta sa kwarto ni Do at ayun nga naabutan ko siya na naglalaro na XBOX

"Hoyyy"Umupo ako sa kama niya at pinanuod siya maglaro

"Ginagwa mo dito?"Tanong niya ng di nakatingin sakin

"Napadaan lang hinatid ko si Shea ee"Nakangisi kong sagot

"H-hinatid mo?"

"Oo hindi ko naman siya pwedeng pabayaan ee babae yon at"

"At ano?"

"MAHALAGA SIYA SAKIN AT AYOKONG NAKIKITA SIYANG UMIIYAK DAHIL SAYO"

 

Dorina Roxas POV

"At ano?"

"MAHALAGA SIYA SAKIN AT AYOKONG NAKIKITA SIYANG UMIIYAK DAHIL SAYO"Pagtapos niyang sabihin yon umalis na siya agad

anong ibig niyang sabihin don?

Tsaka si Shea umiiyak??Dahil sakin?Ganon ba ko kasama?

Napaiyak ko ang babaeng mahal ko..

Bakit ko ba kasi siya nagawang tiisin??

Ang tanga mo Do =_=

 

FriendZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon