Chapter 11

37 3 0
                                    

Khen's POV

..Mahal ko ang Bestfriend ko

..Mahal ko ang Bestfriend ko

..Mahal ko ang Bestfriend ko

Paulit ulit na naririnig ko yan sa isip ko..Mahal ko na si Shea pero mahal ni Shea si Do at mahal ni Do si Shea.

Sa pagkakataong ito ako ang talo at wala na akong laban pa.

Mahal nila ang isa't isa pero pilit nilang tinatago yun dahil natatakot sila sa pwedeng mangyari..

Gusto kong magalit sa sarili ko dahil inuna ko yung nararamdaman ko kaysa sa nararamdaman ng kaibigan ko.

Oo masakit pero kailangan ko ng kalimutan si Shea dahil alam ko na kay Do lang siya sasaya..

Mm's POV

"Okay na si Do nagpapahinga lang siya" Bungad ko agad sa kanila pagkalabas ko ng kwarto ni Do

Tumabi ako kay Bebe jean na parang maiiyak na.

"Bebe cheer up na,Okay lang si Do" Hinalikan ko siya sa noo

Ngumiti naman siya at sinandal ang ulo niya sa balikat ko.

"Ano bang magagawa natin para kay Do mga par??"Nakatungong sabi ni Pot

"Let's just stay beside him and support him yun lang naman ang kailangan niya ee"Sabi ni Concon at pilit na ngumiti

"Maaayos  naman natin to diba?"Napatungo nalang kmi sa tanong niya dahil ako mismo hindi ko kayang sagutin ang tanong niya.

--

After namin mag usap usap naisipan namin na umuwi na dahil may pasok na din bukas at gabi na din.

Hinatid ko muna ang girlfriend ko bago ako umuwi..

Kailangan ko ng gumawa ng paraan para maayos tong gulo na toh..

*Kinabukasan

Shea's POV

Nilagyan ko muna ng concealer ang mga pasa ko sa katawan bago ako umalis ng bahay.

Napagdesisyunan ko ng pumasok dahil ilang araw na din akong absent.

Nakakapanibago dahil mag isa lang ako ngayon ginusto ko na ding mag isa dahil alam ko naman na darating yung time na kailangan ko ng matutong mag isa.

Nakarating naman ako ng maayos na eskwelahan..

Wala na akong naririnig na mga tilian ng babae sa tuwing dadaan ako dahil hindi ko naman kasama sila Do..

Pakiramdam ko ang tahimik ng buong eskwelahan ..

Buong araw kong di nakita ang barkada maging si Khen hindi ko nakita marahil ay umiiwas na siya dahil sa nangyari kagabi..

Hindi ko naman siya masisisi ee nasaktan ko siya..

Bago ako umuwi naisipan ko munang dumaan sa C.R.

Pagkapasok ko doon ay nakaramdam ako ng matinding hilo at nasundan ng pananakit ng ulo.

Impit akong napaiyak at napaupo sa gilid ng cubicle habang hawak ang ulo ko.

Pilit kong hinanap ang bote ng gamot sa bag ko pero wala.

Unti unti kong naramdaman ang pagdilim ng paligid hanggang sa nawalan nalang ako ng malay.

Dorina Roxas POV

Nandito kaming lahat sa field oo kming lahat kasama si Khen .

Nakatawag pansin samin ang babaeng tumatakbo papalapit samin.

"Do si shea nasa cr at walang malay"

Pagkarinig namin non ay agad na kaming tumakbo sa cr kasama si khen

Nadatnan namin na wala ngang malay si shea at namumutla kung titignan mo parang wala na siyang buhay .

"Shea please wake up" Bulalas ni khen

May hinahanap siya sa bag ni shea at napamura siya nung hindi niya makita.

Gusto kong lapitan si Shea at dalhin na sa clinic pero hindi ako makagalaw.

Sunod namang may hinanap si Khen sa bag niya at bigla siyang nabuhayan ng makita niya iyon.

Isang Bote ng Gamot.

Nagtinginan kaming apat at pilit iniintindi ang nangyayari .

"Shea eat this"Pinainom niya si Shea nung isang tableta ng gamot tsaka niya ito binuhat.

Huminto siya sa harap ko at ibinigay sakin ang walang malay na si Shea.

Ang gaan na niya sabi ko sa isip ko.

"Dalhin mo siya sa ospital hanapin mo si Doctor Fajardo tatawagan ko si tita , Mas kailangan ka niya Par"

Pag tapos non ay umalis na siya kasunod sila Pot,Concon at Mm

Sinunod ko naman ang bilin niya at dinala na si Shea sa ospital..

Ipinasok naman agad siya sa E.R. ..

"Miss"Tawag ko dun sa isang nurse

"Yes Sir?"

"Si Doctor Fajardo po ang Family Doctor nila mas mabuti po siguro kung siya ang titingin kay Shea" Nag nod nalang siya sakin at pumasok na sa E.R

Nanginginig akong umupo malapit sa E.R dahil natatakot ako para kay Shea ..

Ilang saglit pa dumating na si Tita.

"Do anong nangyari?"Natataranta niyang tanong

"Naabutan nalang po namin siya na walang malay binilin po sakin ni Khen na dalhin ko siya dito"

Napaluha nlng si tita habang nakatanaw kay Shea..

Sakto naman na lumabas yung Doktor..

Doctor Fajardo I guess.

"Doc ano pong nangyari kay Shea?"

"Sa Office ko nalang po"

Tumango naman si Tita at sumunod kay Doc Fajardo.

Umuwi din ako nung dumating si tita sa room ni Shea.

At hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung ano ba talagang nangyayari sa babaeng mahal ko ..

Jean's POV

"Khen napatawag ka" Nasa study room ako ngayon dahil gumagawa ako ng homeworks ko.

[May kailangan kang malaman]

"Ha?Tungkol saan?"

[Magkita tayo sa starbucks ngayon na]

Agad agad akong nagbihis para mapuntahan ko agad si Khen.

Ano bang kailangan kong malaman??

FriendZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon